CHAPTER 01

418 14 15
                                    

Hi, ako nga pala si Mallory Infelicis. Sabi nila unlucky daw ang meaning ng pangalan ko, ang sabi naman ng iba sa apelyido ko ay ang Infelicis daw ay galing sa salitang latin na ang ibig sabihin ay malas kung isasalin sa wikang tagalog.

Ewan ko ba kung nagkataon lang to o may ibig sabihin na ang pangalan ko sa una palang? I mean, i dont believe in spirits. But everytime na nag iisa lang ako sa bahay ay parang may nagpaparamdam sakin.

Pero hindi naman ako naniniwala sa mga ganyan kaya denedma ko nalang.

I am just a ordinary girl na hindi mahilig makipag halubilo sa mga tao, kahit ang simpleng pag labas lang sa bahay ay bini-big deal ko na. I dont know lang ha, pero naiilang talaga ako sa mga tao sa tuwing tumitingin sila sakin.

Siguro ganito rin ang lahat ng taong bahay, im sure na nakakaranas narin kayo ng ganyang feeling, lalo na sa mga mahilig mag standby sa comfort zone nila.

“Mallory! Bumaba ka nga muna jan sa kwarto mo! May iuutos lang ako sayo sa labas!“ Sigaw ni mama.

Actually nasa kwarto ako ngayon, nasali kasi ako sa mga friendless era na tao dito sa mundo.

“Eto na ma, bababa na!“ Sigaw kong sagot para marinig niya ako.

Agad kong binitawan ang celpon ko at iniwan ko sa kama, tsaka ako tumayo at lumabas sa kwarto.

Bumaba ako ng hagdan at nang makarating na ako sa kusina ay dito ko nakita si mama na nag ma-marinate ng adobo.

“Mallory, bumili ka nga ng patis sa tindahan. Naubos na pala ang patis natin.“ Sabi niya.

Tumango lang ako at dito nga ay binigyan ako ni mama ng kinse pesos(15) para ipambayad sa silver swan na patis.

Dali dali akong lumabas ng bahay at sa pag labas ko ay tumambad na agad sa mukha ko ang mga tambay sa kanto, nakangiti silang tumitingin sakin kaya yumuko ako para maharangan ng buhok ko ang mukha ko tsaka ako nagpunta sa tindahan.

Pagdating ko sa harap ay may isang grupo ng mga tambay ang nag iinuman sa gilid.

“Mallory! Sabi ng dyos, pakakainin ang mga nagugutom at paiinumin ang mga nauuhaw!“ Sabi ng isa sa mga lalaking umiinom.

“Aysos, nabasa ko na yang style na yan sa Facebook.“ Sabi ko sa isip at nagsalita siya.

“Saktong sakto! Birthday ng mama mo ngayon kaya pwedeng makahingi ng pulutan? (Sabay ngiti) wag mo nang alalahanin ang inumin dahil nandito yung papa mo (sabay turo sa gilid kung saan nandoon si papa na nakahiga sa kahoy na upuan) siya na ang bahalang bumili ng alak hahaha!“ Natatawang sabi niya.

Agad ko siyang sinimangutan tsaka ako sumagot.

“Che! Sabi din doon sa bible, nilipat ang satanas sa baboy! Kung kakain ka ng baboy ay ibig sabihin mapupunta sa tyan mo si satanas! Kaya wag na! Demonyo na nga yang mukha mo tapos may satanas pa sa tyan mo.“ Sagot ko sabay tingin sa tendirang natatawa sa sagot ko.

“Aba! Di ko yun nabasa sa bible! Tsaka nilinisan nyo naman diba!? Ibig sabihin wala na si satanas sa tyan!“ Sabi niya na medyo pasigaw.

Agad namang sumagot yung tendira.

“Tumahimik ka nga jan bentong! Mukha ka na ngang satanas, tapos namumula pa yang mukha mo dahil sa alak! Parang ikaw na nga mismo si Satanas eh!“ Sagot nung tendira.

