Chapter 17

17 4 0
                                    

Chantelle

Nasaan na ba yun? nandito lang yun eh.....

Nakarating ako sa isang kagubatan malapit sa syudad. Nagsisilbi itong daanan para sa mga taong papunta ng bundok.

Nagpalinga nga ako sa paligid at nagsimulang maglakad. Ayun nakita kona...

Medyo malayo sa daanan.......

Nandito pa pala itong lagusan......lagusan papunta sa mundo ng mga "Diwata".

Napabuntong hininga ako bago pumikit... ayoko ng may madamay pang ibang mga tao.

Lalo na si Zayden........

Itinapat ko ang kamay ko mula sa isang malaking puno na nagsisilbing lagusan naming mga diwata.

Umilaw iyon at bumukas ang portal papuntang mundo kung saan ako tumakas...

Kung saan ako galing.....

Dahan dahan akong pumasok hanggang sa mapunta ako sa isang kwarto. Makaluma ang disenyo niyon at gawa sa kahoy ang lahat ng bahay kabilang na ang mga lamesa at higaan.

Lumabas ako mula sa bahay na ito at nilinga ang paligid halos magkakapareho ang mga bahay dito.

Ang pinagkaiba lang ay ang laki ngunit hindi ito malalayo sa kahoy at tuyot na mga dahon ang nagkalat sa bubong ng mga  kabahayan.


Kailan kaya mababago ang mundong ito??....


Ngunit hindi maikakaila na maganda ang buong paligid. Mula sa mga maberdeng mga damo at malalaking puno. Maaliwalas na hangin at mga alitaptap na nagkalat sa buong paligid.

Sinasamahan rin iyon ng mga buhay at mababait na hayop kabilang na ang usa at mga paro paro.

Tumingala ako sa madilim na langit na puno ng nag gagandahang mga bituin. May nakita pa akong dumaan na bulalakaw kaya napangiti ako.

Sobrang aliwalas ng paligid tahimik at sariwa ang hangin. Siguro ay dahil tulog narin ang lahat ng mga diwata dito.

Nagsimula ulit akong maglakad hanggang sa nakita kona ang kastilyo. Huminga ako ng malalim bago dumiretso sa malaking pintuan niyon.

Kumatok ako ng malakas at bigla nalang iyon nagbukas. Nandito na ulit ako.




Nandito sa bahay ko.......

Dumiretso ako sa malaking pintuan papasok ng palasyo. Sumalubong saakin ang mataas at ibat ibang disenyo ng paligid.

Hindi nako nagulat ng makita na madilim ang buong paligid hindi nya gusto ang liwanag simula ng mawala iyon saamin.

Dumiretso ako sa sobrang malaking hagdan na gawa sa kahoy at bato. Nang makaakyat ng ikalawang palapag dito na nagsimula ang kaba mula sa aking dibdib.

Wala akong laban sa kanya at alam kong ibabalik nya ako sa kweba.

Ikukulong at sasaktan ng paulit ulit. Pero agad din iyon nasundan ng galit ng maalala ko na ginagambala nya si Zayden.

Naramdaman ko na ang naipon kong lakas bago ilabas ang itim na enerhiya sa aking katawan.

Kasabay niyon nag pagkulog ng malakas sa buong paligid. Iyon na ang senyales na nalaman na nyang naririto ako.

Pinailaw ako ang aking mga kamay at punong puno ng panliliksi ang aking mga mata.

"Lumabas ka". Sigaw ko sa buong paligid ngunit gumawa lamang iyon ng tunog na umuulit ulit.

Naging marahas ang paghakbang ko ng magsimula akong maglakad.

Sinipa ko nakahilerang mga pintuan at sinilip kung naroroon ba sya. Tinabig ko narin ang mga kagamitan na madaanan ko.

Napahinto ako ng may maramdaman akong hininga sa gawing leeg ko. Kasabay niyon ang  pagbagsak ko sa sahig.

Wala akong maramdaman at namanhid ang buo kong katawan.

