Chapter 9: Ang Pang-aasar

57 6 4
                                    


Chapter 9: Ang Pang-aasar


"SUSUNDUIN KA raw ni Pres ah!" ani Kayla na may kasunod pang pagtili mula sa kabilang linya.

Naramdaman naman ni Beverly ang pag-init ng mga pisngi niya. Napatakip na lang tuloy siya ng mukha bago sinamaan ng tingin ang telepono niyang nakapatong sa study desk niya. "Manahimik ka na, Kaykay. Kanina ka pa eh."

Muling narinig ni Bevie ang tili ng kaibigan niya na mas lalong ikinapula ng mukha niya. At sa pangatlong beses simula kaninang hapon ay inulit na naman ni Kayla ang sinasabi nito. "Kasi naman, Bev. Obvious namang inaasar si Pres ng mga kaibigan niya sa 'yo, tapos hindi tumatanggi si Pres!" Tumili na naman ito. "Mukhang push na push talaga si Pres na sunduin ka. I can feel it!!"

"Please, Kay, shut up na," namumula pa ring mukha na wika ni Bevie. "Saka tumigil ka na sa kakatili, baka marinig ka pa ni Pres. Kapitbahay mo naman pala." Kulang na lang ay may usok na lumabas sa magkabilaang tenga ni Beverly sa sobrang gigil sa kaibigan.

Nadinig niya naman ang tawa nito. "Sorry na, Bev. Never ko rin naman kasi in-expect na magkakaroon kayo ng connection ni Pres kaya never kong nabanggit ang tungkol sa kapitbahay-kapitbahay na 'yan."

"Connection ka riyan. Shut up ka na nga lang. Ayusin mo na lang yung mga kakailanganing material para bukas. Bye na. Mabilaukan ka sana riyan." Agad na pinatay ni Beverly ang tawag saka bumalik sa pagkakadapa sa kama. Baka kasi kapag hindi niya pa 'yon hininto ay asarin lang siya nang asarin ng kaibigan.

Ipinikit na lamang ni Beverly ang mga mata saka niyakap ang unan niya. Nang dahil sa paulit-ulit na pang-aasar sa kaniya ni Kayla ay ang mukha ng presidente nila ang bumungad sa isipan niya.

Ang mala-bad boy na buhok nito, ang makapal nitong kilay, ang mahahaba nitong mga pilikmata, ang halos kulay itim na mga mata, ang matangos nitong ilong, at ang mapupulang labi.

Ang gwapo nga talaga ni Pres. Mas humigpit ang yakap ni Beverly sa unan niya saka isinubsob ang mukha para makatili. Ngayon niya lang kasi napansin nang masinsinan ang kagwapuhang taglay ng lalake dahil wala naman siya masyadong pakealam doon noon.

Pero aminado si Beverly na noong unang araw pa lang ng klase ay talagang nagwapuhan na siya sa presidente nila. Kaya lang kasi ay may malamig na aura na nakapalibot dito kaya naman pinili na lang ni Beverly na hindi na tuluyang bigyan ng pansin ang lalake. Pero kasi ngayon... Hindi na napigilan ni Bevie na magpagulong-gulong sa kama niya. Naalala niya na naman kasi ang mga tingin na ibinibigay nito sa kaniya. Tapos kapag nahuhuli niyang nakatitig sa kaniya ang presidente nila ay bigla itong iiwas ng tingin.

Tapos kanina pa, noong nagpa-groupings sa General Chemistry nila. Hindi niya talaga inaasahang makakasama niya sa iisang grupo ang lalake. Noong sinabi kasi na five to six members ang bawat grupo at dalawang grupo lang ang maga-anim na miyembro ay bigla silang nilapitan nung Kaizer, yung makulit na maingay na isa sa mga kaibigan ni Pres.

Nang yayain sila nito na sumali sa grupo ay mabilis na um-oo si Kayla. Simula noon ay hindi na siya tinantanan ng babae sa pang-aasar gamit ang mga tingin nito. Ginawa pa ngang group leader si Pres habang siya naman ang secretary eh. Ultimong ang mga kaibigan ni Pres ay inaasar ang lalake, na siyang pansin na pansin ni Kayla.

Napatingin na lamang si Beverly sa kisame habang yakap-yakap pa rin ang unan. Bukas... Bukas susunduin ako ni Pres. Madiin niyang ipinikit ang mga mata saka iyon muling idinilat. Ang tagal naman ng bukas!

Wrong Send, Pres! [COMPLETED]Where stories live. Discover now