Sumagot naman si bentong pero hindi na ako nakinig, si bentong pala ang tiyuhin ko kaya nakakapagbitaw ako ng mga ganung salita. Pero kung ibang tao yan ay malamang hindi bubukas tong bibig ko.

“Ate lourdes, pabili po ng isang patis na silver swan. Yung malaki.“ Sabi ko.

Agad naman niyang kinuha ang patis tsaka niya binigay sakin.

“Trese(13) nalang para sayo.“ Sagot naman niya.

Agad ko naman siyang sinimangutan at kinuha ko ang patis, pano ba naman kasi eh trese(13) naman talaga ang normal price ng patis dito.

“Ito sulki.“ Sabi niya.

Agad akong ngumiti at sumagot.

“Keep the change.“ Pagmamayabang ko sabay kuha sa dos(2) pesos na sukli.

“Aba! Akala ko ba keep the change?“ Pagrereklamo pa niya.

Agad akong naglakad palayo habang natatawa, si ate lourdes naman ay isa sa mga kapatid ni mama kaya komportable ako sa kanya.

Habang naglalakad ako pabalik ay dito ko napansin ang isa sa mga bahay na may lamay.

“Luh? Di ko yan napansin kanina ah.“ Sabi ko sa isip.

Siguro hindi ko yan napansin kasi nakayuko naman ako habang naglalakad at nakaharang pa yung buhok ko sa mukha.

Agad akong nagpatuloy sa pag lalakad pero bago pa ako nakalayo ay narinig kong may nanalangin.

“Ama namin, sumasalangit ka.“ Boses ng matanda.

“Sambahin ang ngalan mo, mapa saamin ang kaharian mo.“ dagdag pa niya.

Napatingin ako sa bahay at dito ko nakita ang ibang mga tao na nakikiramay.

“Sundin ang loob mo dito sa lupa, para lang sa langit. Bigya—”

Hindi ko na tinapos ang pakikinig dahil kailangan na ni mama ang patis.

Habang nag lalakad ako ay may isang ali ang nag sasalita.

“Alam mo? Sayang si anthony no, dahil ang bata pa niya tapos inatake na agad sa puso.“ Sabi nung ale.

So, si anthony pala ang namat*y.

Si Anthony ay isa sa mga kalaro ko dati noong bata pa kami, pero nung nagsimula na kaming mag matured ay nagiging busy siya sa future niya samantalang ako ay wala, nakahiga lang sa kwarto.

Agad na akong bumalik sa bahay namin at binigay ko kay mama ang patis, tsaka ako umakyat sa kwarto at aakmang papasok nang biglang bumukas ang pinto kahit hindi ko pa naman hinawakan.

Dahil dun ay bigla akong nagulat.

“Papanong nangyare yun?“ Sabi ko sa sarili ko.

At dahil hindi naman ako naniniwala sa mga spirits ay agad akong pumasok sa kwarto baka may tao lang o kaya bata ang nakakapasok sa kwarto ko since hindi ko naman ito sinara noong lumabas ako.

Pagpasok ko ay tiningnan ko ang likod ng pintuan pero wala namang tao.

“Nakakapag tataka naman.“ Sabi ko sa isip.

Hindi ko nalang yun ininda at aakmang babalik na sana ako sa kama pero pag lingon ko sa gilid ay dito ko nakita si anthony na may hawak na isang kahoy na matulis at inatake niya ako sa puso.

Dahil dun ay aakmang sisigaw sana ako pero hindi kaya ng katawan ko ang sakit at dito nga ay natumba ako sa sahig kasabay ng paglaho niya sa harap ko na parang bula, tsaka ko nalang namalayan na unti unti na ring humihinto ang pag hinga ko.

Hanggang sa namat*y na nga ako…

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

PREMONITION: CLAIRVOYANT Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang