80

9 1 0
                                    

"Oy! Diba sis ngayon din ang final na laro ng soccer team. Si Meara. Nang papunta na silang lima nito sa gym. Dahilan para magkatinginan pa silang lima sa isa't isa ngayon, sa sinabi nito.

"Oo nga nagkasabay pa. Si Lily na rin ngayon. Ang tinutukoy nitong kasabayan ay ang final laro rin ng basketball team ng kanilang University. Kung saan kasama si Bryce sa maglalaro ngayon.

"Alam ko na, paano kaya kung maghati hati tayong magkakaibigan? Suwestyon na ngayon ni Meara sa kanila. Dahilan para mapahinto na talaga silang lima sa paglakad at mapatingin silang apat sa kaibigan nilang si Meara ngayon.

"At pagkatapos, ano namang set up ang gagawin natin? Si Lily na ngayon ang nagsalita.

"Ito..Ako at si Trixcia ay sa soccer game manonood. Si Meara.

"Eh, paano naman ako? Si Jojo na ngayon ang nagsalita. Habang hinahawakan na nito ngayon ang kamay ni Meara, na wari ba ay isang batang iiwan ito ng Ina. Na ikinangiti naman ni Meara sa ginawi nito.

"Wait lang? Kayo na ba? Katulad niya ay hindi na rin mapigilan magtanong ngayon ni Rachel sa mga ito.

"Oo nga. Napapansin ko lagi kayong magkasama tuwing uwian ah? Siya.

"H-Hindi pa, pero malapit ko na siyang sagutin. Sagot naman ni Meara kay Rachel sa tanong nito. Dahil sa sinabi nito ay tinignan naman niya si Jojo ngayon. Katulad ng ginagawa nito sa mga nakalipas na araw sa tuwing nakakasalubong niya ito ay iniiwasan din nito ang tingin niya para rito. Dahilan para lihim naman siyang mapaismid sa ginawa nito ngayon.

"Eeh..Sa wakas magkakalovelife na rin ako mga sis! Excited pang sabi nito ngayon sa kanila.

"Heist! Bakit hintayin mo pa iyon araw na iyon, kung kailan mo siya sasagutin? Kung ngayon palang para kanang kiti-kiting diyan na umahon ngayon sa lupa. Si Rachel ulit.

"Sis, huwag kanang magalala. In the right time sasagutin ko na itong si Jojo. Sabi na nito sabay pisil na nito sa pisnge ng binata ngayon.

"Ang wierd mo talaga. Dagdag pa ni Rachel sa mga ito ngayon.

"Anyway..Oh, mga sis.. Ano na? Agaw pansin na ngayon sa kanilang apat ni Lily ngayon.

"Iyun nga mga sis, kami ng dalawa ni Trixcia sa soccer at kayo naman tatlo sa basketball. Okay, tara na sis. Aya na ngayon ni Meara sa kaniya. Kaagad naman siyang nagpatianod na rito. Nang hilahin na siya nito ngayon.

"T-Teka lang... Paano? Pigil na ngayon ni Rachel sa kanila. Na ikinatigil na nilang dalawa ni Meara sa paghakbang ngayon at hinarap ito.

"Paano iyan, gusto rin naming tatlong mapanood ang laro ng soccer game? Si Rachel.

Sa sinabi nito ay nagkatinginan naman silang dalawa ni Meara ngayon.

"Edi, humabol na lang kayo pagkatapos ng game nila Bryce. Tutal kayo lang naman ang gustong manood ng basketball game. Tayo na sis! Excited ng sabi nito at tinalikuran na nila ang tatlo ngayon.

"Wait! Wait! Si Rachel muli.

"Ano? Lingon naman nilang dalawa ni Meara rito ngayon.

"Dapat ako ang kasama ni Trixcia manood ng laro ng soccer. At hindi ikaw. Rinig nilang apat ng sabi na nito kay Meara ngayon.

"Tama.. Ako ang naging una niyang kaibigan kaya ako ang dapat kasama niya at hindi ikaw na huli niya lang naging kaibigan. Pagpapatuloy pa nito.

"So, anong pinapalabas mo ngayon, sis? Na wala akong karapatan makasama si Trixcia kasi mas nauna kang makilala siya. Alright, bakit ko ba inulit iyon, naman talaga ang pinupunto mo. Umasim na ang buong mukhang sabi na ngayon ni Meara ngayon.

The Beast Stealing // UneditedWhere stories live. Discover now