Chapter 15

2K 27 5
                                    

Chapter 15

"Feeling major talaga ang minor subs natin!" Pumadyak si Ches na parang bata.

Our first semester is about to end, habulan na ulit ng deadlines ang ganap. Isang buwan na rin ang lumipas nang matamaan ako ng bola. Hindi ako na-admit kasi ayaw ko talaga at hindi naman masyadong malala ang nangyari para sa 'kin, pero ang oa nga talaga ni Ash! Pati si papa! Grabe sila kung maka-react! Kulang na lang din mabingi na ako sa mga gamot na pilit nilang pinapainom sa 'kin which is utos din naman ni doc.

"Tapos ang dami pang gagawin!" Maktol ni Ches.

Nalampasan na namin ang midterm at ngayon pre-final na ang hinaharap pero panay pa rin ang reklamo niya tuwing may kailangan na ipasang PETA.

"Ang major subs naman! Sobrang nakakagutom! Feeling ko lahat ng kinain ko simula pagkabata nag-evaporate tuwing pagkatapos ng discussion." Natawa ako. "Nakakatuyo sa utak!"

"Siguro kahit mag-mukbang tayo before finals examination sa isang major paglabas pa rin natin malnourished na tayo."

Nagpatuloy ako sa shadings habang tumatawa sa mga pinagsasabi niya, totoo naman kasi ang lahat! Nakakagutom ang subjects.

She turned her whole body to me. "Tapos 'di ba ako lang ang naiba ng course sa family namin? Sabi ni dad ako raw ang magiging breadwinner kapag sabay-sabay silang natanggalan ng lisensya."

Nilagay niya ang lapis sa table at napahawak sa dibdib. "Ang pressure teh! Saka bakit naman sila matatanggalan ng lisensya? At eto pa! How come ako ang magiging breadwinner e mas gusto ko na lang na maging bread!" Napailing ako. 

"Si Mr. Ramos din, ang daming pinapagawa! Another plates na naman! Tapos free hand drawing pa talaga e I'm not good in that category! Hu hu."

I sighed. "Lahat tayo naghihirap ngayon Ches, sila Belle may presentation at make-up na gagawin, si Yunice ang daming sinusulat dahil sa sub nila, and si Eira may thesis about familiarity and all. Not to invalidate you ha."

"Tse!" Umirap siya. "That's your way of saying na kailangan ko na tumigil sa pag-ra-rant." 

Natawa ako. "Buti alam mo,"

"Ano nga pala title ng research ni ate Eira?"

"Euphoric sense of Familiarity and Belongingness."

"That sh't's too personal. Daig pa ata ghosting, pero ang ganda. Ano kaya ang pinanghuhugutan niya?"

"Ewan ko, pero at least hindi siya nagrereklamo 'di ba? Ang hirap kaya humanap ng RRL no'n."

I said before that venting isn't a competition, and yet I'm using the others' struggles to make her do the work. It's because Ches needs a push, and she's the type of person who'll only do her thing when she knows she's not the only one who's struggling. 

She laughed. "Oo na, kikilos na!"

Busy kami sa plates habang ang iba nag-s-study para sa minor sub namin later. May pop quiz kasi na gaganapin, paano namin nalaman? Narinig ni pres kanina si prof habang naglalakad siya sa hallway. Buti na lang at matalas ang pandinig niya. 

Ilang minuto na lang at papasok na si sir para sa quiz. Nagreview kami ni Ches bago sinimulan ang blending ng plates kaya medyo kampante ako.

Temporary (Amorist Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon