CHAPTER 16

307 13 0
                                    

Maku Pov
Agad kaming lumabas ni Mira sa pinagtataguan namin at lumapit kay panginoong Sairus. Ang akala ko ay namatay na lahat ng mga bandido pero may isa pa palang natitirang nabuhay.
“Kung gano’n i-ikaw nga ang a-anak ng dakilang puting lobo.” Nahihirapang wika ng natitirang bandido.
“Sinabi ko naman kasi sa inyo eh. Ayaw n’yo pang maniwala.” Saad ko dito.
Hanggang sa nawalan na ito ng buhay.
“Tayo na.” Wika ni panginoong Sairus. Naglakad na kami pero nilingon ko si Mira dahil hindi siya sumunod.
“Mira, tayo na.” Pagtawag ko dito pero umiling lang siya. Ano bang problema nito?
“Panginoong Sairus. G-gusto kong tulungan mo ang mga ka-nayon ko na bihag pa ng mga kasama ng mga bandidong ito.”
Inuutusan ba niya si panginoong Sairus?
“Mira. Bakit mo inuutusan si panginoong Sairus? Isa na yang hindi pagrespeto sa kanya.” Saad ko dito.
“Pakiusap panginoong Sairus. Iligtas mo ang mga ka-nayon kong natitira pa sa kamay ng mga kasama ng mga bandido.” Natigilan ako ng makita kong umiiyak ito. “Pakiusap panginoong Sairus.” Mahinang saad na nito.
Mira, pinapaiyak mo naman ako eh. Pero hindi kailanman tumutulong si panginoong Sairus sa mga tao.
Seryosong lumapit si panginoong Sairus sa kanya.
“Isang pakiusap mula sa aking mapapangasawa. Sino nga ba ako para tumanggi.”
Nagulat ako sa sinabi ni panginoong Sairus. Seryoso ba ito? Tutulungan talaga niya si Mira. Kung gano’n ito ang kauna-unahang tutulong siya sa isang tao.
Napapunas ako ng luha ko.
Binabati kita Mira. Medyo napaamo mo si panginoong Sairus.

Mira Pov
Masaya ako sa sinabi ni panginoong Sairus. Tutulungan niya ang mga ka-nayon ko. Sa wakas makikita ko na rin ang aking nakakatandang kapatid na binihag ng mga bandido.
Napapikit ako ng may malakas na hangin at pagmulat ko uli ay bumungad na sa aking harapan ang isang napakalaking puting lobo.
“AHHHH!!” sigaw ko dahil sa takot at dali-daling nagtago. Teka nasaan na si panginoong Sairus?
“Mira, bakit ka ba nagtatago? Siya si panginoong Sairus. Yan ang kanyang anyong-lobo!” saad sa akin ni master Maku.
Anyong-lobo? Kung gano’n yan talaga ang anyo nila?
Kahit nanginginig ay lumabas ako sa pinagtataguan ko.
“Nais ni panginoong Sairus na sumakay tayo sa likod niya. Kaya halika na.”
Nauna ng pumunta si mater Maku sa likod ng malaking puting lobo. Bumuntong hininga muna ako bago ako sumunod sa kanya.
“Mira. Magiging mabilis ang takbo ni panginoong Sairus kaya dapat kumapit ng mahigpit.”
Tumango ako kay master Maku saka kumapit ng mahigpit sa balahibo. Nagsimula na ngang tumakbo si panginoong Sairus. Katulad nga ng sinabi ni master Maku ay napakabilis ng takbo ni panginoong Sairus.
Hanggang sa wakas ay tumigil din ang pagtakbo ni panginoong Sairus kaya umalis na kami ni master Maku sa pagkakasakay sa kanya. Pagkababa namin ay nag-anyong tao na ulit ito.
Mula sa di kalayuan ay nakita ko ang mga bandido na pilit na pinagtatrabaho ng mabibigat na trabaho ang mga ka-nayon ko. Alam kong mga ka-nayon ko sila dahil nakikilala ko pa sila. Hanggang sa mahagip ko din ang nakakatanda kong kapatid na nagbubuhat ng mga mabibigat na bato.
Kuya Hayko.
“Panginoong Sairus, may tiwala ako sayo. Bahala ka na kung ano ang gagawin mo sa mga bandido, basta’t huwag mo lang idamay ang mga ka-nayon ko.” Pakiusap ko kay panginoong Sairus.
Hindi na siya tumugon pero naglakad na siya papunta sa mga bandido na nagpapahirap sa mga ka-nayon ko. Salamat panginoong Sairus.

