Chapter 6: Decency

3.5K 259 113
                                    

#DS8Uncovered #LuMa #BearCouple #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS8Uncovered #LuMa #BearCouple #DaggerSeries

CHAPTER 6: DECENCY

LUNA'S POV

"You look terrible."

Magnus blinked, and his eyes focused on Lucienne, who sat in front of us. Nasa bahay kami nina Lia at Kuya Gun, at kasalukuyan pa lang na nagdadatingan ang iba pa.

"Thanks," he said unenthusiastically.

Naiiling na inabot ko ang stainless pitcher na nasa gitna ng lamesa na naglalaman ng kape. "I told him to sleep some more, but he was insistent on coming with me."

"I'm your husband."

"You're a version of my husband. He's more awake than you are."

"I was half-asleep even then."

I couldn't help but chuckle. He's probably right. Parang normal na kasi sa kaniya na parang tulog ang kalahati ng kaluluwa.

"When I first met you, you looked more human than now. Sign of aging na ba 'yan?" pang-aasar ko sa kaniya.

"Mas kaunti ang sakit ng ulo ko noon."

Halos sabay pa kaming tumingin kay Lucienne na inosenteng ngumiti. Siya ang number one na sakit ng ulo ni Magnus noon at mapasahanggang ngayon. Number one na sakit din niya sa puso.

Tinuro ni Lucienne ang sarili. "Moi?"

"Ikaw lang ang sakit ng ulo niya noon. Ngayon dumami na kayo," sabi ko.

Tumango si Magnus. "At kasalanan mo pa rin."

Nilukutan lang kami ng ilong ni Lucienne pero hindi siya tumanggi. After her case was resolved, it wasn't surprising that her story became of interest to people. Lalo pa ng isulat niya ang kuwento nila ni Kuya Thorn.

Hindi lang ang mga libro niya ang mas nakilala kundi maging ang Quetzal. After all, Magnus has a role in her story. Kaya kalaunan ay mas maraming mga manunulat ang naging interesado na magpasa ng mga akda nila sa Quetzal. Dumami rin ang sakit ng ulo ni Magnus.

"Mga fake news kayo. Ang bait-bait ko 'no," ngumuso ang babae. "Ako nga ang favorite writer mo eh."

Naunahan ko si Magnus na magsalita. "Siyempre. Patay na patay kaya 'yan sa'yo." Sa pagkakataon na ito ay sila namang dalawa ang napamata sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay. "What? Millions of people have read the book. Ilang milyon na rin ang nakabasa kung paanong nabasted si Magnus." Napangisi ako nang may naisip at nilingon ko ang lalaki. "Biruin mo 'yon? Nabasted ka na, naitsismis ka pa sa iba't ibang parte ng mundo."

The books were translated into different languages, so they didn't just make a buzz in the Philippines. Kaya worldwide ang nakakaalam ng kabiguan ng asawa ko.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Si Belaya ang siyang nagtanong na umupo sa tabi ni Lucienne. Kasunod niya si Lia na may dalang isang tray ng pagkain.

"Ang pagkabasted ni Mags na nalaman ng buong mundo," sagot ko.

Dagger Series #8: UncoveredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon