Chapter 17

902 21 4
                                    

Chapter 17

"Magmano ka sa ninong mo Jin pagdating niya para bigyan ka ng pera." Bulong ni Ches, natawa si Eira na katabi niya lang.

Bumili si ninong ng lunch namin kaya hanggang ngayon ay wala pa siya.

Napasimangot ako, kaharap ko sila.

"Sira ulo, daig mo pa Nanay na nag-uutos sa anak na humingi ng pera sa ninong tuwing pasko ah?" Natawa rin siya. "Saka ginagawa ko naman 'yan kahit hindi ako humihingi as a sign of respect."

"Sabi ko nga. . ."

Our first semester officially ended, at hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang pinaggagawa namin sa celebration after Pre-Final. Ang lalakas kasi ng trip e!

Masaya na sana kami after nang sa peryahan na gala but then Belle's little sister called, and after no'n may revelations na naganap na until now hindi pa rin kami makapaniwala, like grabe naman? Sobrang liit na ba talaga ng mundo?

Natahimik kami after malaman ang past nila Mel, may away din na naganap sa pagitan nila Yunice and Vincente's but in the end Melian insisted na huwag na lang kami makialam sa kanila; hayaan na lang namin si Belle dahil doon siya masaya. 

Alam kong ang pangit ng reasoning pero wala na kaming magagawa, concern kasi masyado si Mel e, and she also believe it would be her old friend who can fulfill Belle's needs. Saka malalaman din naman ang totoo sa huli.

Natasha on the other hand, she's courting me already pero hindi ko pa rin sinasabi sa kanila, I'll wait for the right time kung saan handa na rin akong sabihin kina papa. 

She had been busy these past few days, marami kasi siyang inaasikaso sa pamilya nila lalo na't malapit na ang Pasko. Tiyak siyang maraming bibisita sa puntod ng lolo niya gaya no'ng undas to act like they really care when in reality they're only after his money. I want to be by her side when that happens. I don't want her to be alone again, facing all of her relatives and them teaming up against her.

I'll always side with her, and I'd stand up for her when I needed to.

Sarado ang shop ngayon at saktong binisita ako ng dalawa, kanina pa nga silang umaga rito, bored na raw kasi sila sa long weekend at semestral break, at para rin daw may makasama ako e mas sanay nga akong mag-isa.

But I'm also glad they're here, accompanying me.

Ilang saglit pa dumating na si ninong bibit ang ulam na liempo, agad akong tumayo at kumuha ng soft drink sa ref habang ang dalawa ay kumuha ng mga plato sa kusina.

"Kamusta pag-aaral niyo?" Tanong ni ninong.

Inaayos na nila Eira ang mga plato, nilapag ko ang soft drink sa table.

"Ayos lang po, kaya pa po namin, lalo na si Jin." Ngumisi si Ches na para bang may balak.

"Talaga? Mabuti naman kung gano'n."

"Opo, napakasipag at napakabuti po ng inaanak niyo pati guro nga po inaatupag." Pinanlakihan ko siya ng mata.

Bastos ah! Bulgaran!?

Eira chuckled while Ches smirked, sabay silang umupo sa harapan ko. Lumingon sa akin si Ninong nang nagtataka.

"Ninong ano kasi. . ." pahamak talaga 'tong isa na sobrang laki nang ngiti! Natataranta ako! Si Ches kasi e, kainis!

"She's a student assistant po." Singit ni Eira, nakahinga ako nang maluwag nang tumango lang si Ninong at umupo na sa gitna. 

Buti na lang lagi kong kakampi si Eira.

"Hindi naman kayo nahihirapan?" Tanong ni ninong.

"Nahihirapan po, pero para sa kinabukasan laban lang." Eira said that made him impress. Umupo na rin ako.

Temporary (Amorist Series #2)Where stories live. Discover now