KABANATA 18

4.5K 267 107
                                    

Kabanata 18

Music

Inabot niya sa akin ang isang bote ng tubig. Nakaupo ako sa dulo ng couch habang nasa tabi ko siya. Pinagmasdan ko ang alon ng mga tao sa harapan. Paanong nandito sila ni Kent? Hindi ko pa naman siya name-message.

Iniwan kami ng tatlong girls dito sa table namin para bumalik ulit sa gitna. Tiningnan ko si Taki na kinuha ang hawak kong bote at siya na mismo ang nagbukas non.

"Tatawagan ko na sana kita kaso nawala sa isip ko."

"You're sneaking out now, huh, Arlo?"

Ngumuso ako at guilty siyang tiningnan. Nawala lang talaga sa isip ko kanina dahil hindi na ako makawala sa mga kaibigan ko. Hindi na ako nag-abalang hanapin siya kanina sa bahay para magpaalam.

Bumalik na naman ang ekspresiyon ng mukha niya kanina nang makita kami. Iniwas niya sakin ang mga mata bago tumikhim at umayos ng pagkakaupo. 

Ano? Galit pa din siya dahil kanina? Na-offend ba siya sa mga pang-aasar ni Harriet?

Nang maisip ko na baka iyon nga ang dahilan niya biglang kumalam ang sikmura ko. Bahagya akong umusog palayo sa kaniya sa upuan.

Kung titingnan, hindi nga fair iyon sa nililigawan niya. Kumunot ang noo ko nang maalala ang sagot niya kanina. Akala ko bumubuti na silang dalawa ni Sofia.

Nagtatanong pa siya sa akin noon kung ano ang pwedeng gawin para matuwa sa kaniya ang babae. Kaya hindi ko magawang maintindihan kung bakit iyon ang sagot niya.

May problema ba? Ang alam ko ay nag-uusap pa din sila hanggang ngayon.

Uminom ako ng tubig. Kung galit, bakit sumunod dito?

"Bakit nandito lang kayo?!" biglang dumating 'yong tatlo.

Pabalik-balik ang tingin nila mula sa amin ni Taki at don sa kabilang dulo ng couch.

"Naubos na ba ang drinks? Gagi, sandali kukuha pa ako--"

"Hindi na," si Kent. Sumimangot si Destin na nasa tabi niya. "Chelsie, iuuwi ko na si Tin."

Nanlaki ang mga mata ng babae at hindi kaagad nakapagsalita lalo na nung tumayo si Kent at humarap sa kaibigan namin.

"H-ha? Teka lang, Kent..."

"Let's go home, Arlo." sumunod si Taki.

"Anak ng lahi niyo. Saan niyo ba dadalhin 'yang mga kaibigan namin?" si Yzza.

Bumaba ang tingin sa akin ni Taki, ganon pa din ang ekspresiyon ng mukha. Hindi ako kayang tingnan. Tahimik akong tumayo at bumaling sa mga kaibigan ko.

"Ay? Uuwi na talaga kayong dalawa?" Si Chelsie, malungkot na nakatingin sa amin.

"Tumawag na ako ng taxi para sa inyo. Umuwi na din kayong tatlo." si Kent.

"Aba! Teka lang, Kent. Nagsasaya kaming lima dito tapos bigla kayong dumating, kukunin niyo pa 'yong dalawa?"

"Next time, kung may balak kayong uminom magsabi kayo samin. Pwede niyong gamitin ang pub ni Miles nang kayo lang." naiinis na sabi ni Kent.

Nakita ko ang gulat ng mga kaibigan ko. Nawala ang pagkainis sa kanilang mga mukha nang marinig ang sinabi ng lalaki.

"For free?"

"Free."

"Totoo?!"

Hinawakan ni Taki ang braso ko. Kinuha niya din ang boteng hawak ko at siya na ang nagdala. Dumaan ako sa harapan niya para makalabas sa nakaharang na table sa gitna.

If The Shoe Fits (Coquette Boys Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora