CHAPTER 03

159 10 12
                                    

Nang makalapit na kami sa kabaong ay bigla akong kinikilabutan, dahil nakita ko mismo sa harap na si jessie yung pat*y.

Agad akong napaatras at nakita ko si jessie na nakatingin lang sa sarili niya sa kabaong.

“H-hindi!“ Sabi ko na halos lalabas na sa dibdib ang puso ko dahil sa kaba.

“Miss, may problema ba?“ Sabi nung babae.

Agad akong tumingin sa kanya at nagtanong.

“S-sino po ang n-namat*y?“ Nauutal kong sabi.

Dito nga ay nalungkot yung babae at sumagot.

“Si kuya anthony po, bakit po?“ Tanong niya.

Nang marinig ko ang pangalan ay bigla akong tumingin sa harap ng kabaong, pero pag tingin ko ay wala na si jessie. Kaya agad akong tumakbo palabas ng kapilya at dali daling nagpunta sa gas station at doon ay nakikiupo ako sa gilid ng cashier.

Di ko alam kung ano ang mga nangyayare, tsaka napansin kong palapit yung lalaki sakin at nag tanong nang makalapit na.

“Miss okay ka lang?“ Sabi niya.

Tumango lang ako habang hinahabol ko yung hininga ko.

“Parang hindi naman.“ Dagdag pa niya.

Hindi ako sumagot at nakatingin lang ako sa lupa.

“Ano pala ang pangalan mo?“ Pagtatanong pa niya.

“Mallory.“ Kunti kong sabi.

“Ay hala, malas.“ Sabi niya.

Nang marinig ko yun ay bigla akong napatingin sa kanya.

“A-ano ang ibig mong sabihin?“ Tanong ko.

Sumagot naman siya.

“Ang meaning ng mallory ay unlucky, sa tagalog ay malas.“ Sabi niya.

Dahil dun ay agad akong nagsalita.

“Anong malas!? Hindi ah! Napakayaman ko! May limang rental house properties ako with my own car and own house!“ Sabi ko.

Dahil dun ay agad naman siyang namangha.

“Wow naman, napakaswerte mo naman pala. I think walang koneksiyon yung meaning ng pangalan sa buhay. Kasi nasa tao naman talaga ang swerte kung masipag lang eh.“ Sabi niya.

Tumango lang ako sa sinabi niya dahil tama naman, kaso lumaki kasi ako sa mayamang pamilya kaya hindi ko kailangan mag sipag para makakuha ng ganitong buhay na meron ako ngayon.

“Ako nga pala si Kevin Albania.“ Pagpakilala pa niya sabay abot ng kamay niya.

“M-mallory, mallory Infelicis.“ Sabi ko at nakipag shake hands ako.

“Grabe naman, pati pangalan ay malas rin. Pero napakaswerte sa buhay.“ Sabi niya.

Parang hindi ko nagugustuhan ang talas ng dila niya.

“Anong ibig mong sabihin?“ Tanong ko.

Sumagot naman siya.

“Infelicis ay salitang latin na kung isasalin sa tagalog ay malas, sa english naman ay bad luck, pero pwede na rin yung unlucky.“ Sagot niya.

Medyo natatakot na ako sa lalaking to dahil puro negative yung mga lumalabas sa bibig niya.

“G-ganun ba, sge mauna na muna ako dahil gabi na.“ Pagpaalam ko pa.

Agad naman siyang ngumiti kaya bumalik na ako sa kotse ko.

Ewan ko ba pero nasan si jessie? Bakit siya nandoon sa kapilya at sino si Anthony?

Nang makapasok na ako sa kotse ko ay aakmang pa'aandarin ko na sana ang kotse ko nang biglang may vision na naman akong nakita.

Agad akong nahilo at napahawak sa ulo, dahil ang vision ko ay nasa kwarto ako at nakita ko si jessie na nakatayo at inatake niya ako sa puso, tsaka may isang babae rin na nag sasalita ng “inatake si anthony sa puso.“ at doon na nagtatapos ang vision ko.

Di ko alam kung para saan yun at ano ang ibig sabihin nun, kaya parang nagsimula na akong nagsisisi kung bakit ko nakilala si jessie sa dating sites.

Agad kong pinaandar ang kotse ko at nagtungo ako sa bahay ko.

Ilang minutong pag da-drive ay nakarating na nga ako sa bahay ko kaya dali dali akong bumaba at pumasok, nagtungo ako sa kitchen para uminom ng tubig at naupo ako sa upuan tsaka ko tiningnan ang messages ko sa dating site at dito ko nakita ang napakaraming messages ni jessie, kaya tiningnan ko ang conversation at binasa.

Jessie: oyy, sigurado kabang itutuloy natin tong meet up date natin? - 6:12pm

Jessie: kinakabahan kasi ako. - 6:13pm

Jessie: nanjan kapa? -6:20pm

Jessie: sorry pero hindi nalang ako tutuloy. -6:40pm

—7:35pm—

Jessie: sorry talaga pero may aaminin ako sayo. -8:00pm

Jessie: hindi talaga ako ang nasa picture. -8:01pm

Jessie: kinuha ko lang to sa social media kasi pangit ako. -8:07pm

Jessie: pero totoong jessie ang pangalan ko. -8:10pm

Jessie: alam kong nakabalik kana ngayon sa bahay ninyo dahil hindi naman ako sumipot sa usapan. -8:30pm

Jessie: kung ayaw mong mag reply ay okay lang, naintindihan kita.-9:00pm.

At jan na nagtatapos ang mga pinag me-message niya sakin.

Nang mabasa ko yan ay mas lalo akong kinabahan, sino pala ang kasama ko noong 6pm to 11pm sa club? Siya kaya si Anthony? Ang totoong anthony?

Hindi ako mapakali, bakit nangyare to sakin.

At dahil nakainom nga ako ay parang nahihilo na ako kaya agad akong umakyat papunta sa kwarto ko at nakailang hakbang palang ako ay may isang babae ang biglang nagsalita sa gilid ko.

“Maniwala ka sa vision, magiging totoo yun. Iwasan mo ang malas.“ Sabi niya at biglang naglaho nang tumingin ako sa kanya.

Halos naghihingalo na ako dahil sa kaba, parang pinaglalaruan ako ng mga buhay at pat*y na tao. Pero hindi ko parin yun ininda at nagpatuloy ako sa kwarto ko dahil gusto ko nang matulog para bumalik na ako sa dati kinabukasan.

Nang makarating na ako sa kwarto ko ay aakmang hahawakan ko na sana ang pinto nang bigla itong bumukas kahit hindi ko pa ito nahahawakan.

Agad akong nabigla at nagtaka, papanong nangyare yun? At dahil sa curiosity ko ay dahan dahan akong pumasok sa kwarto ko tsaka ko tiningnan ang likod, pero wala namang tao kaya aakmang lilingon sana ako sa kama ko nang biglang may isang lalaki ang nakatayo sa gilid ko at aakmang tutusukin niya ang dibdib ko pero nakailag ako.

“Sino kaaa!!“ Sigaw kong sabi at dito nga ay agad siyang naglaho na parang bula.

Bigla akong napaatras at naalala ko ang sinabi nung babae na iwasan ko daw yung malas at maniwala daw ako sa vision ko, buti nalang talaga at na aware ako, dahil kung hindi ay magkakatotoo yung vision ko na mamamat*y ako sa loob mismo ng kwarto ko.

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

PREMONITION: CLAIRVOYANT Where stories live. Discover now