CHAPTER 25

1.1K 20 22
                                    

[25]
Warning: Contains mature scenes and effects! 🔞

Megan Irine's Point of View

"HELLO MEGAN. A-Anak, ikaw bayan?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig kong muli ang boses ni Inay sa kabilang linya. Nanlalambot ang buong katawan ko dahil sa mahabang panahon na nawala siya ay maririnig ko ang boses niya.

"I-Inay?" nakagat ko ang ibang labi upang pigilan ang pag-iyak. Sobrang na miss ko ang ganiyong pagtawag niya sa akin ng anak.

Hindi ko akalaing nagsasabi ng totoo si Pearl. Paano niyang nalaman kung na-saan si Inay? Pinaglalaruan niya talaga ako.

"Anak, okay lang ba kayo ni Melissa? Pasensya na't hi—"

Biglang naputol ang linya niyon. Panigurado akong sinadya ni Pearl na patayin ang tawag. Halos ilang mura ata ang nasabi ko sa aking isipan habang nakatitig lang sa aking cellphone.

Bakit ba sila magkasama?

Nagyukom ang dalawa kong palad. Panigurado akong nagdiriwang iyon sa pakikipaglaro sa akin.

Maya-maya pa ay muling nag vibrate ang cellphone ko. Gaya ng inaasahan ko si Pearl ang nagmessage.

Pearl Santiago
+639783992653
Magkita tayo sa Intramuros sa lunes ng hapon. :) see you, bitch. Your mom wants to see you!

"Tangina!"

Napamura ako nang malakas dahil sa inis. Talagang nakikipaglaro sa akin 'tong babaeng 'to.

"Love, okay ka lang ba?"

Natigilan ako sa pag-iisip nang kung anu-ano nang biglang magsalita ai Kendrick. Kasalukuyan kasi kaming nasa salas ngayon nanonood ng TV. Isang araw na rin ang nakalipas simula makausap ko si Inay. Hindi pa rin ako mapakali. Ginagambala pa rin ako ng mga salita sa isip ko kung paano nangyareng magkakilala sila ni Pearl at bakit magkasama sila? Ano bang meron?!

"Love..." muling pagtawag ni Kendrick.

Nilingon ko siya. Kunot noo niyang pinagmasdan ang mukha ko. "Lalim naman ata ng iniisip mo? Okay ka lang ba?" halata sa boses niya ang pag-aalala. Pilit akong ngumiti sa kaniya at isinandal ang aking ulo sa kaniyang balikat.

"Okay lang ako." pagsisinungaling ko.

"Are you sure?" paninigurado niya. Tumango ako.

Habang nanonood kami ng TV sa sala ay biglang lumapit sa amin si Melissa. Nakangiti ito habang nakatingin sa aming dalawa ni Kendrick. Kung nababasa ko lang ang isip niya panigurado ang daming naglalarong salita doon para asarin ako.

"Ate Megan..." umupo sa tabi ko Melissa. "Ate, may activities kami bukas." pagpapatuloy nito.

Umayos ako ng upo at humarap sa kaniya. "Talaga? Sabado bukas 'di ba?"

"Opo. Pero may program kami, need daw pumunta ng parents..." bumaba ang tono ng pananalita ni Melissa saka ito lumabi.

Natigilan ako mukhang nalungkot siya dahil mukhang miss na niya si Inay at si Itay. Mabilis kong hinawakan ang dalawang kamay ni Melissa at pinisil-pisil iyon.

"'Wag kang mag-alala. Kami ni Kuyang Pogi mo ang pupunta, 'di ba?" mahina kong siniko si Kendrick na abala sa panonood ng TV.

Humarap ito kay Melissa at ngumiti. "Yes, we will."

The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️Where stories live. Discover now