CHAPTER 2: SUFFERING

105 5 0
                                    

ALFLORA POV

(STILL IN FLASHBACK)

Nagising nalang ako ng parang may humahatak saakin, naka salampak ako sa lupa at may tali sa mga paa, dun nila ako hinahatak, hindi ako nag atubili at nag pipiglas ako at humingi ng tulong.

"TULONGG!!!, HELP!!, PARANG AWA NYO NA!!." Bigla namang naalarma ang mga dumukot sakin, lima silang panget na halimaw.

"Burnok, patulugin mo nga muna yan, baka may maka rinig saatin at tayo pa ang maging pagkain." Bulong ng isa nilang kasamahan.

"Ehh ikaw na, baka anong gawin sakin nyan, tignan mo nga ohh, baka isa syang mago." Sagot sakanya neto, na confused naman ako sa sinabi nilang mago, pero wala nakong pake dun at nag tuloy sa pag pipiglas.

"Tulonggg!!, tulungan nyokoo!!, may mga halimaw na nag kidnapped sakin, tulongg!!." Sigaw ko habang kinakaladkad ng isang malaking halimaw.

"Ayaw mo tumigil ahh." Natigil nalang ako ng bigla akong sipain neto sa chan, hindi ko kayang tiisin ang sakit kaya napa iyak nalang ako.

"Isusumbong ko kayo kila mama, ipapa pulis ko kayo at pag nakuha kayo ipapa dala ko kayo sa scientists para pag experimentuhan." Hagulgol ko sa kanila, at saka ko lang napag tanto, diba wala nakong isang kamay, pero bakit nandito ulit, may bakas sya ng dugo pero bakit naka kabit parin sya.

"Wala kaming ideya sa pinag sasabi mo bata, pasalamat ka nalang at hindi kapa namin kinakatay, mukhang isa ka sa mga mago dahil kaya mong pagalingin at pabalikin ang nasira mong paa, huwag kang mag alala dahil hindi ka namin papatayin, dahil gagawin ka naming  pagkain na pang habang buhay." Saad nito sakin, nanlamig naman ang aking kalamnan sa sinabi nya at duon ako nag sisigaw ulit.

"Tulongg parang awa nyo na!! Tulungan nyo po ako...." natigil ako sa pag Sigaw ng may nakita akong liwanag sa harapan ng aming tinatahak.

"Nalintikan na, sinasabi ko na nga ba, dapat kasi nilagyan nyo man lang ng tali yang bibig ng batang yan." Saad ng isa nilang kasamahan.

"Mukhang wala tayong magagawa, pag natapos kami dito, ikaw naman ang pipyestahan namin." Saad ng ng leader ata nila yun.

Bigla namang lumabas sa di kalayuan ang mga kobold isang humanoid monster na ang ulo ay hayop, sila pala ang may dala ng torch, marami sila mga 10.

"Pag kabilang ko ng tatlo ay susugod tayong apat, golok bantayan mo ang pagkain, siguraduhin nyong wag kayong mamamatay." Ani nung leader nila.

"Isa, dalawa, TATLO!!, SUGOD!!." Biglang nagka gulo sa dalawang panig, medyo dehado ang mga panget na halimaw dahil onti lang sila, malalakas nga sila pero mababagal, pero ang mga kobold naman katamtamang laki pero mabibilis naman kung kumilos, at dahil sa mabibilis ang mga ito ay duon nila tinuon ang kanilang plano.

"Kero, kailangan na nating tumakas, iwan nalang natin tong bata, para maka takas tayo." Ani ni burnok.

"Mamamatay tayo kung wala tayong isasakripisyo." Saad ng isa nilang kasamahan, kinabahan ako sa sinabi nila pero dahil sa abala sila sa pag uusap, nautakan sila ng isa sa mga kobold, nasaksak sa binti ang dalawa nilang kasama at natumba, at sakto naka alalay ang kanilang kasamahan kaya nahiwa nila ang ulo nito, tatlo nalang ang natitira, si burnok, kero at golok.

"Hindi natin kakayanin ang mga kobold,  maaaring mag tawag pa sila ng kasamahan, umalis na tayo, mamamatay nadin sila." Suggest ni burnok.

"Pero paano sila tori, iiwan nalang ba natin." Ani burnok habang hawak hawak ako, napapa libutan na kami ng ilang kobold,  bali 6 nalang sila dahil pinag pyepyestahan na ng iba yung katawan nung dalawa.

