CHAPTER 34

336 8 43
                                    

[34]
Megan Irine's Point of View

HINDI KO alam kung paano ko aayusin iyong itsura ko kinabukasan. Hindi ko alam kung nasaan ako pero dumeretso ako sa banyo. Tinagalan ko ang pagligo saka paulit-ulit na kinukusot ang aking mga mata na mugtong-mugtong sa pag-iyak buong magdamag. Halos wala akong tulog dahil hindi mawala sa isip ko mga nasaksihan ko.

Paglabas ko ng banyo at tanging roba lang iyong suot ko.

Napatalon ako sa gulat dahil saktong paglabas ko ng banyo ay bumulaga sa akin si Melissa. Nakaupo ito sa kama ko habang nakatingin sa akin.

"Ate Megan." pagtawag niya sa akin. Iyon palang ang lumalabas sa bibig niya ay halos humagulhol nanaman ako sa iyak.

"Anong nangyare, Ate?" mabilis na tumayo si Melissa sa kinauupuan niya. Lumapit ito sa akin at sinalubong ako ng yakap.

"Melissa, ang sakit! Ang sakit nang nararamdaman ko." humigpit ang yakap ko sa kapatid ko.

"Shhh." hinaplos-haplos niya ang likod ko. "Ramdam ko 'yong sakit na nararamdaman mo, Ate. Pero magbihis kana muna, maghahanap sayo sa labas."

Agad akong kumawala sa yakap ni Melissa. "Sino? Kung si Kendrick lang naman pakisabi ayaw ko siyang makausap."

"Ate, listen." hinawakan niya 'yong makabilang balikat ko. "Gusto ka niyang makausap."

Hindi na ako sumagot. Tuluyan nang lumabas si Melissa nang kwarto ko. Nagbihis lang ako ng itim na bistida saka naglagay ng concealer sa mata para kahit papaano ay matakpan iyong namamaga kong mata.

Pagbukas ko nang pintuan, bumungad agad si Kendrick sa akin na nakatayo sa labas ng kwarto ko. Awtomatiko akong nagbaba ng tingin ng bigla niyang sambitin ang pangalan ko.

"Megan," bulong niya.

"Kendrick..." kibit balikat na pagtawag ko sa kaniya.

"Can I come in?" tanong niya.

Hindi ako sumagot. Napabuntong-hininga muna ako bago humakbang papalabas ng kwarto at nilagpasan ito. Dumeretso ako sa sala upang doon kami mag-usap at hindi sa kwarto ko. Ramdam ko ang paningin niyang nakasunod lang sa akin pero hindi ko siya nililingon, maging ang tignan siya ay hindi ko din magawa.

"Maupo ka." alok ko sa kaniya.

Tahimik ang paligid. Mukhang walang tao dito sa bahay. Mukhang bigyan nila kami ng privacy na mag-usap.

"Megan, I'm sorry." iyon agad ang sinabi niya nang makaupo ito. Hahawakan niya sana ang kamay ko nakapatong sa aking hita pero maagap ko iyong iniwas sa kaniya.

"Sorry for what, Kendrick?" walang gana kong tanong sa kaniya.

"About last night, pinaghintay kita."

"Pinaghintay?" nagtiim ang bagang ko.

Akala niya ata hindi ko nakita iyong ginagawa nila Pearl sa office niya. E, sa sobrang lasing niya nga mukhang nakalimutan na niyang magbabaeng pinangakuan niya na may surpresa siya. Sa bagay, surpresa naman talaga. Halos mamatay ako kakaiyak kakaisip buong gabi.

"How was the kiss of Pearl?" pandederetso ko sa kaniya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya pero hindi ko sinalubong ang mata niya. "Masarap ba? Masarap bang malasing kasama 'yong babaeng akala ay hindi mo gusto!"

Nakita ko na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya pero hindi ako nagpatinag. "Ano masayang ka ba na pinaghintay mo ako sa wala, Kendrick?! Buong akala ko kaya ka hindi tumawag o nagmessage lang man dahil busy ka sa meeting, pero utang na loob naman Kendrick, hindi ka pala sa meeting busy kung hindi sa pakikipaglampungan sa iba!" mabilis akong tumayo at dinampian ng malakas na sampal ang pisngi niya.

The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️Where stories live. Discover now