KABANATA 10

3.9K 186 100
                                    

Kabanata 10

Paint

"Nag-review kayo?"

Hindi ako pinatahimik buong linggo ng mga iniisip ko. Inayos ko ang pagkakasabit ng strap ng bag ko sa balikat ko nang lumabas na si Chelsie sa room. Siya 'tong huli na lumabas. Inantay namin siya dahil ngayon ang balak naming apat na kumain sa labas.

"Wag mo nang tanungin! Masaya na nga ako kasi tapos na ang exam e." si Yzza.

"Pakiramdam ko baliktad mga sagot ko don sa enumeration. Five points pa naman!"

"Tangina sabing 'wag na ipaalala e!" mas lalong nalukot ang mukha ni Yzza. "Multiple choice nalang nga sasalba ng buhay ko, naging five items pa. Isa lang 'yong sigurado akong tama ang sagot ko."

"So, hindi nga kayo nag-review?"

Sabay kaming pumasok ng elevator. Nag-aral naman ako bago ang exam kahit na medyo nalulutang. Sinigurado ko naman kahit papaano na may mga sagot ako.

Ngayon na tapos na, naiisip ko din kung tama ba ang mga nasagot ko.

"Kumain naman ako kanina ng mani e. Ayos na 'yon."

Balak kong puntahan next week ang nahanap kong boarding house para tingnan kung maayos ba ang lugar at makalipat na.

Tsaka isa pa... Isang linggo na din kaming hindi nagpapansinan ni Taki. Akala ko nga dahil iyon sa pareho kaming busy sa pags-study pero hindi. Napapansin ko iyon kapag nagkakasalubong kami sa bahay.

Masama ang tingin sa akin at hindi ako kinakausap. Pero kahit papaano sa loob ng isang linggo na iyon, nakita ko ang pinagkaiba sa tuwang magkasama kami o hindi.

Baka lang mali ako? Dahil mabait siya? Mabait naman sa akin si tita Karin. Madami akong kilala na mababait. Kaya bakit ganon?

I appreciate kind people. Taki is one of them, katulad ni tita Apple. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nag-iinarte ako. At talagang... sa lalaki pa.

"Limang daan ang mababa. May alam akong lugar!"

Sumasakit ang ulo ko sa usapan nila. Kaliwa't kanan na ang pag-iinom ko. Lagot talaga ako kay tita Apple kapag nalaman niya 'to.

"Ilalaban ko ang bente pesos sa wallet ko, sasama ako mamaya." si Chelsie.

"Tanginang bente na 'yan. Di mo nalang sinabi na ikaw bahala sa Tang." reklamo agad ni Yzza. "Kukuripot ka pa. Papayagan ka ba ng jowa mo?"

"Papayag 'yon kung hindi ako magpapaalam," tumawa siya ng malakas. Napatingin ako sa ibang tao na napabaling sa table namin. "Tsaka bukas pa dadating ang allowance ko. Pa-abuno muna ako Danica."

"Sasama ka, Arlo? Umiinom ka naman diba?" tanong sakin ni Yzza.

"Kaunti lang. Hindi ako ganon kasanay na uminom."

Pagkatapos namin kumain, nag-usap kami kung saan kami magkikita mamaya para sabay-sabay na kaming pupunta sa sinasabing lugar ni Danica.

Bago ako umuwi ng bahay, dumaan na muna sa tindahan para magpa-cash out ng pera na pinadala sakin ni tita. May natira pa naman na pera sa akin dito, hindi naman ako gumagastos sa pagkain ko dito sa bahay kaya may naitatago ako.

Naisip kong don nalang din ako kukuha ng kaunting pang-ambag mamaya.

Nasabi ko na din kay tita na lilipat ako na ako sa nahanap kong boarding house... baka sa susunod na linggo. Ang kaso lang ay hindi pa dumadating si tita Karin, nakakahiya naman kung aalis ako na walang magandang paalam sa kaniya.

Papasok palang ako sa gate nang sakto din na dumating ang sasakyan ni Taki. Tumabi ako nang pagbuksan siya ng gate ng guard. Hindi pa kami nag-uusap pagkatapos ko siyang sigawan.

If The Shoe Fits (Coquette Boys Series #1)Where stories live. Discover now