KABANATA 14

3.8K 218 93
                                    

Kabanata 14

Caught

"Hindi ko alam. Pakiramdam ko may sumusunod sakin."

Umupo si Zeno sa tabi ni Reign nang nakakunot ang noo at inaayos ang lace ng sapatos niya. Nasa tabi niya ang binaba niyang duffel bag.

"Baka isa sa mga babae mo, pre. Sino na naman ba ang niloko mo?" sabat naman ng katabi niya.

Umangat ang tingin ko kay Taki nang tumabi siya sakin at inabot ang hawak niyang banana milk at eggnog cookies. Nakangiwi kong tinanggap iyon. Palagi niya na 'tong binibigay sakin.

Hindi naman porket kumakain ako ng saging tsaka nakikita niyang itlog ang almusal ko, maliban sa ibinigay niyang biscuits palagi siyang may baon na ganito.

"I don't know. Baka nga din guni-guni ko lang." aniya bago bumuntong-hininga.

Binuksan ko ang bigay sakin ni Taki at kinain iyon. Nandito kami sa gym ng school, last practice na nila bago ang papalapit nilang game. Halos hindi na nga sila naglalaro dahil sa ayos naman na daw ang lahat.

"Kailan pa ba 'yan?"

"No'ng birthday party pa ng kapatid ni Sofia." sagot ni Zeno.

"Tagal na ah. Gusto mo bang samahan na muna kita sa condo mo--"

"Ulol. At ano? Ubos lagi pagkain ko sa ref? Manahimik ka nga, Leigh."

Kasama ni Kent na dumating si Destin. Tumaas ang kilay ko nang makita siyang nasa likod ni Kent. Ang liit niyang tingnan sa tabi nito. Sinalubong siya nila Chelsie nang makalapit sila.

Ngumiti ako at akmang tatayo para puntahan sila ng hawakan ni Taki ang braso ko. Hinila niya ako pabalik sa pagkakaupo.

"Ubusin mo muna."

"Uubusin ko naman talaga. Punta lang ako sa kanila." ininguso ko ang mga kaibigan kong nasa itaas.

Sinulyapan niya ang mga iyon. He sighed and nodded his head. "Okay."

Mabilis kong binawi ang braso ko sa kaniya at lumapit sa mga kaibigan ko. Pagkatapos kong basahin ang pinahiram na libro ni Destin sakin, halos hindi ako makatulog sa gabi. Hindi ko na kailangan ng kung anong kompirmasyon... talagang gusto ko si Taki.

Hindi nakatulong sakin ang libro. Pakiramdam ko hindi ko dapat nakita ang mga iyon lalo pa't kasama ko si Taki sa iisang bahay. Bukas naman ang isip ko sa mga ganon pero... pero kasi...

"Namumula ka, Arlo." puna sakin ni Danica.

"Mainit kasi." tiningnan ko si Destin na nakangiti sakin.

Madami ang nagsasabi sakin na soft features daw ako. Pero napaka-amo tingnan ng mukha ni Destin, dagdag pa na sobrang hinhin niyang kumilos. Kaya hindi ko talaga kayang isipin na nagbabasa siya ng ganon.

"Gagawa tayo ng banner? Para sa first game." si Yzza.

Itinuro ako ni Chelsie. "Si Arlo magaling mag-calligraphy. Ang linis niyan mag-notes e."

Pinag-usapan namin ang gagawin naming banner. Kahit si Destin nakisali na din. Ako ang magca-calligraphy at aambagan namin ang mga gagamitin. Hindi ko nga lang din alam kung bakit napunta sa amin ni Destin ang mga tanong nila.

Ngumiti ako kay Danica nang pinisil niya ang pisngi ko. "Kaunti nalang talaga, iisipin kong si Taki ang crush mo."

Namilog ang mga mata ko at mabilis na tinabig ang kamay niya. Madaling tanggihan ang sinabi niya pero walang boses na lumabas sa bibig ko. Kahit na anong tanong pa iyan, hinding hindi ko isasambit ang pangalan ni Taki.

If The Shoe Fits (Coquette Boys Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang