CHAPTER 10

100 8 3
                                    

⚠️:Opps! Bago simulan ang chapter 10 ay nais ko po sanang sabihin na iniba ko po ang title ng kwento, from OUR FATHER to PREMONITION: CLAIRVOYANT.

Yun lang, maraming salamat!

CHAPTER 10

“Chief, nakakapagtaka. Wala namang driver yung kotseng bumangga sa kanila.“ sabi nung lalaking detective.

Dahil sa sinabi niya ay dito ko napagtanto na si death nga ang may gawa nun, pero anong klaseng kapangyarihan ang na unlock ko? Bakit nakikita ko ang mga gagawin palang ni kamatayan upang kunin ang mga buhay ng mga taong natapos na ang mga misyon nila sa mundo?

Ang dami kong iniisip, tsaka ang main victim naman talaga dito ay si jessica diba?

Habang nag iisip ako ay pumunta na kami sa pulis office para tingnan ang cctv na nandoon  sa bahay nila mallory na mayaman.

Ilang minutong pagba byahe ay nakarating na nga kami sa opisina nila tsaka namin tiningnan ang cctv.

Sa footage ay kitang kita na nasa harap kami ng bahay habang tumatakbo ang kotse ng sobrang bilis.

“See? Inosente kami, tsaka kayo pa nga ang nag contact samin para makipag tulungan.“ Sabi ni gregor.

Napatango nalang ang pulis habang ni-replay ng ni-replay ang video, hanggang sa nagsalita si jessica.

“E pause mo nga sa parteng masasagasaan na sila.“ Sabi niya na ipinagtaka namin.

Agad na ni-replay ng pulis ang video at pinause sa parteng masasagasaan na ang mga kasamahan niyang pulis, at dito nga ay pinazoom-in ni jessica ang front seat.

Dito na kami nagulat, dahil totoo nga ang sinabi nung lalaki kanina na walang driver yung sasakyan.

“Grabe, nakakatindig balahibo naman.“ Sabi ni chief.

Sumagot naman yung isang pulis.

“Oo nga, kaya nga nakipag tulungan tayo sa mga paranormal experts kasi magaling sila pag dating sa mga spiritual na pangyayare.“ Sabi nung isa pang pulis.

Napaisip ako, sino kaya tong ginagambala namin?

Pagkatapos namin tingnan yun ay agad na kaming bumalik sa van tsaka kami kumain ng hapunan dahil mag alas sais(6) na at malapit nang gumabi.

Habang kumakain kami sa van ay dito na ako tinanong ni jessica.

“Sino yung kausap mo kanina?“ Sabi niya.

Siguro yung tinutukoy niya ay yung dalawang multo na kausap ko kanina.

“Wala, yung may ari lang ng bahay na si mallory. Hindi rin daw niya alam ang nangyayare sa kanya.“ Sagot ko, hindi ko sinabi kay jessica ang totoo. Dahil masyado pang maaga.

“Ganun ba, sayang naman at hindi tayo makakakuha ng impormasyon.“ Ika pa niya.

Hindi ko na sinagot pa ang sinabi niyang yun, dahil nangyare na ang nag banggaan. Ngayon ang problema ko nalang ay kung paano ko malalaman na may masasagasaan?

Kasi alam ko namang mangyayare yung may bumanggang kotse kaso hindi ko alam kung kailan ito mangyayare. Tsaka walang pinapakita sa vision ko kung sino yung masasagasaan, paano ko malalaman?

“Isip.“ Sabi ko sa utak ko.

“Mag isip ka mal.“ Dagdag ko pa habang nginunguya ko yung pagkain.

Pero kahit anong isip ko at pilit ko pang inalala ang vision na yun ay wala talaga akong maisip, hanggang sa matapos na kaming kumain pero wala pa rin akong aydeya kung paano gumagana ang premonition at clairvoyant na to.

Nagpahinga muna kami ng ilang minuto bago namin naisipang bumalik sa bahay ni mallory na mayaman, pag balik namin dun ay agad kaming pumasok sa bahay since may permit naman kami.

