CHAPTER 08

108 7 3
                                    

Lahat ng balita sa tv, babala ng mga multo, yung vision ko, yung pakikipag tulongan ng PNP samin at sa mga nangyare kay mallory bago mamat*y ay konektado sa darating na kamatayan ni jessica. Isa itong babala, kung ma'aagapan ko ito ay may chansang madadaya ko si kamatayan.

Bigla tuloy akong kinabahan, bakit ba kasi sakin pa nangyare ang mga bagay na ito. Tsaka asan dun ang malas na sinabi nung mga multong nagpapakita sakin?

Ang dami kong iniisip at hindi ko namalayang nakarating na pala si jessica sa shop namin, at dito na sinabi ni gregor ang pagtutulungan ng mga paranormal experts sa mga police detective.

“Wow! Talaga? Edi mabuti kong ganun.“ Sagot ni jessica.

Maya maya lang ay nag sent na ng mga list of unsolved cases ang head ng PNP chief sa fb page namin at dito nga ay halos walang pinagkaiba sa binasa ni gregor sa Daily News Updates.

“Ano? Handa na'ba kayong puntahan ang nasabing lugar?“ Tanong ni Gregor.

Tumango lang kami at nagsimula nang maghanda si gregor ng mga gamit niyang pang track ng mga kaluluwa sa paligid.

Ilang minuto lang ay natapos na siyang ihanda ang mga gamit niya kaya agad na kaming nagsilabasan.

Agad silang nagsipasukan sa puting van pero ako ay huminto muna sa gilid dahil bumili ako ng makakain, wala kasi akong umagahan tsaka ako pumasok sa van.

Ilang segundo lang ay tsaka na kami umalis.

Habang nagba-byahe ay pasimple akong kumain ng umagahan.

“Ano kaya ang kinalalabasan nito?“ Sabi ni gregor.

Sumagot naman si jessica.

“Iwan, first time kong makipag tulungan sa mga taong hindi naniniwala sa paranormal eh.“ Sagot ni jessica.

Sumagot naman si gregor.

“Kaya nga, pero ngayon ay gusto na nilang...“

Hindi ko natapos ang pakikinig dahil habang kumakain ako ay nagkakavision nanaman ako, kaya agad akong napahimas sa ulo dahil sumasakit ito habang may nginunguya ang bibig ko.

Nang makita ako ni jessica ay agad siyang nagtaka.

“Okay kalang?“ Tanong niya.

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pag kain, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung ano yung nakita ko sa hinaharap, dahil sa vision ko ngayon ay may nag iba. Bago mamat*y si jessica ay may nagbanggaan daw na kotse, may namamatay at may naaksidente. Pagkatapos nun ay may bata sa kalsada.

“Ayan kasi, magdahan dahan ka kasi sa kinakain mo.“ Dagdag pa ni jessica at natawa.

Di ko alam ang mga nangyayare pero may posibilidad kayang nag bago ang cause of death ni jessica dahil nakikita ko kung ano ang mga posibleng mangyare?

Hindi ako umimik at nag chikahan lang silang dalawa sa van, ilang minuto lang ay napansin naming ang traffic ng kalsada.

*Peep!!* *Peep!* - pag busina pa ni gregor sa van.

Tumakbo naman ang kotse namin pero sobrang hina lang, i wonder kung ano ang meron.

Habang tumatakbo ang sasakyan namin ay unti unti naming nakikita ang nasa harap ng kalsada, at ilang minuto lang ay dito na namin nalaman na kaya pala traffic dahil may nasagasaan ng jeep.

“Grabe naman, kawawa yung lalaki.“ Sabi ni jessica.

Pati ako ay nagulat, dahil hindi ko yun nakita sa vision ko. Siguro walang konek yun sa kamatayan ni jessica.

Ilang minuto pa ay nakaalis na nga kami sa kalsadang yun kaya agad na pinaharurot ni gregor ang van nang malagpasan na namin yun.

Hindi nalang namin yun ininda, at dito nga ay nanunood si jessica ng anime movies.

Habang nag aantay ako kung kailan kami makakarating doon sa nasabing lugar ay biglang nahagip ng aking mata ang isang babaeng duguan na nakaupo sa gilid ko.

“Mas mabuti pang huwag mo nang pakialaman si kamatayan, nag babago ang mga mangyayare sa tuwing may naiwasan kang dapat na nangyare na.“ Sabi niya at dito nga ay agad na naglaho.

Agad na nablanko ang isip ko, papanong nagbago ang mga nangyayare e'wala naman akong iniiwasang mga mangyayare palang.

Medyo na aware ako sa pag papakita nang babaen yun, may saksak siya sa puso. I wonder kung isa rin kaya siyang mallory?

Napailing nalang ako, maya maya pa ay lumipas ang mga oras at nakarating na nga kami sa nasabing bahay ni mallory Infelicis na isang mayamang babae, at napansin naming may mga detective sa paligid ng bahay habang nag iimbestiga.

Agad naming hininto ang van at sinalubong naman kami ng head police detective.

“Magandang hapon, (alas tres(3) kasi kami ng hapon nakarating.) Maraming salamat sa pakikipagtulungan samin, im hoping that we can solved this unsolved mystery cases of mallory Infelicis immediately.“ Sabi nung head.

Tumango naman ako dahil ako naman ang gumawa ng PMSG, pero ayokong tawaging leader.

“Sure, maraming salamat rin dahil pinagkatiwalaan nyo kami.“ Sagot ko at nag shake hands kami.

Dito na natapos ang usapan namin.

Binigyan niya kami ng papel, permiso umano iyon para kung gusto naming pumunta dito ng gabi ay pwede kaming pumasok anytime.

Hindi muna pinalabas ni gregor ang mga gamit niya pero kinuha niya ang ghost tracker niya tsaka kami nagpunta sa bahay at pumasok.

Pag pasok palang namin ay umilaw na agad ang ghost tracker ni gregor, pero wala naman akong nakitang multo.

Pinuntahan namin ang kwarto kung saan namat*y ang mayamang mallory pero pag dating namin dun ay walang niisang gasgas sa mga pader, pati ang pinto ay walang makikitang clue. Ngayon alam ko na kung bakit nahihirapan silang sulbahin itong kasong to.

Pero sa pag kakaalam ko, basta mga ganitong case ay binibigay na ng mga pnp sa mga paranormal eh. Siguro need pa ng ilang araw bago nila isara ang kaso pag hindi talaga nila na solved at kami na ang magpapatuloy.

Agad na kaming lumabas ng bahay since wala namang niisang clue, pag sasabihin kasi naming umilaw ang raydar ni gregor ay wala namang mangyayare, hindi naman sila naniniwala sa mga multo. Kaya di ko tuloy alam kung ano ng saysay ng pakikipagtulungan nila samin.

Pagkalabas namin ng bahay ay aakmang lalapitan sana namin ang Head ng PNP chief nang biglang may isang sasakyan akong nakita na humarurot papunta sa kinatatayuan nung mga pulis, at sa tingin ko ay nawalan ito ng kontrol kaya agad na lumaki ang aking mata tsaka ako sumigaw.

“Illaaaggggg!!!!“ Sigaw ko sa kanila.

Agad naman silang napatingin sakin imbes sa gilid dahil nandoon ang sasakyan na sobrang bilis kung tumakbo.

At sa isang iglap lang, nasagasaan silang lahat.

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

PREMONITION: CLAIRVOYANT Where stories live. Discover now