01

33 3 18
                                    

01:

“What. . .” napa facepalm si Maria nung na kwento ko ang ginawa ko kahapon, napatawa naman siya ng malakas.

“Demonyita, akala ko na magbago kana dahil gusto mo pumunta ng Manila!” pangusisa ni Ezra.

Umiling ako habang inopen ang cellphone ko at tinutok ang atensyon doon. May ibang topic sila pero hindi na ako nakinig dahil alam ko na may binackstab sila. Nung na bored ako ay napalingon agad ako kay Maria na siniko ako. She immediately showed me her phone. Isang post ’yon sa school page namin at stolen shot ’yon ni Zowen habang nagbabasa ng libro, napaangat ang kilay ko at napatingin agad sakanya.

“Pake ko n’yan?” I said nonchalantly.

“Ganda. . .” she whispered. “Akalain mo nga bagay sakanya bangs niya. . . edi sana tinuloy ko ang pag putol ng buhok niya noon. . .” she chuckled and immediately combed her micro bangs. “Nabigay na niya textbook mo?” she suddenly asked.

I rolled my eyes, “Hindi binigay sa akin. . . hindi ’ata ginawa. Bahala na.” I said as I squinted my eyes when Maria puffed her cigarettes, she immediately smiled apologetically, tinapon niya agad ’yon sa malayo nung nakita na niya ang masamang timpla sa mukha ko.

“Turuan mo nga ako manigarilyo. . .” I said and smiled.

Umiling agad si Maria, “Bahala ka d’yan uy! Kung susubukan mo. . . you’ll regret it right after.” Sinubsob niya ang mukha niya sa kanyang dalawang tuhod at umusal, “Curious ako dati, tignan mo ako ngayon. . . hindi na maka-bitaw, nakasanayan ko na.”

I shrugged my shoulders. “Kung siguro ay naiwan mo rin ang lighter mo sa bag ko kahapon ay baka nakahithit na ako. . .” I said and chuckled. “Nakakagulat nga na may lighter si Zowen. Ano ’yon? Natuto na siyang manigarilyo?”

“Impossible naman ’ata na maninigarilyo siya. . . wala nga ’yong kaibigan, sa naalala ko may asthma tatay niya.” Ezra chuckled. Hindi ko namalayan na nakikinig na pala sila sa amin, I rolled my eyes, I saw a piece of crumbled paper and immediately throw it to Ezra. Napalingon kami lahat nung nakadating si April sa tagpuan namin, medyo seryoso ’to sa pag-aaral. . . siguro nakita niya ang message namin sa group chat?

“Hindi ka na mambubully? Seryoso ka na n’yan, Rei?” April said.

Tumawa agad sila sa sinabi ni April. Some of Ezra’s friends is here too kaya medyo madami kami ngayon. I showed her my middle finger and all she did was smirked. Mabilis niyang binawi ang chips na nasa kamay ni Ezra at pinatong niya agad ang mga paa niya sa paa ni Ezra at walang siyang magawa kundi mapasimangot.

“Last na pambubully na raw ’yon ni Rei kahapon.” Maria said chuckling, “Na triggered lang sungay niya kahapon kaya ayon na udlot.”

Everyone chuckled including Ezra’s friends. Binatukan ko agad siya, hindi ko talaga makaya ang mga maingay na tao. . . kaya sa lahat na naging kaibigan ko ay ayaw na ayaw ko kay Maria! Sana mag bago na ’to!

Nung natapos na ang lunch time ay tumayo na ako roon at kinuha ’yong isang chips na hindi pa nabuksan at pinasok sa bag ko. Sa tingin ko nga ay hindi sila papasok dahil may nag-aya na mag inuman. Nagpaalam agad ako at mabilis na tinahak ang senior high department at dumiretso sa comfort room para mag ayos sa sarili. I brushed my hair and braid it, I also put a light make up dahil ang haggard ko tignan.

Sakto nung naglakad ako sa hallway ay nakasabayan ko ang subject teacher namin kaya nakipag-kwentuhan ako sakanya habang naglalakad at nung naka pasok na ay deritso lang ang tingin ko sa upuan ko. Quick lesson lang at may pa groupings ang nangyari. I immediately listed all of my members and stood up to pass it to our teacher when Zowen also stood up — making an eye contact with me. I raised my brow, hindi ko alam na pati ang pag bigay ng list of members ay competitive siya?

Thirst Under The Wild Spell (Thirst Series #1)Where stories live. Discover now