CHAPTER 35

160 4 0
                                    

Mabilis na sinangga ni Hiro ang espadang shadowbane gamit ang stormcleaver.
Naging pagkakataon naman ito ni Sairus para atakihin ang naging higanteng anino na si Bary gamit ang kanyang espada hindi nagin epekto iyon dahil tumagos lang lang espadang ito sa katawan ni Bary. Kasunod no’n ay nagtago ulit ito sa dilim nagpainis kay Hiro.
“Hoy!! Duw@g ka palang uso ka eh. Bakit ka nagtatago sa dilim.” Naiinis na wika ni Hiro.
“Ngayon, damhin ninyo kung gaano kalakas ang espada ng inyong ama. Hahaha” malademony*ng pagsasalita ni Bary mula sa mga dilim.
Agad na itinutok ni Hiro ang stormcleaver sa isang madilim na parte ng lugar at naglabas ng kidlat mula dito para mailawan ito pero walang aninong anyong Bary silang nakita doon.
Bagkus ay bigla itong nagpakita likuran nila. Agad naman iyon napansin ni Sairus kaya mabilis niyang itinulak si Hiro ng itatama na sana ni Bary ang shadowbane kay Hiro. Sinangga niya ito gamit ang kanyang espada.
“Hahaha. Ang mapagmahal na kapatid. Hindi man lang niya hinahayaang masaktan ang kanyang kaisa-isa niyang kapatid. Nagtataka tuloy ako kung bakit ayaw mong dumapo man lang itong shadowbane sa kanya.” Panunuya ni Bary kay Sairus na ikinaseryoso nito.
“Ahh!!” malakas na pagkakasabi nu Hiro saka din nito sinugod si Bary gamit ang stormcleaver pero kaagad uli itong nagtago sa dilim bago pa siya matamaan ng atake ng stormcleaver.
“Grrr” gigil na saad ni Hiro.
Seryoso lang naman si Sairus habang dinaramdam ang presensiya ni Bary pero hindi niya maramdaman. Ngayon alam na din niya kung bakit hindi niya naramdaman ang presensiya ng mga uso noong una palang, dahil sa tulong ng shadowbane.
Bigla ay nagpakita ang aninong si Bary sa harapan ni Sairus na hindi nito inaasahan. Kaagad nitong sinaks@k si Sairus ng shadowbane.
“Sairus!!” saad ni Hiro ng mamalayang nasas@k na pala si Sairus.
Kaagad itong nagpakawala ng kidlat sa stormcleaver sa aninong si Bary. Pero walang naging epekto iyon na mas lalong nagpagalit kay Hiro.
Marahas na binunot ni Bary ang shadowbane sa pagkakatar@k kay Sairus saka agad na nagtago sa dilim.
Napaluhod naman si Sairus dahil sa pinsalang natamo niya. Ramdam niya ang panghihina dahil parang hinigop na ng shadowbane ang lakas niya. Hindi rin kasi basta-basta ang pagsugat ng shadowbane kumpara sa mga ordinaryong espada lang.
Hindi maiwasang mag-alala ni Hiro kay Sairus pero dahil hindi niya ugali ang magpakita ng emosyon kay Sairus ay itinago niya ito.
“Tsk, yan kasi. Masyado kang pakialamero.” Wika ni Hiro, pero sa loob niya ay nag-aalala siya.
“Tamaan mo ang shadowbane.” mahinang saad ni Sairus.
“Tsk. Hindi ako sumusunod sa utos mo.” Mapagmataas na wika ni Hiro.

