CHAPTER 8: VILLAGE

68 6 0
                                    

ALFLORA POV

"So bakit kayo pumunta sa gubat ng florenza?, may hinahanap ba kayo na kinakailangan nyo kaya kayo nakipag sapalaran dito?." Panimula ko, kasi naman ang awkward ang tahimik kaya.

"Meron, ayun ang orżen ng basilisk,  kailangan namin ng kanyang orżen para ma protektahan ang aming bayan sa mga mananakop at bandido na gustong sumakop saamin." Paliwanag nya sakin, nagtaka naman ako kung ano yung orżen nayun, pinakita ko naman ang magic core ng basilisk.

"Paano mo nakuha ang orżen ng basilisk!!, wag mong sabihin na ikaw ang pumaspalang sa basilisk!!, ngunit papaano!!?." Gulat at manghang nyang tanong saakin.

"Pinatay ko as usual duhh, pano nga ba alangan naman hiningi ko hindi ba?." Pilosopo kong sagot sa kanya.

"Sabagay may punto ka, pero nagugulimihanan ako sa mga pananalita mo, may iba akong salita na hindi maintindihan, anong wika ito?." Tanong nya sakin ng may tanong sa mukha nya.

"Ahh wag mo na itong alalahanin, eme eme lang, i mean wag mo nalang pansinin, atsaka anong gagawin nyo pala sa orżen, pano nyo ma proprotektahan ang bayan ninyo gamit lang ang isang orżen." Tanong ko sakanya.

"Ibibigay namin ito sa aming salamangkero at gagawin nya itong mahiwagang gamit at nag tataglay ito ng isang kakayahan na kayang prumotekta saamin ng mahabang panahon." Sagot nya saakin, napa ahh nalang ako kahit na kapos yung info na binigay nya saakin.

"Sige eto na ohh, hindi ko naman na kailangan yang mga yan." Ani ko sabay bigay ng orżen sakanya at binigay ang kalahati ng balat ng basilisk.

"Hindi nga, ibibigay mo nga saamin ang mga ito estranghero?, wala kang hihilingin na kapalit o bayad man lang?." Gulat na tanong nya saakin.

"Sa totoo nyan ay may hihilingin sana ako, pwede nyo ba akong isama paalis ng gubat na ito?, matagal ko na kasing hinahanap ang labasan ng gubat ng florenza." Hiya kong sagot sakanya.

"Ganun ba, wlang problema, sasamahan ka namin hanggang paglabas ng florenza, mahirap ngang makalabas sa gubat na ito kung wala kang kasama na may kabisado o alam ng lagusan papasok o palabas ng gubat ng florenza." Sagot nya saakin.

"Ano ba ang dadaanan natin para maka alis sa gubat ng florenza?." Tanong ko ulit.

"Hindi daanan kundi isang lagusan paalis ng bundok ng florenza, isang mahiwagang puno." Sagot nya saakin, kaya pala kahit anong gala ko sa gubat ng florenza ay wala parin akong makitang clue or makitang bayan shutang yarn.

"Sino ka!!, maaari kang mag paliwanag, itaas mo ang mga kamay mo!!." Nagulat kami ng kausap kong lalaki ng bigla akong tutukan ng pana at palaso ng isang babae na kanina lang ay naka salampak at isang lalaki naman ang humarang sa isa nilang kasamahan para ma protektahan ang kanilang pinuno.

"Chill lang nga anteh, hindi ako kalaban, sa totoo nga nyan ay ako ang nag ligtas sainyo sa kapamahakan, kung wala ako ay kanina pa kayo naging pagkain ng basilisk." Ani ko sabay tingin sa lalaki na kanina ko pa kausap o ang pinuno nila.

"Totoo ang kanyang mga tinuran, hindi sya kaaway kundi isang kaibigan." Sagot naman ng kanilang leader at binaba na ang pana na kanina pa naka tutok saakin.

"Ok, ngayon bakit hindi kayo magpakilala saakin, simulan natin sa pinuno." Ani ko.

"Kanina pa tayo nag uusap pero hindi ko pa pinapakilala ang sarili ko, ako nga pala si roland, ang ika walong pinuno ng bayan ng kartal, dalawangpung gulang." Sagot nya sakin, masayodo namang tagalog, wala bang auto translate ng modern Filipino dito, nakaka dugo na eh.

"Ako naman si Alice, ang kasintahan ni bernard, tatlungpu't tatlo gulang."

"Ako naman si Bernard, ang kabiyak ni Alice, tatlungpu't lima gulang."

THE UNKNOWN Donde viven las historias. Descúbrelo ahora