CHAPTER 14: FIRST DAY

91 9 0
                                    


ALFLORA POV

Pagtapos namin kumuha ng id at uniform namin sinunod naman namin ang susi ng kuwarto namin, hindi kami magkasama sa dorm dahil separate ang dorm ng lalaki sa babae at may books din pala sila dito, kaso iba yung texture at yung sulat iba din, buti nalang may auto translate dito kaya hindi ako mahihirapan

Tatlo ang libro nya at ang akin ay dalawa lang, iba kasi ang section ko din sa kanya, ang dalawang libro ko ay magic enchantments at history, ewan ko lang kung ano yung kanya.

"Kita nalang tayo sa kung makikita kita sa school, sana wag mokong kalimutan." Ani ni shamel.

"Malamang ikaw una kong nakilala dito eh." Ani ko at niyakap sya at nag paalam na sa isat isa.

Pumunta naman ako sa boys dormitory para malagay ko na ang aking mga gamit, buti nalang at may magic bag ako na dala kaya hindi ako nahirapan.

"Room 306, shet mukhang nasa 4th floor pa yun ah." Ani ko ng tinignan ang susi ko.

"Ahh miss sa kabilang daan ang women dormitory, ahh i mean kuwarto ng pambabae." Pag correct ng sentence ni kuya mong guard.

"Ahh hindi po kuya, lalaki po ako, sabay pakita ng susi ko na may kulay blue na may pagka green, naka indicate na boys dormitory.

"Ahh pagpasensyahan mo na iho, hindi ko aakalaing lakaki ka pala, o sha pasok." Ani neto sakin, ngayon ko lang napag tanto naka pusod parin pala ako at suot ko ang dami tna ginawa sakin pati na rin ang cloak.

Pinag titinginan man ng mga dumadaan pero la pakels ganda ko sorry ka, napunta ako sa 4th floor at behh walang elevator shuta pero wag ka dahil nasa magic world tayo, sasabihin mo lang sa unang step ng hagdan kung anong floor, dun ka na ilalapag, pak ang convenient.

Medyo maraming room ang malagpasan ko bago mahanap ang room 306, ang room ko, shett ilan kaya kami dito may kasama kaya ako?." Binuksan ko naman ang pinto at nakita ko medyo magulo, lalaki nga naman.

Nagulat ako ng may sumigaw sa gilid.

"Tayo na ulupong, nandito na yung isa nating kasama." Sigaw ng isang lalaki na naka shorts lang, binuksan nya pala ang isang kuwarto sa may kaliwa, beh ang yummy pero ayoko muna ilagay ng atensyon ko sa landi, nagulat ako ng bigla nya itong batuhin ng libro, tinamaan naman sa ulo.

"Ano bayan!!, natutulog yung tao iniistorbo mo!!." Angal naman ng kanina pa ginigising, tumayo naman ito at nagulat ako ng nakita ko ito, kambal sila, mag kamukhang nagkamukha mga beh, parehas pogi din, matangkad, ah basta yun na yun, black ang buhok ng isa at yung binato naman ay may pagka yellow.

"Ahh ako nga pala si paolo, at sya si lucio." Pagpapakilala nila, si paolo yung nambato at ang nabato si lucio.

"Ako naman si alflora, kinagagalak ko kayong makilala." Sagot ko sa kanila.

"Freshmen?, baguhan?." Tanong nito sakin.

"Freshmen." Ngiti ko.

"Oww, tiga earth ka din ba katulad namin?." Tanong ni lucio.

"Yep, pero matagal nakong nandito pero nasa malayong bayan, mahabang kuwento pero so far nakarating din dito." Ani ko.

"Hindi ka na namin aabalahin pa, sa kanan ang kuwrto mo sa may bandang dulo, bawat isa saatin may kuwarto, nasa kaliwa ang room namin, at dahil nadagdag ka saamin ang gawain mo ay mag luto, marunong kaba mag luto?." Tanong sakin neto, basic sus.

"Yes." Simple kong sagot dito.

"Good, may pagkain naman sa cafeteria pero much better kung lutong bahay, every week tayo mag rerestock ng grocery, nakuha mo na ba card mo para sa gagamitin mong pera sa school?." Tanong neto sakin.

THE UNKNOWN Where stories live. Discover now