Erik and Aia: Beer Count

72 10 2
                                    

From 4/4 Field Note

\


[AIA - 0 | ERIK - 0]

Ito lang nahanap ko sa kuwarto. Okay lang?

Yep. More than enough na.

Buti naman. Pero sigurado ka ba na okay ka lang dito sa SanMig? Enough na ba ito sa 'yo?

Ano'ng tingin mo sa 'kin, lasinggera? Ang dami na kaya niyan. 

May Alfonso pa 'ko do'n. Ilabas ko?

Aba, gusto mo magpakalasing?

Pampadagdag lang. Saka subukan naman kaya natin uminom ng hard? 

Tangek ka, ano'ng hard? May session pa bukas! Late na nga kanina nagsimula, magpapalate pa bukas?

Haha. Ito naman. Nagagalit agad. Suggestion lang?

Ewan ko sa 'yo.




Next time na lang. Sa Center n'yo. 

May next time?

Lagi naman.





[AIA - 1 | ERIK - 1]

Ba't hindi ka kumakain?

Ha?

Dito. Sa amin. Hindi ka kumakain. Kaninang breakfast, tapos no'ng lunch, ayaw mong kumain.

Hala oi?

Hindi ka ba kumakain ng pagkain na luto sa probinsya? Hindi ba masarap ang luto namin dito?

Uy, hindi—

Bale okay ba sa 'yo kung bukas, bilhan na lang kita sa Yellow Cab?

Hindi naman sa gano'n.

Ano'ng hindi?

Hindi naman sa hindi masarap 'yong pagkain. 

Saka... ano'ng hindi masarap? Masarap kaya! Nagustuhan ko 'yong lutong sinigang ni nanay kanina.

Eh ba't hindi ka nakain kaninang lunch? 






Constipated lang kasi ako.







CrumbsWhere stories live. Discover now