CHAPTER SEVEN

10 0 0
                                    

We ate in silence until Migo started driving. Masyado akong nawala sa mood sa sagutan namin ni Romania kahit ilang beses ko nang pinapakalma sarili ko. Ilang beses ko siyang pinalagpas pero 'yung work ethics niya ay sinasagad na ako. 

"Should I drop you off to Mira's place?" Migo broke the silence. I looked at him and suddenly I am not as annoyed as I was earlier. 

"Yes," maikling sagot ko na lang dahil alam kong hindi rin naman siya papayag na ibaba ako sa terminal papunta sa bayan ko. 

"Sabi mo dinner 'yon?" Takhang tanong niya. 

"Doon na lang ako ngayong umaga para maka-uwi rin ako nang maaga. Sa Tagaytay kami bukas, di ba?" 

Tumango siya nang paulit ulit habang diretso pa ring naka tingin sa kalsada. 

May sasabihin pa sana si Migo but his phone rang. He looked at me asking if I could answer the call. Mabilis kong kinuha ang cellphone niya at doon nakita kong tumatawag ang mommy niya. Sinagot ko 'yon at ni-loud speaker gaya ng pakiusap ni Migo. 

"'Nak, san ka na?" Malambing na bati ng mommy niya. Ang lamig ng boses ng mommy niya pero mas nangingibabaw 'yung pagiging malambing, halatang babae na kalmado. 

"Slex, mom." 

"Okay, so malapit ka na? Can I ask if you can drop by in Nuvali? Your brothers are asking for a mango bravo cake." 

"Sure, mi. But mga mamaya pa po ako," sabi niya habang ang atensyon ay nasa pagmamaneho pa rin. 

"Why?" 

Migo looked at me for a second so I mouthed him 'it's okay' pwede naman niya akong ibaba na lang Sta. Rosa. I still remember how I commuted when I took the SCET. Pero pasaway si Migo. 

"I'm with Deanna, mommy." Ngumiti siya sa akin at parang nanghihingi agad ng tawad. Ngumiti na lang ako sa kaniya. 

"What?! Why didn't you tell me? You should've told me kagabi pa so nakapag prepare ako ng mas okay na lunch! My God, Iñigo Miguel!" 

Mabilis nanlaki ang mga mata namin ni Migo sa sinabi ng mommy niya. Pabalik balik ang tingin ni Migo sa akin, sa cellphone niya, at sa kalsada. 

"Mom, no! She's not visiti—" 

"I'll prepare another dish! Paella is her favorite, right?" 

"Mom—" 

"Take care, sweetie! I love you." 

"Mommy!—" The call ended. 

Hindi namin alam ang gagawin at parehas kaming natahimik sa nangyari. Pinatay ko ang cellphone niya pero binuksan ko ulit para tignan ang oras. Masyado pang maaga, it's just nearly 9 am. 

"Nuvali na tayo, Migo," utos ko. Tumingin pa siya sa akin sandali bago tumango. 

"Is it okay with you? You know I can just drive you to your friend's house, right? You don't have to be  pressured to meet my mom. Maiintindihan naman ni mommy. Hindi kasi siya nakinig sa akin, e. I'm sorry she's really excited on meeting you," pagpapaliwanag pa niya. I just shrugged his thoughts off. 

Alam ko naman na kahit di ikuwento ni Migo ay kinukulit siya ng mommy niya na dalhin ako sa kanila. When I met Migo's dad, that's when I confirmed how family oriented Migo was. He was super comfortable with his dad pero malaki pa rin ang respect niya. 'Yung bang kahit sobrang close ay hindi niya nakakaligtaan ang boundaries. 

"I'm really sorry, Deanna—"

"It's okay. Ano ka ba? Makikilala ko rin naman siya soon so why not mas paagahin, di ba?" 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Escape of Sweet CinnamonWhere stories live. Discover now