Chapter 5

34 5 0
                                    

Chantelle

lubid....kutsilyo.... tali......

"Wala kang kahihiyan Chantelle hindi ka nagiisip ang tanga tanga mo!!". Sigaw nya at muling nilatigo ang mga paa ko.

Nagpumilit akong kumawala mula sa pagkakatali ng mga kamay ko at nakakadena naman ang mga paa ko dahil ikinulong nya ako sa kweba.... ang lugar kung saan ay ako lang ang ipinatapon dito.

malungkot.....nagiisa.....


"Tama na!!!!". Sigaw ko pabalik at halos manuyo na ang lalamunan ko dahil sa kakasigaw.

"Sana hindi kana isinilang dahil binasura mo ang dapat ay saatin pareho kayo ng nanay mo walang kwenta!!!!". Lumapit sya at hinawakan ako ng mahigpit sa panga.

Magang-maga na narin ang mga mata ko dahil sa kakaiyak. Ang katawan ko ay punong puno ng pasa at sugat. Nanlalaki ang mga mata nya at halos nakikita kona ang mga ugat nya sa sobrang gigil.

"Tama na!". Sigaw ko sa "kanya".

Kumulog at kumidlat ng malakas nandilim ang langit at bumuhos ang napakalakas na ulan. Ayoko na... ayoko na rito.

Hinigpitan nya ang pagkakahawak sa panga ko. "Tigilan mo nayan". Lumapit at hinawakan nila ang mga kamay nya na parang pinapakalma.

Ngunit hindi sya nagpatinag inilabas nya ang sandata mula sa kanyang likuran. Itinutok nya ito sa leeg ko. Papatayin nya ako!!! Papatayin nya ako!!!.

Lalong nandilim ang awra nya naging itim rin ang liwanag na enerhiya na nakapalibot sa katawan nya.

Nakakatakot.....

Bago pa man nya hiwain ang leeg ko ay biglang sumabog ang isang parte ng kweba kahit ako ay nagulat. Namatay ang ilaw ng mga nakahilerang lampara at yumanig ang paligid dahil sa epekto niyon. Napatingin sya doon sa parteng sumabog halos mahati na sa maliliit na bato ang naging epekto niyon at kahit ako hindi ko alam kung saan galing.  Binitawan nya ang leeg ko at agad silang lumabas ng kweba at iniwanan ako.

Kinamumuhian nila ako....ako nanaman.....ako na nagiisa......

Nakaramdam ako ng pandidilim ng paningin ko. Ang katawan ko ay unti unting nanghina hanggang sa bumagsak ako sa sahig at kinain ng kadiliman.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagising ako nang may yumuyugyog saakin. Napadilat ako at nakita ko ang nag-aalalang muka ni Zayden.

"What the hell is wrong with you woman?!!!". Sigaw nya na may halong pagaalala.

Nanaginip nanaman pala ako......

Agad kong kinapa ang leeg ko basa iyon ng pawis habang ang dibdib ko naman ay kumakabog ng malakas. "Ayos lang ako Zayden". Pilit ko syang nginitian.

Kahit hindi ko naintindihan ang lenggwahe na sinabi niya alam kong nagalala parin sya para saakin.

"Binabangungot ka nanamam tsk!". Inis na sambit nya bago tumayo sa kama.

"Mag ayos kana at huling araw na natin dito sa beach uuwi na tayo pamaya maya". Sabi nya at naghubad mismo sa harap ko. Agad na namula ang pisngi ko ng makita ang buong katawan nya, napakakisig at napakamaskulado ng braso nya.

Agad syang ngumisi saakin. "Still drooling over my body huh? Isang linggo na tayong magkasama Chantelle hindi kapa nasanay". Nagsimula nanaman syang mang asar hayyst.