“Hahahaha” pagtawa ni Bary mula sa paligid. “Nakakatawa kayong magkapatid. Ang isa masyadong nagpapahalaga sa isa pero ang isa naman walang pakialam sa isa.”
“Tumahimik ka!! Hindi ko kailangan ng opinyon mo!!”
Sa inis ay itinar@k ni Hiro ang stormcleaver sa lupain kasunod ang pagkakaroon ng kidlat sa paligid na nagbigay ng malakasang liwanag para makita niya si Bary na hindi naka-anyong anino kundi naka-anyong tao na.
Napangisi si Hiro ng makita si Bary.
Sa kombinasyon ng bilis ng kidlat at sa bilis din ng isang lobo, kaagad niyang binunot ang stormcleaver na nagkaroon ng malakas na aura ng kidlat  at sumugod kay Bary. Pero imbes na si Bary ang tamaan niya ng stormcleaver ay hinampas niya ng kanyang espada ang shadowbane dahilan para tumalsik ito. Sinunod pa rin nito ang sinabi ni Sairus. At kasunod naman no’ng ay pinut¤l nito ang braso ni Bary.
“Ahh!!” pagdaing ni Bary.
“Ngayon, wala na sa kamay mo ang shadowbane. Magpaalam ka na rin sa mundong ito.”
Isang paghampas ng stormcleaver ang ginawa niya kasunod ang paglabas ng mga naglalakasang kidlat patungo kay Bary.
“HINDI!!” saad ni Bary na hindi na makatakas dahil sa bilis ng atake.
Hanggang sa tuluyan na nga itong namat@y.
Ang hindi nila alam ay may pumulot sa shadowbane na pinatalsik ni Hiro. Ang usong si Basil na naghahangad din ng kapangyarihan ng shadowbane.
...
Patuloy na inuubus ng mga puting lobo ang mga kalaban maging sila Kera, Farell at Nicolo.
Habang nakikipaglabanan ay biglang nagising ang dark serpent na hindi pa pala tuluyang namat@y. Agad niyang pinansin ang nakikipaglabang si Nicolo kaya sinugod niya ito.
“NICOLO, DAPA!!” agad na sabi ni Kera ng mapansin ang malaking ahas na pasugod kay Nicolo.

Walang malay si Nicolo sa sinabi ni Kera pero kaagad pa rin siyang dumapa. Pumana naman si Kera sa dark serpent at kalaunan ay namat@y ito at naglaho dahil sa liwanag sa palaso.

Naubos na rin ang mga kalabang anino at mga itim na nilalang. Pagkamat@y nila ay kaagad din silang naglaho. Natapos na ang laban pero hindi pa tapos ang laban nila Hiro at Sairus.
...
Napansin ni Sairus ang pagsugod ni Basil kay Hiro gamit ang shadowbane. Kahit may iniindang sugat dahil sa shadowbane ay kaagad niyang hinarang ang sarili at naglabas ng enerhiyang talim galing sa kuko nito. Pero hindi iyon sapat sa usong si Basil. Naiwan niya din kasi ang lion’s fang sword kaya madalian niyang inilabas ang all souls na espada at sinangga ang shadowbane na itatama na sana ni Basil kay Hiro.

Agad namang napalingon si Hiro dahil sa narinig niyang pagkiskisan ng dalawang espada.

“May natitira pa palang uso.” Wika ni Hiro. Agad niyang inihanda ang kanyang sarili para umatake din kay Basil.

Napalunod muli si Sairus ng maramdaman ang pagsakit ng kanyang sugat. Samantala dahil sa walang kasanayan si Basil sa shadowbane ay napadali lang siyang itinulak ni Hiro gamit ang stormcleaver hanggang sa napadikit ang likod ni Basil sa pader.

“Hahhh!!” naging maagap si Hiro. Isinaks@k nito ang stormcleaver kay Basil na may kasamang kidlat kaya napadali ang pagkamatay nito. Pero may hindi siya inaasahan.

Nagulat si Sairus ng makitang nakas@ks@k kay Hiro ang shadowbane. Nagsisimula ng mamula ang mga mata ni Hiro na mas lalong ikinabahala ni Sairus.
“Ang t@ng@ mo talaga! Hindi ba’t sinabi ko na sayo na huwag na huwag mong hahayang dumapo sayo ang shadowbane!” galit pero may halong pagkabahala at pag-alalang saad ni Sairus kay Hiro.

“Pasensiya na kung naging pasaway ako.” Pagpapaumanhin ni Hiro. “.. Kuya.” Isang hindi inaasahang saad ni Hiro.
Naantig ang puso ni Sairus, dahil yun uli ang kauna-unahang tinawag siyang ‘Kuya’ ni Hiro.

Future Bride of a Great White WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon