Epilogue

56 3 3
                                    


Epilogue

KANINA PAGKATAPOS makita ni Beverly ang eksena ni Pres at ng babaeng iyon, dumiretso silang lima sa pinakamalapit na public park sa school nila saka roon nagpalipas ng oras.

True to his words, Hell did buy her ice cream. Halos lahat ng flavor na meron sa convenience store na iyon ay binili ng lalake para sa kaniya. "I'm sorry." He kept repeating those words but Beverly couldn't seem to know the reason why.

Napatingin si Beverly sa digital clock niyang nasa bedside drawer niya. It's already nine in the evening and they just finished having dinner. Kani-kaninang eight o'clock lang din umuwi ang mga magulang niya na ngayon ay paniguradong nagpapahinga na, pero si Bevie na kanina pa nakauwi ay hindi pa rin makatulog.

Tinanong din ng papa niya kung ba't namumula ang mga mata niya, pero idinahilan na lang niya ang maalikabok na kalsada pauwi at hindi na ulit ito nagtanong pa. Habang ang mama niya ay iba kung tumingin, at mahahahalatang alam nito na nagsinungaling siya pero hindi na ito nagtanong pa.

Napailing na lang si Bevie para alisin ang mga alaalang naganap kanina sa isipan niya. Paglingon niya sa kabila ay nakita niya ang pagkidlat kasunod ng pagkulog at pagbuhos ng malakas na ulan.

At gusto pa talaga akong sabayan ng ulan-ulan na 'to ha? Napabuga na lamang siya ng hangin saka inalala ang mga sinabi nila Kaizer at Tim kanina.

"Gusto ko sanang sabihin sa 'yong ipagsawalambahala na lang ang nakita mo kanina, pero that'll be invalidating your feelings so... just hear us out, hmm?" ani Kaizer sa kaniya habang nakaupo sa tabi niya sa bench.

Inangat naman ni Beverly ang tingin sa lalake saka hinintay itong magsalita, pero si Tim na ang gumawa noon. "The night that Anthony got drunk — the night in which he messaged you the lyrics of a song — we kinda had a talk with him."

Takang tumingin si Beverly sa dalawa. "Basically, we made him realize his choices in life, and well, unexpectedly, he already made his choice that night. And yes, speed siya pagdating sa ganon," pagpapaliwanag ni Kaizer.

"And he chose you," ani Hell na nananahimik habang nakaupo sa katapat nilang bench.

Malalaki ang mga matang napatingin sa lalakeng iyon si Beverly. "Ha?"

"Hatdog," pabalang na sagot ni Hell saka napailing. "Sorry, bad habits." Napakamot pa ito ng batok. "But anyway, like what I said, he chose you over Sofia."

Ilang beses napakurap si Bevie. "Pero yung kanina..."

"You did not look closely kasi eh," agaw atensyon naman ni Kayla. "That lady almost kissed him. Almost, Bevie. But Pres took a step back kaya."

"Then bakit ang sama ng tingin mo kay Pres kanina?"

Kayla rolled her eyes. "Not kay Pres, but doon sa girl. She tried again kasi, eh obvious naman na ayaw ni Presi."

Napataas ng dalawang kilay si Beverly kasabay ng mas panlalaki pa ng mga mata. "Then... Then you mean to say..."

Sabay-sabay na tumango ang apat niyang kasama.

He chose me? But why? Napabuga na lang ulit ng hangin si Beverly. Bakit niya naman ako pipiliin? Wait... bakit ako kasama sa choices in the first place? Ilang beses napakurap si Beverly. Does it mean that he likes me?

Bahagyang nagulat naman si Bevie nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. "Beverly, gising ka pa ba?" Narinig niya ang boses ng mama niya.

Napabangon naman si Beverly saka naglakad papalapit sa pinto niya para pagbuksan ang ina. "Ma? Ba't gising ka pa po?" Hindi naman pumasok ang mama niya sa kwarto at ikinagulat pa niya nang yayain siya nitong bumaba. "Bakit po?"

Napailing naman ito habang may ngiti sa labi. "May bisita ka."

Napakunot naman ng noo ang dalaga. "Pero masyadong gabi na ho ah."

Mahinang natawa ang ginang. "Eh ayaw umuwi eh. Gusto ka raw makausap."

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya bago lumabas ng kwarto at saka lumipat ang tingin sa lalakeng nakaupo sa sofa nila. Nakita niya namang napatingin ito sa kaniya saka biglang napatayo. Ang kaninang naguguluhan na ekspresyon ni Bevie ay napalitan ng pagkagulat. "Pres?" Ilang beses siyang napakurap. "A-Anong ginagawa mo rito?"

"Beverly." Tila natigilan si Bev nang marinig na binanggit ng lalake ang pangalan niya. "Mag... Magpapaalam lang ako."

Muling kumunot ang noo ni Beverly. Katapat ng presidente nila ay ang ama niyang pinapanood lang ang mga kilos nila. "Anong magpapaalam? Aalis ka ba, Pres?" hindi niya napigilang itanong. Umiling naman ang lalake. "Edi ano?"

Tumingin ito sa mga magulang niya na parehong nasa tapat na sofa ng lalake. "Magpapaalam lang po sana akong ligawan si Beverly."

L-Langya???

~•~ The End ~•~

Wrong Send, Pres! [COMPLETED]Where stories live. Discover now