"Wala na tayong magagawa, tatakbo tayo, hindi natin sila kakayanin sa ngayon." Ani ni kero.

"Pano naman natin sila matatakbuhan, napapaligiran na tayo." Singit ni burnok.

"Hawakan mo sa paa ang pagkain at gawing mong pananggalang, ipang hapampas mo narin kung mamaari." Sagot sa kanya ng ni kero.

"Aba't bakit ako ipapang sangkalan nyo oyy, ayoko pa mamatay!!!." Nagulat ako ng bigla akong iwasiwas ni golok, at dahil ako ang ginawa nilang pananggala kahit na maliit ako ay napuruhan parin ako ng malala para lang maka takas sila, may mga sugat ako na malalalim at malala pero gumaling din ito ng wala sa oras mga ilang minuto lang.

Nakatakas kami sa mga kobold dahil saakin.

"Ang sasama ninyo, pinutulan nyo na nga ako ng kamay ginawa nyo pakong shield eh noh, hustisya!!." Singhal ko sa kanila, akala ko hindi ako papansinin nila ng biglang lumapit sakin si burnok.

"Dahil sayo namatay ang kasamahan namin, nararapat lang sayo to." Ani nya sakin at pinutol ang akin braso.

"Arghhhh!!." Napa sigaw nalang ako sa sakit at napa hagulgol, eto nanaman.

"Karma nyo yan, karma's bitch, deserved naman ng mga kaibigan nyo yan, dahil sa nga ginawa nyo sakin." Galit kong bulyaw sa kanila, nag pintig ata ang tenga nila sa sinabi ko at bila namang lumapit sakin ang dalawa pang halimaw at hinawakam ang kaliwa kong paa at kanan kong kamay, sabay nila itong hinatak at nahiwalay.

"Arghgghhhhh!!!!!." Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa panahon nato, mas ok nalang sana na mamatay ako sa kamay ng mga kobold kesa naman sa maging livestock ako ng mga halimaw nato.

Hindi ko na namalayan at nawalan nako ng ulirat dahil sa nararamdaman ko.

Nagising nalang ako ng nasa isang cave na kami, merong mga prutas na naka tabi sa akin, kinain ko naman kaagad kasi nagugutom nako ehh, wala nakong pake kahit may lason pa to, ok lang kahit mamatay ako.

At dahil mabilis ang pag lamon ko ay nabilaukan na pala ako.

"Ughh t.tubig." bigla naman akong binigyan ni golok ng tubig, tinignan ko lang sya ng masama at hinablot na ang basong gawa sa kawayan, medyo mapakla ang tubig na ininom ko kaya napa dura ako.

"Pwee!! Ano bayan bakit ang pakla ng tubig." Napasabi ko nalang.

"Gising na pala ang salot, magpasalamat ka nalang dahil binibigyan kapa ng pag kain at tubig, kung hindi ka lang rasyon namin kanina pa kita ginilitan dyan." Ani ni burnok.

"Tama na burnok, natatakot na yung bata satin ohh." Sabat ni golok, deep in side talaga takot na takot ako sa kanila at parang isang tingin palang nila ay maiihi nako, pero kailangan kong magpaka tatag para lang mabuhay.

"Ipag tanggol mo yang salot nayan, dyan, dyan ka magaling, nakalimutan mo na ba kung bakit namatay ang mga kasamahan natin, dahil dyan, dahil sa salot nayan."

"Tumigil na nga kayo, baka may maka rinig pa sa atin at lahat tayo ay mamatay at gawing pagkain." Awat sa kanila ni kero, lumapit naman bigla saakin si kero at may sinabi.

"Eto na ang buhay mo ngayon, sa gubat ng florenza kapag mahina ka ikaw ang magiging pagkain, pero kung ikaw ay malakas at nagiging dominante sa gubat na ito, ikaw ang kakain, tandaan mo yan." Duro nya sa ulo ko, natahimik nalang ako sa sinabi nya, tama naman kasi sya, at ako eto, isa sa mga mahihina na ginagawang pagkain.

Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko kung bakit nangyayari saakin ang mga bagay nato, gumala lang naman ako, hindi naman ako nagpabaya sa pag aaral, hindi naman ako naging masamang anak, pero bakit nangyari sakin ang mga ito.

Sana matapos na ang kalbaryo ko, sana magising ako na nasa bahay pako nila Justine, nakatulog lang pala ako at hinahanap nako nila papa, sana magising ako na nasa labas na si papa at handa na akong paluuin, sana ayun nalang ang mangyari.

THE UNKNOWN Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang