CHAPTER 33

494 10 39
                                    

[33]
Megan Irine's Point of View

TULALA AKO sa kawalan habang naghihintay ng oras. Hindi pa rin mawala sa isip 'yong singsing na nakita ko sa drawer ni Kendrick. Hindi ko lubos akalain na nagpaplano na talaga siyang mag-propose? Kaya ba palagi siyang busy sa phone sa tuwing magkasama kami o baka naman ireregalo niya lang 'yon kay Tita Maureen?

Halos sabunutan ko ang sarili sa kung anu-anong espekulasyon ang pumapasok sa utak ko.

Natigilan lang ako at mabilis na napatayo nang biglang bumukas iyong pintuan. Niluwa niyon sina Pearl at Kendrick na halos hindi na magkahiwalay sa sobrang lapit ng katawan nila sa isa't isa.

Napansin kong nagulat si Pearl nang makita akong nakatayo sa tapat na direksyon nila. Hahawakan pa sana nito sa braso si Kendrick nang bigla nalang humakbang ito papalapit sa akin.

"Hi, love! Napaghintay ba kita ng matagal?" bigla niya akong sinalubong ng halik sa sentido pero nanatili ang paningin ko kay Pearl na kasalukuyang nakacrossed-arm habang matalim ang mga tingin sa akin.

"Anyways, Kendrick. After lunch, may meeting tayo with Mr. Casino." aniya saka naglakad papalapit sa amin ni Kendrick. Bumaling siya ng tingin sa akin saka peke itong ngumiti.

Nilingon ko si Kendrick pero imbis na makaramdam na hindi ako komportable na nandito itong impakta na ito ay ngumiti ito sa akin.

"Hi, Megan!" bati niya sa akin saka ito nagbeso sa pisngi ko. Natulala ako sa ginawa niya. Gusto ko siyang itulak papalayo sa mukha ko dahil umiinit ang dugo ko sa isang 'to!

Sandaling namuo ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Inalalayan akong umupo ni Kendrick samantalang si Pearl naman ay nanatiling nakatayo sa harap namin.

"Ako ba, Kendrick hindi mo ko aalalayang umupo?" sarkastiko ang tono ng pananalita niya habang nakatingin sa akin.

Nilingon siya ni Kendrick. "You can sit wherever you want, Pearl." ngumiti ito sa kaniya.

Napaikot ang mata ni Pearl dahil mukhang napahiya siya. "Okay fine, mukhang naagaw na ng girlfriend mo 'yong atensyon mo na nasa akin lang kanina."

"What?" agap nito.

"Just kidding. Enjoy your lunch, I'll go ahead. See you later, Ken." ngumiti ito kay Kednrick bago bumaling ng tingin sa akin. "See you around, step-sister."

Natulala ako sa huling sinabi ni Pearl bago niya kami tuluyang iwanan dito sa loob ng opisina ni Kendrick.

Bumalik lang ako sa wisyo nang marinig ko ang buntong-hininga ni Kendrick kaya napapihit ako ng tingin dito.

"She's damn crazy." iling-iling na sabi nito. Humarap siya sa akin at ngumiti. "Saan mo gustong kumain?"

Hindi ako sumagot. Sinamaan ko siya ng mukha kaya iyong ngiti sa labi niya ay unti-unting nawala.

"What's with that look?" ngumuso siya.

"Ikaw! What are you doing habang kasama mo 'yong Pearl na 'yon?" hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Ngumiwi siya. "What?"

"What? Really, Kendrick?!" tumayo ako sa harapan niya saka tinaasan siya ng kilay. "Buong akala ko iritado ka sa babaeng 'yon pero ano 'yong nakikita ko? Mukhang iba sa inaakala ko."

Tiim-bagang niya kong tinignan. Mukhang naguguluhan siya sa mga sinasabi ko. "Love, what are you talking about? Where doing a business meeting. Pasensya kung hindi ko nasabi sayong isa sa business partner ko si Pearl." tumayo siya saka niya hinawakan ang magkabilang braso ko na ngayon ay nakacrossed-arm na.

Nagbaba ako ng tingin. Bigla tuloy ako nakaramdam ng hiya pero kahit gano'n sana naman binigyan niya ng limit 'yong babaeng 'yon dahil may girlfriend na siya.

The Distance Between Us: (Love Duology #2) ✔️Where stories live. Discover now