Sairus Pov
Hindi ako kailanman tumutulong sa mga tao pero dahil sa pakiusap ng taong aking mapapangasawa gagawin ko. Kahit may paglabag sa aking kalooban. Tss.
“Sino ka! At bakit ka nandito?” papalapit palang ako ng mapansin na ako ng ilang mga bandido. Isa lamang silang tao kaya mapapadali ang gawain kong ito.
“Ako si Sairus, ang dakilang puting lobo. Dahil sa pakiusap ng aking mapapangasawa inuutusan ko kayong pakawalan ang mga bihag ninyo kung gusto pa ninyong mabuhay.” Malamig na saad ko.
Natigilan ang mga bandido, pero kalaunan ay bigla silang tumawa.
“Nahihibang ka na ba. Ikaw ang dakilang puting lobo? Pero matagal ng patay ito sa pakikipaglaban sa mga uso.”
“Bakit hindi nalang tumulong dito sa mga bihag at gawin ka na rin naming bihag.”
Mas lalo akong sumeryoso. Mga m@ngm@ng!
Itinaas ko ang kamay ko at pinalabas ko ang nagliliwanag kong latigo at pinatamaan ang leeg ng isa sa mga bandido kasunod no’n ang pagkahulog ng ulo nito sa lupa. Natigilan at nagulat ang lahat.
“I-isa kang halimaw! Maghanda na kayo sa pag-atake mga kasama.”
Nagsi-atake na silang lahat sa akin pero pinaglalatigo ko lang sila. Ang latigo na ito ay sapat na para pumutol ng isang malaking puno.
“A-ang lakas niya. Umatras na tayo.” Natatakot na saad ng iba pa. Ganyan nga, matakot kayo sa nag-iisang dakilang puting lobo.
Nagsitakbo na ang mga natitira pang mga bandido. Halos hindi naman maka-galaw ang mga bihag dahil sa gulat. Ang iba pa ay natatakot na sa akin.
“KUYA HAYKO!!” mabilis na lumapit si Mira sa isa sa mga bihag.
“M-Mira? Buhay ka?” gulat na saad ng isang batang lalaki.
“Oo kuya. Nakatakas ako sa mga bandido noong araw na lumusob sila sa ating nayon. At ngayon salamat kay panginoong Sairus nakalaya na kayo mula sa pagkabihag.”
Tumalikod na ako sa kanila. Tapos ko na rin namang iligtas ang mga ka-nayon ni Mira kaya mas mabuting umalis na kami.
“Mira. Tayo na.” Seryosong saad ko dito.
“Sandali lang panginoong Sairus.” Saad nito sa akin. “Paalam na Kuya. Nawa’y magpakabait ka at magsimula ng bagong buhay.”
“Teka Mira, huwag mong sabihing sasama ka sa halimaw na yan! Papaano nalang kung may gawin siyang masama sayo.” Saad ng nakakatandang kapatid ni Mira na sumang-ayon naman ang iba.
Napairap nalang ako sa hangin.
Pinalaya ko na nga sila sa pagkabihag tapos tingin pa nila sa akin halimaw.
“MGA TAO. MANAHIMIK KAYO. MGA WALA KAYONG UTANG NA LOOB KAY PANGINOONG SAIRUS. KAYO NA NGA ANG NILIGTAS MULA SA MGA PAGKAKAALIPIN SA INYO NG MGA BANDIDO GANYAN PA KAYO MAGSALITA TUNGKOL SA KANYA. KUNG PUWEDE LANG SA ISANG IGLAP PUWEDE RIN NIYA KAYONG PAT@Y!N PERO HINDI NIYA GINAWA DAHIL SA PAGRESPETO NIYA KAY MIRA!” saad sa kanila ni Maku.
“Tama si master Maku, kuya. Saka wala kang puwedeng ipag-alala dahil walang gagawing masama sa akin si panginoong Sairus dahil sa pagdating ko sa tamang edad ay magiging asawa ko na siya.” Paliwanag ni Mira.
“ANO?! MAGIGING ASAWA KA NG ISANG HALIMAW!!”

Future Bride of a Great White WolfWhere stories live. Discover now