"Mabuti ang bumalik kapa Chantelle". Sabi niya at hinila ang anit ko.

"Masyado kang nagpapakalulong sa lalakeng iyon". Pabagsak nyang binitawan ang buhok ko kaya tumama ang noo ko sa sahig.

Tumayo siya mula sa pagkakaluhod kaya nilingon ko sya. Pinanliksihan ko sya ng mata bago pasigaw na nagsalita.

"Wag mo syang idadamay dito hayop ka Brio". Sigaw ko sa kanya.

Nagawa kong makawala sa kapangyarihan nyang pampamanhid sa katawan kaya agad akong tumayo.

Lumayo ako sa kanya at tiningnan ang berde nyang mata na katulad saakin.

Ngumisi sya bago ilabas ang itim na enerhiya mula sa katawan nya lalo ring mas naging berde ang kanyang mata na katulad saakin.

Kumulog ulit sa paligid at kasabay niyon ang pagbuhos ng malakas na ulan mula sa labas ng palasyo.

"Bakit kapa bumalik rito?". Mahinahon ngunit bakas sa boses nya ang galit at pagtitimpi.

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Diba ayon naman ang gusto mo? oh heto nandito na ulit ako". Agad syang tumawa ng malakas.

Yung tawa na nakakakilabot at dumadagundog sa takot.

"Pag ibig nga naman". Dahan dahan syang lumapit saakin at naging sanhi rin iyon ng unti unti koring pag atras para makalayo sa kanya.

"Baka nakakalimutan mo nasa akin ang kapangyarihan mo". Bigla ko nalang syang naramdaman sa likuran ko.

Pagkatapos nya akong bulungan at hinawakan nya ng mahigpit ang ang mga braso ko.

Halos bumaon na ang mga kuko nyang patulis   at naramdaman ko na ang pagtulo ng dugo mula doon.

Sinipa ko ang kanyang paa ngunit hindi manlang sya gumalaw kahit kaunti bagkus ay wala iyon naging epekto sa kanya.

"Wala kang laban bata". Sambit ni Brio at itinapat ang kanyang kamay sa ulo ko bago ilabas ang kanyang kapangyarihan na pampatulog.

Unti unti kong naramdaman ang antok at bumagsak ako sa sahig.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagising ako sa isang pamilyar na lugar huminga ako ng malalim ng makitang nakakadena ang paa at mga kamay ko habang nakahiga ako sa sahig.

Hindi na ako nagulat alam ko ng gagawin ulit ito ni Brio saakin. Ang pinagkaiba lang hindi ako nagising na puro pasa kundi sugat lang na nagmarka mula sa kanyang mga kuko.

Nilinga ko ang paligid at napailing nalang ako sa kawalan ng mapagtanto ko na naririto ako ulit sa kweba.

Lugar kung saan ako nanaman ang nagiisa.....

Ngunit hinding hindi ako makakaramdam ng pagsisisi. Ang mahalaga ay gagawin ko ang lahat para bawiin ang saakin.

Narinig kong tumunog ang kandado ng kweba na senyales na mayroong pumasok doon.

Napatingala ako sa isang diwata na nakataklob ang buong muka.

"Bakit kapa bumalik rito iha?". Puno ng pag aalalang sambit nya.

Napangiti ako ng makilala kong sino siya. Sinubukan nyang tanggalin ang kadena mula saakin gamit ang kanyang kapangyarihan ngunit wala iyong epekto.

Ni hindi nasunog o nagkaroon manlang ng bitak ang ang kadena.

"Mukang malakas na mahika ang ginamit nya rito". Sambit nya kaya napatango ako.

"Hayaan mo iha tutulungan kitang makaalis". Sambit nya kaya napailing ako.

Nagtaka sya sa inasta ko kaya nagsalita ako kaagad.

"Hindi po muna sa ngayon....Kailangan ko po munang bawiin ang lahat ng nawala saakin". Nagsimulang tumulo ang luha ko at nakita ko ang pag aalala sa kanyang mga mata.

- Cressida Orla

Waves And LightWhere stories live. Discover now