Kabanata 30

23 4 0
                                    

Does every wish really do come true?

Nakatulala lang ako ngayon mag-isa dito sa balkonahe. Gabi na naman ngayon at nakahalukipkip ako habang nakatulala lang sa kawalan. I admit, bored na bored ako pero nawawala iyon kapag nakapag-isip isip ako ng malalim. Suot ko na ang pantulog na bestida at hanggang bukong-bukong ang haba. Longsleeve rin upang hindi ako manlalamig at nakadunghay ang buhok ko. Sa bawat paghinga ko ay lumalabas ang usok sa bibig ko.

Ang lamig!

Teka, nasaan ba kami nakatira ngayon??

Hindi na ako nagulat nang marinig ang pagbukas ng pinto sa likuran ko. I could hear Anton's footsteps as the wooden floor creaked. Napapikit nalang rin ako upang damdamin ang agad na pagyakap niya sa akin. His arms encircled on my waist. Hinalikan niya ako sa pisngi bago isinandal ang baba sa balikat ko at bumuntong-hininga.

"Hello." He said in a cute voice.

"Nasaan ba tayo? Saang lugar 'to?" kalmado kong tanong. Mas humigpit ang yakap niya dahil sa lamig.

"Baguio." Aniya at nakita ko pa ang usok na lumabas sa bibig niya.

Nanlakihan ang mga mata ko at napatingin ako sa kanya. "B-Baguio?!"

"Hmm." He nodded. "Noong makatakas tayo sa mga bandido, lumuwas si Antonio at Isabelita sa Binondo at lumipat sila dito upang mamuhay ng walang abala sa lahat. Si Heneral Dominico ay hindi namatay sa oras na iyon. Nailigtas ko siya at hanggang ngayon ay buhay pa rin ang kapatid ni Antonio ngunit nananatili siyang nakatira doon sa Espanya ngayon kasama na si Cristina Peguerra."

Napasinghap ako. "A-ano?!"

Tumango siya at ngumiti. "Naguguluhan ka ba?"

"Sino ang hindi maguguluhan diyan, Anton?! Ang kapatid ni Isabelita na bandido ay naging asawa ng kapatid ni Antonio. Hindi ba't hindi na sila nagkasunduan? Pa'no nangyari 'yon?!"

"Ano, tatanungin natin si Faulicimo?" pagbibiro niya pa. "Ganito kasi ang nangyari..."

Nananatili akong nakatingin sa kanya.

"Sunod-sunuran lamang si Cristina sa ina at ama niya. Pinilit siya ng ina niya na mapangasawa ang isang bandido rin. Sinabi niyang wala siyang magagawa dahil bantay-sarado ang mga magulang niya sa bawat kilos niya. Nailigtas siya ng Dominico at kasama si Isabelita at Antonio ay sabay silang umalis sa Maynila at Binondo. Dahil sa galit ni Juan Timoteo at ni Ulaya Negrofada ay tumakas silang dalawa patungo Espanya at nagtago doon hanggang ngayon. Hindi na nila nahabol ang dalawa dahil napatay ni Faulicimo si Juan Timoteo at napakulong niya si Ulaya. Nabuwag ang lahat ng mga bandido at nagkaroon na sila ng pormal na trabaho ngayon sa kompanya ng lolo mo. Si Heneral Dominico ay mataas na ang rango ngayon bilang sundalo sa ibang bansa. Masaya at mapayapa na silang namumuhay at namumuhunan doon."

"Saan mo nalaman 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Sa lolo at lola ko mismo. Nag-usap kami kanina." Tugon niya.

Napatango nalang ako at humarap ulit sa kawalan. Maraming pangyayari ang hindi namin naabutan ngunit nangingilabot pa rin ako kahit nakikinig lang ako ngayon. Naaalala ko ang bawat paghihirap ko noong oras na mga 'yon. Naaalala ko ang bawat luha na umagos sa mata ko. Kahit na iba na ang buhay ko ngayon ay hindi pa rin ako kampante dahil iba ang nararamdaman ko. Na para bang isa lang itong pahinga dahil may mas malaki pang problema ang dadating. Lahat ay misyon pa rin na kailangan kong tapusin...kailangan naming tapusin.

Ikinasal kami ni Anton. Asawa ko na ang kaibigan ko noon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito ngunit kung magpapakita si Madam Avila o di kaya'y magbibigay siya ng payo o mga palatandaan at babala ay bibigyan ko iyon ng halaga.

Bukang-LiwaywayWhere stories live. Discover now