Chapter 12: 1st Group Meeting

51 6 13
                                    

Chapter 12: 1st Group Meeting

NAKAILANG HINGA nang malalim si Beverly habang nasa loob ng kotse. Pilit niyang inistorbo ang sarili sa telepono kaya lang hindi naman na siya nireplyan ni Kayla kaya wala na siyang ibang nagawa kundi ang tumitig sa labas ng bintana ng kotse. Napikon ko ata sa chat — Pero kasi naman eh! Hanggang ngayon dama ko ang titig ni Pres! OMG!

Napahinga muli nang malalim si Beverly bago pinilit na pagaanin ang atmosphere sa loob ng kotse. Inayos niya muna ang sarili bago naglagay ng ngiti sa mga labi saka hinarap ang presidente nila.

Nahuli naman niya itong nakatitig sa kaniya bago mabilis na nag-iwas ng tingin saka tumikhim at tumingin sa labas ng bintana. Muli na namang humugot ng malalim na hangin si Beverly bago nagsalita. "So, Pres... Anong dinaanan mo sa may sa amin? Related ba sa project?" aniya kahit wala naman talaga siyang planong alamin ang tungkol sa bagay na iyon.

Nilingon naman siya ng lalake saka walang emosyon na sumagot. "No. Just... some stuff."

Napatango naman si Beverly saka hindi na napigilan ang sariling dumaldal. "Saan?"

Nanatiling walang emosyon ang gwapong mukha ng lalake. "Alfamart."

Napakunot naman ang noo ni Bevie. "Ang alam ko eh may Alfamart na malapit kela Kaykay, so malapit sa inyo."

Agad namang nag-iwas ng tingin ang lalake. "They were... out of stock." Hindi malaman ni Bevie kung dahil lang ba init kaya para bang namula ang tenga ng lalake o mali lang siya ng tingin.

Hindi naman na niya sinabi ang tungkol sa pamumula na iyon saka tumingin na lang muli sa labas, at nang matanaw niya ang bahay ng matalik niyang kaibigan ay muli siyang nag-chat sa babae, kaya lang hindi delivered ang message. Offline pa rin. Pikon pa rin hayst.

Umayos naman na ng upo si Beverly. Ayon kay Kayla, katapat lang ng bahay nila ang bahay nila Pres.

Nilipat ng dalaga ang tingin sa katapat na bahay ng kaibigan niya. Ang sosyalin. Namamanghang tinitigan na lamang niya ang bahay na iyon hanggang sa hindi niya napansin ang paghinto ng sinasakyan nila sa tapat mismo noon.

"Sanchez, let's go," narinig niyang sabi ng katabi niya. Huminga lang naman muli nang malalim si Bevie saka tumango at akmang bubuksan ang pinto nang muling magsalita ang lalake. "Wait here," anito saka nagmamadaling lumabas ng kotse.

Medyo naguluhan pa muna si Beverly sa sinabi ng presidente nila, hanggang sa makita niya itong naglakad papunta sa pwesto niya saka ito na mismo ang nagbukas ng pinto.

"Let's go?" aya nito habang inilalahad ang kamay sa harap ni Bevie.

Ilang beses namang napakurap ang babae saka inangat ang tingin sa gwapong mukha ng lalake at ibinalik iyon sa kamay nitong nasa harapan niya. O. M. G.

Pilit niyang pinakalma ang sarili saka pinanood ang sarili na tanggapin ang kamay ng lalake.

Inalalayan siya nitong makababa ng kotse at nang maging maayos na ang tayo niya sa lapag ay saka sabay nilang binawi ang mga kamay. Pareho rin silang nag-iwas ng tingin sa isa't isa at kitang-kita ang pamumula ng mga mukha.

Lahat ng iyon ay nakita ng apat na taong nakaabang sa may gate ng bahay nila Tonny; Kaizer, Tim, Hell, at Kayla. At lahat sila ay pare-parehong may mga pang-asar na ngisi sa mga mukha.

"Okay, shy birds," pagbasag ni Kaizer sa katahimikang bumabalot sa lahat. "Simulan na natin 'tong project para makapag-loving loving na kayo," pang-aasar pa nito na siyang mas ikinapula ng dalawa.

Bumungisngis naman si Kayla saka umimik. "Usong huminga, you two."

Binuksan naman na ni Tim ang gate saka naiiling na tiningnan ang dalawa. "Come on. Tama si Kaizer, para matapos na tayo kaagad."

"More time for beer," ani Hell na siyang dahilan kaya binatukan siya ni Tim. Parang bata naman na sumimangot si Hell. "Fine. No beer."

Tumikhim naman na si Tonny saka pilit na nilingon si Beverly. "Let's go inside."

Walang imik na tumango naman si Bevie saka hinanap ng mga mata niya si Kayla. Pasimple niyang sinamaan ng tingin ang mapang-asar na kaibigan niya na sinagot naman nito ng tawa. And here I thought, napikon ko siya kanina. Napabuga na lamang ng hangin si Bevie saka nauna na sa paglalakad. Mukha kasing pinapauna niya ako. What a gentleman, hayst.

Wrong Send, Pres! [COMPLETED]Where stories live. Discover now