66

2 1 0
                                    

Samantala sa Kabahayan ng Anderson..

"Palagi na lang talaga akong iniisahan ng batang iyan. Ang Don. Matapos kasi ang nangyare kaninang kumesyon sa restaraunt kung saan sana sila magdedineer ng mamaniganging niya na anak ng kompadre niyang si Don Sandro ay umeksina na naman ang magaling niyang anak na si Mathew.

"Ardolfo, naisip ko lang parang hindi naman magandang ipilit pa ang gusto natin kay Mathew ang ayaw niya. Hindi naman mapgilan komento ni Donya Crisilda na ngayon sa asawa.

"Anong ibig mong sabihin, mahal? Ang Don naman ngayon.

"Iyung nga, mahal napapansin ko kapag pinipigilan natin siyang gawin ang mga gusto niyang gawin. Mas lalo lang siyang nagiging aggresibo na makuha iyon. Katulad na lang ng ginawa niya kay Sasa Angeles noon. Natatakot ako mahal. Baka maulit na naman iyon. Nanhihitakutan ng sabi ng asawa nito ngayon sa Don.

"Mm..Kaya nga dapat ngayon palang, mahal ay putulin na natin ang tumutubong sungay sa anak nating iyan.

"Balang araw papasalamatan niya rin ako. Kampante naman sabi ng Don at nagsalin na ng alak sa kopita nito na nasa mesa lang nito ngayon kaharap ng inuupuan nitong sofa. Habang ang asawa naman nitong si Donya Crisilda ay napailing na lang sa awayan ng asawa at anak niyang si Mathew.

"May gusto ka bang kainin, mahal? Ipagluluto kita. Ang asawa na naman nitong si Donya Crisilda ngayon. Nagaalala kasi ito sa asawa, dahil hindi maganda ang dinner na inoorganisa nito. Dahil sa komosyon nangyari. Ay worried ito baka sumungpong naman ang sakit nito pag nalipasan ng gutom.

"Huwag kana pang magabala pa mahal. Iyan prinsesa na lang natin ang isipin mo. Sabi nito at hinalikan na nito ang may malaking kaumbukan tiyan ng asawa ngayon. Na ikinangiti naman nito sa ginawi ng asawa.

"Sige kung ganoon, ipagtitimpal na lang kita ng paborito mong kape na may kaunting cream. Sabi nito, na ikinasangayunan naman nito at nagpaalam na sa asawa. Habang naiwan naman itong malalim na ang iniisip. At mayamaya ay may tinawagan na sa telepono na nasa tabi lang nito nakalagay ngayon.

*****
Trixcia POV

"Come in. Rinig niyang sabi na ngayon ni Mrs. Lagdameo mula sa loob ng katukin na niya ang pinto ng opisina nito ngayon.

"Pinapatawag niyo raw po ako, Mrs. Lagdameo? Siya pagkasarado na pagkasarado agad ng pinto niya sa opisina nito ng makaharap na niya ito ngayon.

Please.. Sit down, Miss Fernandez. Ani ng principal nila sa uneversity sa kaniya at itinuro na nito ang bakanteng upuan na katapat lang ng mesa nito ngayon. Pagkapasok na pagkapasok niya. Nang katatapos lang niyang kumain ng lunch ng ipatawag siya nito ngayon. Umupo naman siya sa tinuro nitong upuan ngayon. Nang makaupo na ay saka naman ito sa pagpatuloy na ngayon sa pagsasalita.

"Pinapatawag kita rito sa opisina ko Miss Fernandez. Dahil may isa lang akong concern batay sa isang guro mo na... Tumigil muna sa pagsasalita sanadali ng ayusin na nito ang reading glasses nito na nalalaglag na.

"Itong mga nakaraang exam. Nahihirapan ka raw ipasa ang mga iilan sa mga subjects mo? Nakakapagtaka rin, dahil dati naman ay doon ka naman madalas nag-eexcel sa ganoon units. Katulad na lang ng English at Science. Well.. All do, bilang magaaral din noon ay alam ko naman na hindi lahat ng pagkakataon ay na mamaintain ng isang magaaral ang mga grades. Dahil kahit pilit at kailangan mong magaral, may pagkakataon din naman kasing natatamarin ka o mawawalan ng gana sa pag-aaral, base na rin sa personal na problema ng bawat isa sa atin. Pero nababawi rin naman iyon sa susunod susunod na exam. Pero saiyo ay pababa ng pababa ang mga nakukuha mong puntos sa mga exam mo na tinitake mo. Mahaba ng sabi na nito. At isa pa ang inaalala ko ngayon ay huling taon muna ito ngayon sa juinior high. At kung kapag nagtuloy tuloy pa ito ay baka may posibilidad na umulit ka muli ng isang taon mo sa highschool.

The Beast Stealing // UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon