Prologo

8 1 0
                                    



☼︎⍟✵𖣔✵

----

----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Oh no, Sorry, sorry I am late!" Halos nagkukuripas ako ng takbo papunta doon sa loob ng bahay nila Rebel at nakanguso na yung mga pamangkin ko.

"Ninang, kinakalimutan mo na yung ganda ni Ciara!" The blonde haired kid just flipped her hair. Umiling naman yung isang nagningning na bata at nagkunwaring nagsusuka.

Umirap naman yung bata at inambaan ito, "Sasapakin kita diyan eh, Krestrel! Magkaalaman kung sinong mas malakas when it comes to our blood!"

May dalawang lalaki na bumuhat naman doon sa dalawang bata. Yung nakasalamin ay binuhat si Kestrel. And then itong si Ciara ay binuhat naman nung isang lalaki na napakaganda ng hitsura. All that I know is the two of them are Demigods. Itong nakasalamin ay anak ni Libulan, and the other guy who's with him ay anak ni Sidapa.

Isa sila sa mga binabantayan ko noon. And I made sure na hindi nila ako makikita. I always made myself invincible para nababantayan ko silang parehas ng maigi.

I can't make a move, all I can do is to watch these Demigods to fulfill their fate as heroes.

"Krestel, what did Ninong told you about girls? Sabi ko sa'yo magpakabait ka. This crazy little guy," Huminga naman ng malalim yung lalaking nakasalamin at ginulo ang buhok ni Krestel.

"Ikaw naman Ciara, wag mong pinagpapansin yung kambal mo. Manang-mana sa tatay, e! Maistress ganda mo niyan, ke-bata bata mo pa."Paliwanag naman nung isang lalaki. That guy looks beautiful for sure.

"Tito Sat! Nauna siya. Pa-isa lang, babasagin ko na talaga mukha ng kambal ko! At kung pwede lang–"

"Gawwwd Ciara!" Napapikit na lang yung lalaki. So, Sat pala ang pangalan ng anak ni Sidapa. He put his fingers on his forehead at napailing na lang.

"Kaganda-ganda mo iha, pero yung kilos mo!"Sigaw nito.

Napansin naman ako nung lalaki at lumapit sila pareho ni Ciara,"Oh hi! Sorry about the kids. Ikaw yung kasama ni Rebel non, ha? Yung Architect na gumawa ng bahay namin?"

"Uh huh! Ar. Gaia Haven Aquino," Pakilala ko at ngumiti naman na ako sa kanya at inabot ko yung kamay niya at ngumiti naman siya pabalik sa'kin.

"Saturino Rosales." He smiled at me.

"Yes, yes! I bought the materials pero yung nagdisenyo, alam niyo naman kung sino. Tsaka si Rebel yon, isa sa forte nun ang pagdisenyo ng luxury homes."Bida ko. Syempre kaklase ko yon, noh! At kami ni Evian walang tanong-tanong basta siya nagbigay ng blueprints.

Senior Architect siya sa firm na pinapasukan namin. But he's based on Vancouver, umuuwi lang siya minsan kapag kailangan siya dito sa Pinas for big projects.

The Haven's Disastrous RetributionWhere stories live. Discover now