Tumingin tingin ako sa paligid ngunit wala talagang kakaiba, kahit multo ay wala akong nakita. Siguro hindi iipekto ang third eye ko pag si kamatayan na ang titingnan ko.

I wonder kung kaluluwa din ba si kamatayan?

“Ano? May nakita ba kayong kakaiba?“ Tanong ni gregor.

Umiling lang kaming dalawa ni jessica, paano namin to malulutas kung si kamatayan ang may gawa?

Agad akong lumayo sa kanilang dalawa at nag punta ako sa sala, at dito ko nakita si mallory na mayaman na nakaupo sa sofa kahit multo na siya.

“Feel na feel mo talagang umupo jan?“ Unang tanong ko para makipag usap.

“Yup, bahay ko'to eh.“ Kunti niyang sabi.

Agad akong napaupo at sumagot.

“Paano namin to malulutas e wala namang kakaiba sa bahay na ito, kung may multo man ay ikaw lang yun.“ Sabi ko.

Ngumiti namn siya at sumagot.

“Alam mo pala ang sagot, bat ka pa nananatili dito?“ Ika pa niya.

“Nakipagtulungan kasi samin ang mga detective na yan.“ Ika ko pa.

Tumingin naman siya sakin at humarap.

“Kita mo'to? (Sabay turo sa limang saksak sa katawan niya.) Hindi multo ang may gawa nito, mas lalong walang criminal na tao. Kaya wag mong ubusin ang oras mo sa kakaimbestiga dito dahil wala kang mapapala.“ Sabi pa niya at huminga ng malalim tsaka nagsalita pa.

“Alam mo ba kung ano ang dapat mong po-poblemahin ngayon? (Sabay tawa) yung vision mo, dapat mong iligtas ang mga tao sa kamatayan mal. Yung mga nakikita mo ay mga clue na yun, binigyan ka na ng clue para malaman mong may mamamatay.“ Sabi pa niya at kahit naka ON yung third eye ko ay naglalaho pa rin siya.

I know naman na clue yun, pero ang problema lang ay hindi ko alam kung kailan at saan ito mangyayare o magaganap .

Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay nakita ko sila jessica at gregor na papunta dito sa'kin.

“Kumusta? May nakita ba kayo?“ Tanong ko kahit alam kong wala silang makita dahil hindi naman multo ang may gawa nito. Mas lalong hindi tao kaya walang makitang salarin ang mga pulis.

“Wala mal, bumalik na muna tayo sa van at magpahinga.“ Sabi ni gregor.

Tumango nalang ako at naglakad kami papuntang van, pagkarating namin dun nag iisip si gregor kung ano ang susunod na move namin hanggang sa hindi ko namalayang ilang oras na pala kaming nakaupo at nagpahinga.

“Bukas na natin to itutuloy.“ Sabi ni jessica.

Tumango lang kami at dito nga ay natulog kaming tatlo sa van, dahil ganyan naman talaga kami pag may humingi ng tulong samin pero hindi namin maso-solved ng isang araw.

Kinabukasan…

“Urrgghh!!“ Hikab ni jessica sabay stretch.

Nagising rin kaming dalawa ni gregor at tiningnan ko yung oras, alas syiete(7) na ng umaga.

“Dito muna kayo, bibili lang ako ng makakain natin.“ Sabi ni gregor.

Ngumiti lang kaming dalawa ni jessica dahil ganyan naman yan tuwing umaga, nakasanayan na naming siya ang bibili ng aming makakain.

Agad na lumabas si gregor at hindi sinara ang pintuan ng van, kaya agad akong lumapit at aakmang isasara ko na sana ang pinto nang biglang may isang taxi ang humarurot sa daan at dito nga ay bumangga ang taxi sa lugar kung saan nakatayo si gregor.

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

PREMONITION: CLAIRVOYANT Место, где живут истории. Откройте их для себя