CHAPTER 9: KLERANTO

65 6 0
                                    

ALFLORA POV

Ng matapos akong maligo ay bumalik nako sa aming camp, naka long-sleeved na black na loose at pants na white din, ang saplot ko naman sa paa is isa sa mga balat ng wyvern na napatay ko, atsaka 4 lang na long-sleeved at pants ang meron ako, nasa bag ko, oo may magical bag nako dahil sa balat ata ng malaking baboy ramo, basta halimaw sya na katulad ng baboy ramo, pero sobrang laki nya nahirapan pa ako nung una ko syang kalabanin pero buti naman at napatay ko din.

"Tapos nako, ikaw naman roland. " ani ko at upo sa tabi ni ate alice, sumabay naman si kuya bernard sa pag ligo kay roland para daw pag tapos nila aalis na kami.

"Iho ikaw nalang ang kumain, tapos na kami, pasensya na at nauna kami, hindi ka na tuloy namin nasabayan." Ani ni ate alice.

"Ok lang po ako ate, i mean, walang ano man po yun sanay naman na po ako." Ani ko at sabay kuha ng mangkok na may lamang soup at ang panahog ay karne.

"Siino po nag luto neto? Ang sarap naman po." Tanong ko ng tikman ko ang niliuto nilang pagkain.

"Ahh, si roland, tinulungan ko lang siya mag handa pero siya ang nag luto." Sagot sakin ni ate, ayt naka ng chuchu marunong mag luto ang kuya mo.

Tinapos ko nalang ang pagkain at sakto naman ang pag balik nila kuya bernard, nakapang suot sila ng pangngangaso na damit yung pang medieval talaga, then si alice naman naka pants na medyo fit at naka t-shirt na medyo may mahabang mangas, may naka sukbit din na pana sa likod neto, kay kuya bernard naman is yung shield nyang malaki.

"Tara na't gumayak, baka abutin pa tayo ng tanghali kung mag tatagal pa tayo." Ani ni roland, lumakad naman kami ng sabay sabay ng biglang kuhain ni bernard anv sling bag na ginawa ko.

"Ako na ang mag bubuhat, baka tulunyang hindi kana lumaki kapag nag buhat kapa ng mabibigat." Ani neto saakin.

"Wow ahh, ewan ko kung matutuwa ako sa sinabi mo o mababanas lang." Ani ko dito at binigay na ang bag ko.

"Haha, biro lang, eto namn parang hindi ka mabiro, atsak magiging abala nako mamaya kapag naka uwi na tayo sa kleranto, marami nakong aasikasuhin." Ani nya, so kleranto pala ang pangalan ng bayan nila.

"Pinuno ka nga pala ng isang bayan, hindi ba mahirap ang ginagampanan mo sa inyo?, hindi kaba mapapagod o nagsasawa mag lingkod sa bayan mo?." Tanong ko dito.

"Habang nabubuhay ako, hindi ko hahayaang bumagsak o masakop ang bayan namin, dito na kami lumaki at nagka mulat, hindi namin basta basta hahayaan yun, at oo minsan napapagod ako pero kailangan kong mag paka tatag, dahil kung magiging mahina ako babagsak ang bayan namin, at kung mapapagod at mag sasawa lang ako wala ring mangyayari sabayan ko." Sagot nga sakin ng sincere at may pag tayo pa mg tuwid, edi ikaw na koya.

"Andito na tayo!." Singit naman ni kuya bernard at pinuntahan na ang isang puno hindi ito kalakihan pero hindi rin maliit.

"Para maka pasok ka at makalabas sa gubat ng florenza ay may babanggitin kalang na salamangka upang magkaroon ng lagusan." Ani ni ate alice, saka naman pumunta sya dun ay may binanggit.

"Solartrasfo amistro floranxe." Bigkas ni ate alice at biglang bumakas ang lagusan, ok yun lang pala ang babanggitin nagpaka hirap pako ng tatlong taon dito sa gubat ng florenza shutang yarn.

"Tara na, ng makita mo ang bayan ng kleranto ang bayan na pinamumunuan ko." Ani sakin ni roland at hatak saakin.

Pagka lagpas namin sa lagusan ay may gubat parin sa likod namin pero tanaw ko na sa harap ang bayan na sinasabi nila.

"Tara na at ipaalam sa kanila ang maganda balita, siguradong mag bubunyi ang ating mga kanayon." Ani ni kuya bernard." Ani samin, tumakbo na kami dahil malapit na, pumasok naman kami sa isang tarangkahan, eto ata ang bukanan ng kanilang bayan.

THE UNKNOWN حيث تعيش القصص. اكتشف الآن