CHAPTER 13: TEST

68 6 0
                                    


ALFLORA POV

Nakarating na kami sa may arena at nakita naman namin sa labas ang propesor na sinasabi ng kawal kanina.

"Ahh mawalang galang na po propesor, kukuha po kami ng pag susulit." Excuse ko dito.

"Nasan ang papel?." Tanong nito samin, binigay naman namin ito kaagad.

"Ano itong insektong parang paro paro, baka ang ibig mong sabihin ay santerya, sarili mong kakayahan hindi mo alam kung anong tawag." Ani neto.

"Pasensya na po, ako lang po kasi may ganyang kakayahan samin, kaya hindi po namin alam kung ano ang tawag dito, ngayon alam ko na po ang tawag dito, santerya, papalitan ko nalang po." Ani ko at kinuha ito at binago.

"Pasalamat ka at isa sa mga madalang na kapangyarihan ang nasayo kaya pag bibigyan kita, pumasok na kayo at tatawagin nalang kayo kapag kayo na ang saalaang." Ani samin.

"Salamat po propesor." Ani namin at pumasok na sa arena, wow as in wow, ang laki beh, parang kalahati ng Philippine arena, like anlaki nya beh, pero palag lang to, kakayanin mo to.

"Teh kinakabahan ako, ano kaya yung pag susulit na gagawin." Tanong sakin ni shamel.

"Hindi ko rin alam, maupo nalang tayo sa malapit at panoorin kung anong pag susulit, at pakinggan kung tayo na ba ang sunod." Ani ko, nag hanap kami ng malapit at bakanteng upuan, naka hanap naman kami at sakto naman na may ibang tinawag.

"Alex, isang wind element holder, isang transferee galing sa mundong earth." Nagulantang naman ako, ha?, don't tell me common sa alcren ang mga tiga ibang mundo o earth kaya sila nakakapag English, shetttt kailangan kong kausapin tong alex nato.

"At ang makakalaban nya, ang ating propesor na si dante, isang earth element holder." Pag papakilala ng mc.

"Ipakita mo ang lahat ng makakakaya mo at sasabihin ng propesor kung naka pasa kaba o hindi, mag handa, laban!!." Pag papaliwanag neto.

Unang sumugod si alex nag chan sya ng spell wind cutter ba? Kasi nagkaroon ng wind blade at inatake ang propesor, sinalag lang neto gamit ang earth element gumawa ito ng shield gamit ang lupa.

"Mukhang mahihirapan ang ating katunggali na si alex laban sa ating propesor, hindi nya masira ang depensa ni propesor dante." Sigaw ng mc.

"Gust tornado!!." Cast ni alex at nagkaroon naman ng napaka laking tornado sa loob ng arena buti nalang at may barrier ito at nilamon ng buhawi si propesor dante, ilang saglit lang ay nawala ang buhawi at nawala ang usok, nagulat ang lahat ng nakita nilang warak ang depensa ni propesor dante, pero nag sigawan naman ang iba ng nakita nilang tumilapon si alex dahil inatake na pala sya ni propesor dante.

"At ang hatol sa kanya ay!!." Pag putol ng mc, sinenyasanan naman ito ng propesor.

"Alex ng earth, nakapasa!!." Sigawan ulit ang mga estudyanteng nanonood.

"Ang galing nya eh nohh, pero sigurado ako kung mag tatagal pa sya sa akademya siguro mas lalakas pa sya at ang guwapo nya pa kyahhh." Ani ni shamel.

"Tama ka, kaso hindi naman sya tiga dito, tiga earth sya kaya wag kang hibang." Ani ko dito.

"Pake ko kahit na tiga ibang mundo pa sya." Ani ni sham, gaga tiga earth din ako di mo lang alam, nabigla ako ng tinawag ako.

"Ang susunod na kalahok, alflora luis alfonso, tiga bayan ng kleranto, at isang santerya, bihira ang may kakahang ganto, at ang makakalaban nya ay isa sa mga magagaling nating propesor, propesor jared, isang summoner." Bumaba naman ako at medyo kinabahan.

"Gawin mo ang makakaya mo teh!! Kaya mo yan, tiwala lang." Sigaw ni shamel, nginitian ko nalang ito.

"Ipakita mo saakin ang galing mo santerya, aliwin moko ng mabuti." Saad nya ng naka ngisi, parang naiirita ako.

THE UNKNOWN Where stories live. Discover now