CHAPTER TWO

11 0 0
                                    

Two months already passed pero wala pa rin kaming klase but some Leonidas schools ay meron na. Almost three months na rin kaming magka-usap araw-araw ni Miguel. Everyday lagi kaming may topic na pinag-uusapan. Wala atang palya 'yon. 

Kinamusta rin ako nina Mira and Choi, both of them pursued marketing. College na sila ngayon pero ako  ay next month pa magsisimula ang college journey. 

So far... ang tahimik ng buhay ko. Napansin ko rin na hindi na ako kinakabahan magkamali sa isang bagay kasi alam kong hindi na ako sisigawan dito dahil walang maninigaw. Though, lagi nga akong mag-isa sa bahay sa Laguna pero nagagawan pa rin nila ng paraan na pagalitan ako. 

Malayo na ako ngayon. 

Yung allowance na binigay ni mommy ay maayos kong binubudget dahil nag enroll ako sa isang yoga class in Makati. Malapit lang naman dito 'yon dahil isang sakay lang ng MRT.

I've been trying to learn a lot of new things. I never learned how to cook dahil simula bata ako ay lagi akong pinapaalis sa kusina tuwing tumutulong ako.  Imbes na makatulong kasi ay mas lalo raw akong nakakagulo. Lumaki akong ganon nasa isip ko and then one day nagalit ulit sila sakin dahil ang tanda ko na pero hindi pa rin ako marunong magluto. 

Hindi ko naman 'yon matutuhan lahat dahil lang matanda na ako. Skills knows no age. Kung sana lang ay tinuruan na nila ako noon pa edi sana hindi sila magugulat na ang tanda ko na ngayon pero hindi pa rin ako marunong magluto. 

Sometimes kapag naalala ko 'yung mga memories na ayokong maalala ay lumalabas na lang ako ng condo. Buti na lang ang daming pwedeng puntahan at gawin dito sa Manila. Hindi ako na bo-bore. 

I checked Miguel's message on iMessage dahil tinatanong niya kung nagawa ko na ba 'yung study table and study chair. Dalawang buwan na rin itong nasa box. Hindi ko kasi maintindihan paano gawin. I tried pero hindi ko magawa nang maayos. 

"Not yet," I said nang sagutin ko 'yung tawag niya. Nilabas ko na 'yung mga gamit at 'yung manual. Hirap din talaga maging independent after maging walang alam na bata growing up. I read the manual once again. Naka handa na rin 'yung tools like screwdriver. 

"Send me a picture of the manual. Yung instructions." I nodded when I heard Miguel's manly voice. Hindi ako sa kaniya nakatingin kundi sa mga gamit na nasa harapan ko. Sinunod ko naman utos ni Miguel hanggang sa isa isa niyang pinahanap sakin 'yung mga gamit na magkakasunod kong gagamitin. 

After three hours ay medyo may nagawa na ako sa study table ko. Pinunasan ko 'yung mga pawis ko. Grabe. Bukas pa 'yung aircon nito, ha! Gosh! I am not really for anything. Naka pamewang ako while looking at the 10% table in front of me. 

I heard Miguel's familiar chuckle. Tinignan ko naman siya at mas lalo siyang tumawa. Hobby niya atang maging masaya. Good for him.  

"Do you think you can disassemble all that?" He asked. Kumunot naman agad noo ko. After three hours na puro pagkakamali na nagawa ko, ipapatanggal niya rin sakin? 

"Trip mo?" I asked at lumakad papunta sa ref para kumuha ng tubig. 

"I'll just assemble it for you." I continued drinking. "Not that I don't believe that you can assemble that. I know you can but... I just want to help." Huminga muna ako bago uminom ulit. Hindi niya ako nakikita ngayon. 

"If you just want me to help though..." Lumakad ako papunta kung saan ko iniwan cellphone ko at kinuha 'yon. 

"Mahihirapan lang tayo. May mga parts itong hindi magkakasya sa pinto kapag ipapasok na." I said. "I don't mind accepting your help though." He smiled, a cute smile. 

"Okay. Pahinga ka muna—" 

"Do you want to come over and help me?" I asked, curious. I know that it's not nice to welcome someone on the opposite gender to your place. Lumaki akong hindi nagpapapasok ng lalaki sa kwarto ko. 

Escape of Sweet CinnamonWhere stories live. Discover now