Nagkasundo kami ni Zayden na sa kanya muna ako hanggat hindi ako nakakauwi saamin. Wala syang nakuhang kahit anong impormasyon at hindi nya na ako pinilit pa mula nun.

dahil hindi!!!.....hindi pwede..... hindi pa sa ngayon.....

Nagsuot lang sya ng gray na t-shirt habang nakatingin ng mariin saakin. Itinago ko ang palabas ng ngiti mula sa labi ko at tinarayan sya.

ang gwapo nya....

"Let's go Ms. Sassy nagugutom na ako". Sabi nya bago dumiretso ng banyo at nagsipilyo.

Sa loob ng isang linggo naming magkasama tinuruan ako ni Zayden ng ilang salitang ingles pati narin ang mga basic etiquette daw sa lahat ng bagay.

Agad akong nagtungo sa closet kung tawagin at kumuha ng dress. Isinuot ko iyon at nang matapos si Zayden ay ako naman ang nagsipilyo. Sumandal sya sa pintuan at pinanood akong linisin ang ngipin ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay kung paano gamitin iyon.

"Pfft!!!". Narinig kong sabi nya paano naman kase nung ipinasok kona ang toothbrush sa bibig ko ay pabaliktad pala iyon tumama ang likod ng toothbrush sa ngipin ko.

shakit.....

Ibinaligtad ko iyon sa tamang posisyon at nagsimulang mag toothbrush ng dahan dahan. Tiningnan ko si Zayden mula sa repleksyon ng salamin naka ngisi ito habang pinapanood akong magsipilyo. Napanguso ako habang nasa bibig ko parin ang sipilyo.

"Bakit ba Zayden ang aga aga eh". Binigyan ko sya ng nakakatakot na tingin.

"Wala ang cute mo kase". Sabi nya at tumawa ng malakas. Agad na nanlaki ang mata ko.

Tinanong ko kase sya nung isang araw kung ano ang ibig sabihin ng salitang "Cute" ang sabi nya ay "Panget" daw. Hayop na Zayden nayan Ilang beses nya nako sinabihan ng ganun ah?.

"Zayden dun kanga!". Sigaw ko at akmang ibabato sa kanya ang tuwalya na nakasabit sa tabi ng pintuan. Bigla nalang syang tumakbo ng mabilis habang tumatawa ng malakas.

BWISIT KA ZAYDEN!!!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Zayden

Pagkatapos kumain ay inaya ko si Chantelle mag jetski. Naglalakad kami ngayon papunta sa mga nakahilerang jetski sa tabi ng dagat hindi nya daw alam kung ano iyon pero hinila ko parin sya. Just trust me woman, maeenjoy mo iyon.

Nang makapili na at makapagsuot ng lifeguard ay tinulungan ko muna syang makasakay bago ako sumampa sa jetski. Sinimulan ko ng paandarin iyon at naramdaman kong nagulat si Chantelle sa tunog kaya napatawa ako ng mahina.

"Kumapit ka mabilis to!!". Pangaasar ko sa kanya bago iyakap ang mga kamay nya sa bewang ko. Naramdaman kong hinigpitan iyon ni Chantelle.

"Calm down andito ako hmm?". Mahinanong sabi ko bago paandarin ang jetski.

"Zayden!". Sigaw ni Chantelle kahit sobrang bagal palang ng pagpapatakbo ko dahil malapit pa kami sa dalampasigan baka may matamaan akong bato sa ilalim.

"Ayoko pang mamatay!". Sigaw nya at nilingon ko sya mula sa likuran ko nakapikit sya habang nakasubsob sa likod ko.

"Hindi ka mamamatay basta humawak kalang ng mahigpit I'm here hmm?". Pangaasar ko sa kanya at nagsimula ng bilisan ang pagpapatakbo sa Jetski.

"Ahhhhhhh!!!!". Sigaw ni Chantelle at ang bibig nya ay nasa mismong tenga ko.

fuckkkkkk it hurts!!.......

- Cressida Orla

Waves And LightWhere stories live. Discover now