IV: AKYAT LIGAW

584 40 16
                                    

Warning: This is raw and unedited so may ma e encounter kayong Error and typo grammatical along the way..


FIVANNE POV

"Kayo naman kasi mga sir, bakit sa lahat ng oras na pwedi kayong umakyat ng ligaw at mang harana ay alas onse ng gabi pa."

It was manong pulis. Siya iyong nag pasok sa'min kanina sa patrol car nila. Nandito na kami ngayon sa police station and luckily walang ibang nakakita sa'min dahil kung meron, baka trending na kami bukas dahil sa kalokohan namin.

He is the chief police here at mabuti nalang hindi niya kami pinasok sa selda. He said na wala naman daw ibang reklamo 'yung tumawag sa kanila. Talagang gusto lang kaming paalisin dahil nakaka abala na daw kami. Sus! As if naman'g hindi nila nagustuhan ang pangha harana namin.

Unique kaya ang harana namin.

"Eh kasi sir diba ganun naman talaga pag nangha harana? Gabi?" Tanong ni shi. Ang pinsan naming nag pahamak sa'min.

"Gabi nga ma'am. Pero hindi sa ganitong oras. Dapat mga alas syete. Hindi alas onse. Aba'y sa ganitong oras talagang tulog na ang mga tao tapos mangha harana kayo."

Pakiramdam ko stress na si manong pulis sa amin. Kanina pa siya napapa hawak sa batok at sentido niya dahil kahit anong explain niya talagang ayaw mag patalo ni shi laging may isina sagot si shi sa mga sinasabi ni manong pulis. Ayaw patalo.

Magsasalita pa sana si shi pero hinawakan na ito ni kuya jovan para patigilin. Hahaba pa kasi ang usapan hindi pa yata kami makakauwi. Si kuya Ivo naman tahimik lang sa gilid at kanina pa humihikab. Antok na ang engleshero naming pinsan na nagawa pang mag lagay ng subtitle habang nangha harana kami kanina.

"We understand sir. We're so sorry for the inconvenience. Hindi na po mauulit." Kuya jovan apologitically said to manong pulis.

Tumango naman si manong pulis sa sinabi ni kuya. "Ayos lang iyon sir. Ang akin lang naman ay wag niyo nang uulitin sa susunod at sikat pa naman kayo, baka madungisan ang reputasyon ninyo."

"We will sir." Kuya jovan.

"Oh siya sige ganito nalang. Seryoso ba kayo sa panliligaw niyo doon sa tatlong Alejandro?" Tanong nito.

Sunod sunod at sabay sabay naman kaming tumango ni kuya jovan. Maging si kuya ivo na inaantok na ay tumango din at lumapit sa pwesto namin.

Umayos ng upo si manong pulis at hinarap kami. "Bibigyan ko kayo ng tips kung paano manligaw." Umpisa nito.

I nodded same with kuya Ivo but I almost laugh when I saw kuya jovan asking other police officers if they have pad and pen.

"Anong gagawin mo sa papel at ballpen kuya?" Tanong ko dito.

He said thanks first to the officer who handed him the pad and paper before he looked at me. "I'll take some notes five."

Muntik na akong matawa sa sinabi niya kung hindi ko lang nakita na seryoso ang mukha niya. I just shooked my head at binalingan na si manong pulis na tumikhim para kunin ang atensyon namin.

"Gaya nga ng sabi ko mga sir bibigyan ko kayo ng tips kung paano manligaw. Una, dapat magulang muna ang ligawan niyo. Ibig sabihin magpakilala kayo sa magulang at doon niyo sabihin na liligawan niyo ang mga anak nila. Pangalawa, umaga kayo aakyat ng ligaw. At kapag manliligaw kayo, magdala kayo ng kahit anong prutas. At kung maaari dapat ipag igib niyo sila ng tubig, ipag sibak ng kahoy, at kung may farm man sila, ay kayo na din ang magpa kain sa mga baboy at kalabaw nila. At sa gabi mga alas syete, doon niyo sila hatanahin. Ganun ang traditional na panliligaw. Kailangan niyong paghirapan bago niyo makuha ang matamis nilang oo. Naiintidihan niyo ba?"

The Famous Cousins Models and The Sassy Triplets Doctors  Where stories live. Discover now