Track 43: At last

13 5 0
                                    

IORI'S POV:

--
SUOT
ang isang kahel na ball gown na napapalibutan ng pulang burda sa dulo nang palda nito na tila apoy na pinasadya pa talaga ni Felip ang damit na ito para sa akin na susuotin ko para sa party ng Kingdom of Luxëmburg. Nakakahiya naman kung magmukha akong basahan dahil karamihan sa dadalo ay mga royal blood at may sinasabi sa lipunan at alta-sosyudad.

"You look like you set the fire in your dress, Madamoussele. I like the design." Pagbibigay puri ng make-up artist ko na sinapian ng babae pero katawang lalaki.

I just smiled at her while I am looking at my reflections on a full length mirror inside my room. It's already seven in the evening and Haste is already sleeping in my bed. Nagulat pa nga ako nang makita si Felip na kasama si Sytry at Ruax dahil ito raw ang magbabantay sa anak ko ngayong gabi. I find it odd but since Felip known Ruax and Sytry than I do, I decided to trust them my son. Hindi naman na nagtanong ang dalawa kung sino ang Ama ng anak ko dahil makikita naman 'yon sa berdeng mata nito na nahaluan ng abo dahil sa kakaibang paglilihi ko.

"You ready?" Napalingon ako sa gawi nang pinto at iniluwa no'n si Felip kasunod si Sytry at Ruax. Pumasok sa kwarto ko ang tatlong lalaki at lumapit si Felip sa akin.

"Hey, gorgeous." Felip kissed my temple nang pasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. "Nagmukha kang tao sa suot mo."

Nakatanggap ng hampas si Felip mula sa akin pero ang loko tumawa lang. "Gagu mo! Ikaw nga mas mukhang tao kapag nakatalikod."

"Sa gwapo kong ito?" Aniya habang nakaturo sa sariling mukha.

"Gwapo ka?"

"Oo naman--"

"Hey, cut it you two!" Pigil ni Ruax sa amin at hinawi pa talaga ang parehong mukha namin ni Felip gamit ang kamay niya para lang mapaglayo kaming dalawa.

"Huwag ka ng magselos Ruax. Taken nga lang 'yan ni Martin kaya umiyak ka na lang sa gilid." Pang-aasar pa ni Felip pero sinamaan lang ito ng tingin ni Ruax.

"Leave before I throw you out from this house." May pagbabanta sa boses ni Ruax.

"Bakit? Bahay mo?" Pang-aasar ko pa.

Hindi umimik si Ruax sa akin bagkus tinalikuran lang ako. Parang nasaktan ako dun sa ginawa niya pero kasalanan ko naman at alam ko ang dahilan.

Lumapit si Ruax at Sytry sa kama ko at binalingan ang anak kong natutulog. Napabuntong hininga na lang ako at humawak sa braso ni Felip at inaya na itong lumabas kasama ang beautician na kinuha ni Felip.

"We should go." Bulong ko rito nang makalabas kami ng kwarto ko at tinahak namin ang pasilyo palabas ng bahay. Alam kong may galit sa akin si Ruax at Sytry pero pinagbigyan pa rin nila ang hiling ni Felip na bantayan ang anak ko para sa gabing ito. Hindi ko naman alam na hindi pa pala umuuwi sina Sytry edi sana nakipagkita ako sa kanila para humingi ng tawad.

'Marami kang pagkakataon, Iori. Pero sinayang mo.'

Iwinaksi ko na lang ang bulong ng isip ko hanggang sa makasakay kami ng sasakyan at hinatid kami papunta sa kaharian ng Luxëmburg. Pagdating namin doon, maraming magagarang sasakyan ang sumalubong sa amin at nang huminto ang kotse agad kaming bumaba ni Felip at inalalayan ako nito hanggang sa makapasok kami sa function hall ng kastilyo.

I was left in awe when I saw the inside of the hall as they held the party of a royal blood. Hindi ito isang tipikal na party na makikita ko sa five star hotel. Literal na party ito ng Hari at Reyna kasama ang mayayamang angkan sa nasasakupan nito.

"Itikom mo 'yang bibig mo at baka mapasukan ng langaw?" Bulong sa akin ni Felip kaya naman ginawa ko ang sinabi niya at hinila ako nito sa isang sulok at pinaupo sa bakanteng silya bago ito naupo sa tabi ko.

Revenge on TrackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon