KABANATA 1

4.7K 208 56
                                    

Kabanata 1

Lost

Nakayuko ako sa sala habang kinakausap ni tita Karin ang dalawang guards na tinawag no'ng lalaki. Nakatiklop ang dalawa kong kamay habang nakapatong iyon sa tuhod ko. Mabilis pa din ang kabog ng dibdib ko sa nangyari kanina.

"Pasensiya na. Kakausapin ko nalang ang mga bata. It was just a misunderstanding."

Tiningnan ako ng isang guard. "Wala po iyon, madame. Mauuna na po kami."

Inihatid ni tita Karin ang mga ito palabas ng bahay. Umangat ang tingin ko sa hagdan nang makarinig ako ng yapak na bumababa. Nagkasalubong ang tingin namin nung lalake.

Hindi katulad kanina, may suot na siyang damit ngayon. Kulay itim na sando na siyang humubog ng maganda niyang katawan at gray sweatpants. Bagsak pa din ang buhok at basa.

Masama ang tingin sa akin at nakasimangot. Pero kahit ganon ay hindi ko itatanggi na may itsura siya. I sighed. Kamukha niya si tita Karin...

"What did you do?" tanong kaagad ni tita nang makabalik siya sa sala.

Akala ko ay para sa akin ang tanong niyang iyon. Handa na sana ako sumagot nang maunahan ako ng anak niya.

"You never told me about this, mom! Anong malay ko na may bisita kang dadating?" madiin at malalim niyang sabi.

Mas lalo akong napayuko. Hindi pa ako nakaka-isang oras dito ay nakagawa kaagad ako ng gulo. Kinagat ko ang labi ko at pinanitiling kalmado ang sarili.

"I already told you about this, Taki, days ago." problemadong sabi ni tita Karin. "Hindi ka nakikinig dahil diyan sa kakalaro mo magdamag."

Napasimangot ang lalake. "Then why was he in my room? What? Are we gonna share the same bedroom?"

"P-pasensiya na talaga. Akala ko kasi 'yon na ang kwarto ko." sinubukan kong sumingit para sabihin iyon.

He glared at me. Gusto kong sabihin iyon sa kaniya para marinig niya ang totoong nangyari pero dahil siguro sa galit niya ay tumawag pa siya ng guwardiya.

"See? You could've atleast hear him out first before calling the guards, Taki. You're overreacting!"

"I am not! Sino ang matutuwa na makita ng hindi ko kilala sa loob ng kwarto ko? Kakatapos ko lang din maligo."

Tumayo na ako para pumagitna sa kanilang dalawa. Alam kong kasalanan ko iyon. Hindi ako nagtanong bago ako pumasok sa kwarto niya.

Ngayon ay naistorbo ang dapat meeting ni tita Karin dahil sa akin.

"Sorry. Sorry talaga. Hindi ko... sinasadyang pumasok sa kwarto mo."

Tiningnan ako ni tita Karin na parang kinakawawa ako ng anak niya. Nakanguso siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Hinarap niya ang kaniyang anak at masama itong tiningnan.

"Arlo said his sorry, Taki. Mag-sorry ka din sa kaniya."

"What?"

Pareho kaming nagulat sa sinabi niya.

Namaywang ang anak niya at tiningnan kami ng mommy niya na parang bago sa kaniyang paningin. Matangkad si tita Karin, hanggang noo niya lamang ako. Pero kung itatapat ako sa anak niya... aabot lang siguro ako hanggang baba.

"You scared him, Taki. I think he also deserve an apology from you."

"T-tita... Hindi na po kailangan--"

"Why would I do that? Basically, it was all his fault mom! He admitted it himself." giit niya pa.

Totoo naman iyon. Hindi ko naman kailangan ng sorry niya dahil kasalanan ko din naman.

If The Shoe Fits (Coquette Boys Series #1)Where stories live. Discover now