Chapter 18: So this is love.

38 3 5
                                    


Chapter 18: So this is love.

WHEN BEVERLY saw their president's message, that he wanted to talk to her personally and that it sounded so serious, she got anxious in an instant.

She was torn between wanting to know what he's about to say and avoiding him. Ganoon siya kakabado pero naghintay pa rin naman siya.

Sinabi nitong sa parking lot sila magkita kaya naman matapos ng klase nila ay pinauna na niya si Kayla sa pag-uwi. May parte kasi sa kaniya na magiging okay ang pag-uusap nila ni Pres, at isa pa, maliwanag pa rin naman ang kalangitan, hindi pa ganon kadelikado bumyahe mag-isa.

Kaya lang... That pretty lady... Hell's older sister... Sa hindi malamang kadahilanan ay ayaw ni Beverly na kumurap. She wanted to know and see what would happen between those two — between Pres and that lady.

Hanggang sa makita niyang yumakap ang babae sa lalake nang mahigpit at nakangiti. At kung hindi pa 'yon nakakabigat ng pakiramdam ay nakita niya pang hinalikan ng babae ang lalake.

Gustong pagalitan ni Bevie ang sarili dahil sa kagustuhan niyang tingnan lahat ng mangyayari tapos sa huli ay masasaktan lang siya. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit parang ang bigat-bigat? Parang naninikip ata ang dibdib ko.

Pinilit ni Beverly na huminga nang malalim saka tumingala at tumingin sa kalangitan. Tila nanlalabo ang mga mata niya at alam niyang hindi dapat bumagsak ang mga 'yon.

Bigla namang naging mabilis ang pangyayari. May kung sinong humila sa kaniya patalikod sa eksenang nagpabigat ng pakiramdam niya saka inalalayan ang ulo niya pasandal sa dibdib nito.

"Hey, Bevie. Ako na ang magso-sorry sa kung ano mang nagawa ng presidente natin ha? Sa ngayon, gusto mo bang lumayo muna rito?" dinig niyang tanong ng taong may panlalakeng boses. Pamilyar iyon kaya naman um-oo na lang siya.

Gusto niya lang makalayo-layo sa lugar na iyon, at para na rin makaiyak siya nang maayos.

"How about we go to the nearby park? Would that be okay with you?" tanong ng isa pang lalake.

Hindi na napigilan ni Beverly na i-angat ang ulo para tingnan kung sino ang mga taong iyon. Apparently, it was Kaizer who was somehow hugging her, while Hell and Tim were the ones behind him. At kung tama ang tingin ni Bevie ay nandoon pa rin si Kayla na masama ang tingin sa direksyon nila Pres.

"Let's go. I'll treat you an ice cream," ani Hell na siyang ikinatango na lamang ni Beverly.

Nilapitan naman siya ni Kayla saka niyakap mula sa likod. "Don't make pansin na muna 'yon, Bevie. Let's eat ice cream na lang, okay?" Walang imik na tumango na lang si Beverly saka nauna na silang naglakad ni Kayla papunta sa kabilang direksyon.

Gustuhin man ni Bevie ay mas malaki pa rin ang parte sa loob niya na ayaw nang lingunin ang presidente nila. Hindi niya alam kung ano ang relasyon ng dalawa pero isa lang ang alam niya. Wala siyang karapatang kwestyunin ang lalake dahil wala namang namamagitan sa kanila.

So this is love, huh? Having this kind of unbearable pain. And I bet it's just the tip of the iceberg. Pasimpleng napabuga ng hangin si Bevie. If this is love, I don't want it.

Wrong Send, Pres! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon