Prologue

95 6 18
                                    

Prologue:

I immediately sighed loudly as I saw the big entrance of our school. Hindi na ako nag abala na bumaba sa sasakyan at dumiretso na papasok. Hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng bag ko at mabilis na tinignan ang uniform ko nung nakita ko na naka-salubong ang kilay ng isang prof na laging nag o-observe sa harap ng gate para tignan ang mga estudyante. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, she always do that to all of the students, sinumbong ako last year dahil medyo mababa raw ang skirt ko. Tsk, old woman.

I tsked. Mabilis ko agad binatones ’yong dalawang batones sa uniform ko at medyo binaba ko ang skirt ko bago ko tinaasan ng kilay ang prof, she shrugged her head getting disappointed, siguro ay nasanay na dahil lagi naman akong ganito. Too bad, kailangan niyang mag-tiis sa akin dahil dito na napag-isipan ni mama na mag senior high ako.

I immediately went to the big bulletin board as I boredly looked for my name. Pinagsingkit ko ’yong mga mata ko dahil sa daming estudyante na halos hindi ko na makita ang mga naka dikit doon. I sighed in defeat as I walked to the bleachers, anytime soon ay magsisimula na ang flag ceremony at siguro may mahabang message ang dean para pang welcome sa mga bagong estudyante. I checked my phone and immediately chatted one of my circle friends that I made during junior high, napanatag naman ang loob ko ngayon na nakita nila ako sa bleachers at tinulungan ako sa paghanap ng pangalan ko.

“Saan ka nag summer vacation, Rei? I tried looking for you, huh! You deactivated all of your accounts! ’Kala ko kinalimutan na kami.” Maria said. I shrugged my shoulders, I deactivated my account because my mom told me for I don’t know reason, sinunod ko naman ang sinabi niya na walang pag-alinlangan dahil pinayagan niya naman ako na pamunta sa Manila para bisitahin ang mga pinsan ko. I spent my summer vacation there.

Dahil sa topic namin ngayon ay bigla akong na-stress. I wanted to spent my senior years in Manila — since roon naman nag aaral ang mga pinsan ko pero dahil sa grades ko last year sa junior high ay pinagdusa pa niya ako dito na mag-aral sa Cagayan De Oro! Oh, god, I don’t know for how long that i’ll suffer here — knowing mom’s issue are speculating in the entire city!

Napasighal ako na wala sa oras. I immediately checked my wrist watch, “Girls, hindi muna ako sasali sa flag ceremony ’dali ko lang ma-boring.” I said as I stood up.

“Rei naman! Madaming gwapo roon! Malas ka nga last year dahil may girlfriend si Treyson, baka ngayon may pogi na. . .”

I rolled my eyes and chuckled. I dismissed them immediately, hindi naman nila ako pinilit at pinigilan. Magandang ideya nga ’yon na mag hanap ng bagong crush kaso nga lang nawalan ako ng gana ngayon.

Lahat ng buildings ay sarado pwera nalang sa gymnasium dahil doon gaganapin ang flag ceremony. Nilakad ko ang kay habang hallway hanggang sa napadpad ako sa library, naalala ko nga na sira ang pintuan dito pero hindi ko alam na hanggang ngayon pala ay hindi pa naayos dahil nakapasok ako roon. Ang ginawa ko lang doon ay humalukipkip kaya nung nakita ko na ang janitor at ang librarian dali-dali ko agad tinignan ang wrist watch ko, nagsimula na ang first period. Pero panatag naman ako na walang masyadong gagawin ngayon dahil first day palang naman ngayon.

I walked confidently towards the library door but those confidence immediately shattered when someone bumped me. Randam ko ang malamig na tubig na dumaloy sa katawan ko, I furrowed my brows as my eyes immediately saw my reflection on her glasses.

Nawala agad ’yong salubong sa kilay ko nung na-kompirma na siya nga itong nasa harap ko. Wow, she’s finally here wearing a uniform.

Zowen Nabiste looked at me with a furrowed brows, binaba niya ang water bottle na hawak niya kanina bago niya pinagsadahan ng tingin ang basang papel na hawak niya. I smirked with a hint of annoyance, basa rin ako pero sa papel ang atensyon niya and what’s with the paper? Research papers? Kakasimula palang ang first day of school, ah?

Thirst Under The Wild Spell (Thirst Series #1)Where stories live. Discover now