CHAPTER 05

160 6 5
                                    

Alas kwatro(4) ng hapon matapos naming masulba ang problema nila aling berting tungkol sa isang babae na nagpapakita at nagpaparamdam tuwing alas tres(3) ng madaling araw ay agad na kaming bumalik sa aming kulay puting van para magpahinga.

“Grabe nakakapagod talaga ang trabahong to.“ Sabi ni jessica.

Agad akong natawa at sumagot.

“Ganun talaga jess.“ Sabi ko at nagsalita pa.

“Pero sa huli ay worth it naman, dahil may natutulongan tayong tao na makatawid sa kabilang buhay.“ Sagot ko sabay ON ng TV para makinig ng balita.

Nagbabakasakali akong may marinig o may mahagip na balita tungkol sa mga multo, sanib, o nagpaparamdam, at kung ano-ano pang may kinalaman sa mga supernatural na mga bagay bagay o pangyayare.

“I wonder kung ano o kailan may mangangailangan ng tulong natin.“ Sabi ni gregor dahil makakatanggap lang kami ng trabaho 2x a year o kaya 3 x a year.

Habang nilipat-lipat ko ang channel ay nakuha ang atensyon ko sa isang balitang may pat*y, kaya hininto ko muna at pinanood ko yung balita kung ano ang nangyare sa pat*y.

REPORTER: base sa imbestigasyon ay kaninang alas dose(12) ng gabi nabawian ng buhay ang isang babae na ito (sabay pakita sa picture) ang sabi ng mga pulis ay sinaksak daw siya ng limang kutsilyo pero hindi nila matukoy o malaman kung sino ang may gawa dahil wala namang mga finger prints ang nasabing patalim—.

Agad akong nagulat sa narinig tsaka lumapit sila gregor at jessica sa tabi ko at nakinig.

REPORTER: kinuha ng mga imbestigador ang CCTV sa nasabing bahay at nagtataka umano ang mga pulis dahil wala namang pumasok sa bahay at napakalinaw pa ng CCTV, ang nakita lang daw nila ay tumakbo ang babaeng si mallory palabas—.

“Oyy, kapangalan mo mal ohh.“ Sabi ni gregor.

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang ako sa pakikinig.

REPORTER: Pero habang tumatakbo ang biktima ay para itong nasisiraan umano ng bait, at kaninang alas 3 ng hapon lang ay napag-alaman na may CCTV din pala sa kwarto nung babae kaya pinanood ng mga pulis ang video. (Sabay pakita sa video sa screen) sa video ay nakita siyang nagsasalita mag isa at bago pa naganap ang pat*yan ay nakita rin sa video na bumukas mag isa ang pinto kaya siya tumakbo palabas, at kalaunan ay bumalik rin siya sa kwarto at nahiga. Matutulog na sana ang biktima pero nakita natin sa video na may limang kutsilyo ang lumipad—

Hindi natuloy ang panonood namin dahil biglang nagloko ang TV.

“Arrggh! Nasa exciting part na sana!“ Sabi ni gregor at lumabas, inayos niya ang anthena sa itaas ng van.

“Parang alam ko na kung ano ang susunod natin sulbahin.“ Sabi ko kay jessica.

Ngumiti naman siya at sumagot.

“Wag na, under goverment naman yan ehh! Walang bayad pag makikialam tayo jan.“ Pagrereklamo pa ni jessica.

Agad akong natawa at sumagot.

“Itong babaeng to, napaka mukhang pera.“ Pabiro kong sabi.

Ilang segundo lang ay naayos na ni gregor ang anthena pero naiba na ang topic ng balita, nasa drûg@ na kaya pinat*y ko na ang TV.

“Tara na, umuwi na tayo.“ Sabi ni jessica.

Agad namang nag drive si gregor paalis sa bahay nila aling berting at si jessica naman ay nagbibilang ng perang binigay ni aling berting dahil nalutas namin ang misteryo sa bahay niya.

Habang may pinagkaabalahan ang dalawa kong kasama ay ipapakilala ko muna ang sarili ko.

Ako nga pala si mallory Infelicis, at ang meaning ng buo kung pangalan ay malas. Isa akong kakaibang babae dahil binibiyayaan ako ng maykapal na makakakita ng mga hindi na dapat nakikita. At dahil sa kakayahang ito kaya ko nabuo itong team namin na pinapangalanan kong PMSG or Paranormal Mystery Solver Group.

Si gregor naman ay ang scientist namin, gagamit siya ng technology para ma trace ang mga spirits.

Si jessica naman ay isang Telekinesis, may ability siyang Pagalawin ang mga bagay bagay. Pero hindi niya kayang pagalawin ang isang bagay kung mas mabigat pa ito sa dalawang pinagsamang 20 peso coin.

Ilang minutong pag babyahe ay nakarating na kami sa munting shop namin kung saan nagtitinda kami ng mga luma, Antique at haunted na mga gamit, may mga paranormal experts din kasi ang mga bumibili. At yan ang nagsilbing daily income namin dahil sobrang bihira lang na may tatawag samin para magpatulong sa mga kababalaghan ng kanilang bahay.

Agad naman silang pumasok sa loob maliban sakin, dahil kanina ko pa napansin ang isang babae na nakasunod samin.

Kahit hindi pa siya magpaparamdam ay nakikita ko naman siya, dahil iyan ang biyayang ipinagkaloob sakin ng nakakataas.

Nang makapasok na silang dalawa sa loob ay agad kong nilapitan ang isang babae at dito nga ay nagsalita siya.

“Ikaw na ang susunod.“ Sabi niya.

Hindi ako umimik, dahil normal lang sa mga multo ang manakot pag nagpapakita o nakikita. At halos lahat ng mga multong nakikita ko ay nananakot, kaya nagsalita ako.

“Anong gusto mo? May kailangan kabang gawin dito sa mundo kaya moko sinundan?“ Tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at tumalikod, sinubukan niyang mag laho pero nakikita ko pa rin siya.

“Wag ka nang manakot, nakakakita ako ng mga kaluluwa. Kahit maglaho ka pa sa mga mata ko ay hindi ka makakatakas sa ikatlo kong mata.“ Sagot ko.

Agad naman siyang nagulat sa sinabi ko.

“Malas! Mamalasin ka!“ Sabi niya.

Napailing nalang ako dahil ilang ulit ko nang narinig yan at nagsasawa na ako, malas na nga ang meaning ng pangalan ko at malas rin ang ibig sabihin ng apelyido ko sa tagalog tas pagsasabihan pa akong malas ng mga tao at multo.

“Oo alam ko, wala kanabang ibang paraan para takutin ako?“ Kalma kong sabi at base sa hitsura niya ay may saksak siya sa puso, pero malayo naman ang hitsura niya sa babaeng nasa balita. Dahil limang saksak ang natamo nung babae tapos sa kanya ay isa lang.

“Wag mong babaliwalain ang vision.“ Sabi niya at dito nga ay biglang lumaki ang aking mga mata, dahil unti unti siyang naglalaho sa harap ko kahit naka ON yung third eye ko.

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

PREMONITION: CLAIRVOYANT Where stories live. Discover now