CHAPTER 32

162 4 0
                                    

Hiro Pov
Napamulat ako ng mata at napatingin sa aking espada na parang hindi mapakali sa lalagyan nito.
Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at inilabas ang stormcleaver sa lalagyan nito. Dito ay ipinakita nito ang isang higanteng anino na nagmumula sa hardin ng kahariang ito. Hindi maaari, may kalaban dito.
“HIRO!!”
Parang mas mabilis pa sa hangin ang ginawa kong pagkilos patungo sa hardin at naabutan ko din si Sairus na papunta doon.
Hanggang sa nakita namin sina Kera at Mira na bitbit ng higanteng anino.
“KERA!!” sumugod ako sa anino pero bigla na itong naglaho sa dilim dala sina Kera at Mira.
“KERA!!” sigaw ko uli pero talagang natangay na sila ng higanteng anino.
Galit akong napatingin kay Sairus.
“Bakit wala ka man lang ginawa!!” galit na saad ko dito dahil tumayo lang siya noong natangay na sila Kera at Mira.
“Kapangyarihan iyon ng shadowbane.” Saad niya imbes na makipagtalo sa akin. Tsk, hindi nga pala siya nakikipagtalo sa akin.
“Sabihan mo ang dalawa mong kasama at alamin mo din ang kinaroroonan ng mga uso. Tiyak doon sila dadalhin ng higanteng anino.” Utos niya sa akin.
“Sino ka para sundin ko?”
Pero isang napakatalim na tingin lang ibinaling nito sa akin bago umalis.
Pss.

Mira Pov
Pareho kaming napadaing ni Kera ng marahas kaming bitawan ng higanteng anino.
“Dahan-dahan naman!!” inis na wika nii Kera sa higanteng anino.
Tumingin ako sa paligid. May kadiliman ang kuwarto at napansin ko ang apat na tao na nakatingin sa amin ni Kera.
“Sino sa dalawang yan ang babae ni Sairus?” tanong ng isang babae.
Nakita kong itinuro ako ng higanteng anino.
Napangisi ang babaeng nagtanong saka lumapit sa akin saka hinawakan nito ang mukha ko.
“Napakagandang babae. Pero nakakaawa lang dahil mamamatay ka din mamaya sa harap ni Sairus.”
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya, pero mabilis kong inalis ang kamay nito sa mukha ko.
“Hindi iyon mangyayari. Positibo akong darating na kaagad si panginoong Sairus para iligtas kami. At kung sino man ang mamamat@y ikaw iyon.” matapang na saad ko.
Pero isang malakas na samp@l ang natamo ko sa kanya.
“HOY. WALA KANG KARAPATANG S@MPAL!N SIYA.” Galit na wika ni Kera sa babaeng sumamp@l sa akin. Susugurin na sana niya ang babae pero may mga aninong humawak sa kanya.
“At sino ka naman? Kaano-ano ka ni Sairus?” tanong ng babae kay Kera.
“Ako lang naman ang mapapangasawa ng nakakabatang kapatid ni Sairus na si Hiro.”
“Hahaha” pagtawa ng babae. “Ang mahinang anak ng dakilang puting lobo. Hindi ba’t muntikan na naming napat@y iyon kung hindi lang dahil kay Sairus.”
Nakatingin lang ako sa kanila habang iniinda pa rin ang sakit ng sampal ng babae. Hinawakan na rin ako ng mga anino.
Isang ngisi ang ipinakita ni Kera sa babae.
“Hindi mo kilala si Hiro. Mahina man siya sa inyong paningin, isa pa rin siyang anak ng dakilang puting lobo kaya huwag ninyong lalaitin ang kakayahan niya dahil higit pa sa inaasahan ninyo ang tunay niyang lakas!” positibong saad ni Kera.

Third Person Pov
Pagkasabi ni Kera ng mga salitang iyon sa babae, ang anyong tao ng usong si Bera ay hindi maiwasang mainis. Isang ,                         malakas na kidlat ang sumulpot galing sa kalangitan dahilan para panandaliang magkaroon ilaw ang kuwartong kinaroroonan nila.
Doon nasilayan nina Kera at Mira ang anyong-uso ng nasa kuwarto pero agad ding naging anyong-tao pagkawala ng kidlat.
Hindi maiwasang magulat ni Mira sa nakita. Sila ang mga usong pumat@y sa kanya.
“Narito na sila.” Wika ni Bary.
Sa kabilang banda, nakarating na sila Hiro, Nicolo at Farell malapit sa tirahan ng mga uso. May sumama ring mga puting lobo na pinamumunuan ni Sairus.
“Ano pa bang hihintay natin. Sumugod na tayo, baka mapano pa si Kera.” Inip na saad ni Hiro.
“Hindi tayo basta-basta puwedeng sumugod nalang.” Saad ni Sairus. “Bakit hindi mo ilabas ang Phoenix sa iyong sandata para malaman makita natin kung gaano karami ang mga kalaban na nakaabang sa atin.”
Nagtaka naman si Hiro. Anong kalaban? Wala naman silang nakikitang kalaban na nakaabang sa kanila. Medyo madilim ang paligid pero kahit papaano ay kita pa rin naman ang paligid.
“Masyadong tu$o ang espadang shadowbane kaya gawin mo na, Hiro.”
Kahit napipilitan ay itinaas ni Hiro ang kanyang espada na nagkakaroon pa ng kidlat na enerhiya. Kasunod nito ay ang paglabas ng isang malaking ibon na isang phoenix na may pinaghalong kidlat at apoy na nakapalibot dito na siyang nagbibigay ng liwanag sa ilang bahagi ng paligid.
Nagsimula na itong lumipad sa paligid sa harapan nila para mailawan ito. Halos malula sila sa dami ng mga nilalang na nakaabang sa kanila. May mga anino, itim na hayop, at mga itim na mandirigma. Magkakaiba din ang laki ng mga ito at mukhang mahihirapan silang kalabanin lahat ng mga iyon.
Hanggang sa lumipad paitaas ang phoenix kasunod ang pagsabog ng liwanag sa buong paligid. Dito ay kitang kita na nila ang buong paligid maging ang mga itim na nilalang na galing sa shadowbane.

Future Bride of a Great White WolfWhere stories live. Discover now