CHAPTER 18

271 8 0
                                    

Hiro Pov
~“Mamayang kabilugan ng buwan pupunta naman tayo sa kanluran para umatake sa mga tao.”
“Uubusin natin ang mga tao. Pagkaubus natin sa kanila isusunod naman nating patayin ang anak ng dakilang puting lobo para tayo na ang maghari sa mundo.”
“Ipaghihigante din natin si ama sa mga puting lobo na yun.”
“Sisigiraduhin nating tayo naman ang mananalo sa labanan, mga kapatid ko.”~
Hanggang sa mawala ang imahe ng mga uso sa stormcleaver.
“Tatlo silang uso at magkakapatid sila. Ayun sa ipinakita ng stormcleaver ay mamayang kabilugan ng buwan ay susugod naman sila sa kanlurang bahagi ng nayon.” Wika ko sa kanila.
“Maraming nayon sa kanlurang bahagi. Paano natin malalaman kung saang bahagi ng kanluran sila aatake?” tanong ni Nicolo.
“Ahh may ideya ako. Teka lang nasa bag ko lang iyon eh.” Saad ni Kera saka pumunta sa bag na pagkalaki laki galing sa hinaharap.
Bukas na sa isip namin na galing si Kera sa hinaharap. Kahit nga anong oras ay puwede din siyang bumalik sa hinaharap pero bumabalik pa din siya dito dahil may responsibilidad siya sa akin at siya lang ang puwedeng makakapigil sa akin dahil sa isang pagsabi lang niya ng ‘dapa’ sa akin talagang mapapadapa na ako. Siya din kasi ang nakapagpalaya sa akin mula sa pagkakaselyado ko ng ilang daang taon. Natatakot ang mga tao baka isang araw ay aatake nanaman ako sa nayon katulad ng ginawa ko ilang daang taon na ang nkakalipas saka sa panahong ito tinagurian na din siyang babaylan dito. Kaya lang naman ako umatake sa nayon na yun ay dahil sa sila ang dahilan ng pagkamatay ni ina dahil sa nakipagrelasyon nito sa isang puting lobo na tingin ng mga tao ay isang hal!maw. Ang mas masaklap pa ay ang nagselyado sa akin ay ang babaeng naging mahalaga sa buhay ko na ding babaylan.
Dahil sa ilang daang taon na rin akong naging selyado marami na rin ang nagbago. Patay na rin ang babaeng nagselyado sa akin.
“Ito, ang handheld radio.” ibinigay ni Kera ang kakaibang bagay sa amin.
Inabot ko naman ang kakaibang bagay na tinatawag niyang hadheld radio.
“Kakaibang bagay. Paano naman ito gamitin?” tanong ni Nicolo.
“Ganito lang yan. Para gumana siya pindutin n’yo lang ito.” Itinuro naman niya ang isang pindutan. Pinindot niya ito at namangha kami dahil umilaw ito. “Pagkabukas naman nitong handheld radio, dapat pindutin naman ninyo ito at puwede n’yo ng sabihin ang kung ano ang sasabihin ninyo. Parang ganito lang yan.” Pinindot naman niya ang handheld radio na hawak ko. Lumayo ito ng ilang kilometro sa amin. Inilapit nito ang kanyang bibig sa handheld radio. “Hi Hiro.”
Nagulat ako ng may marinig akong boses sa handheld radio na bigay sa akin ni Kera dahilan para mabitawan ko ito. Mabilis kong inilabas ang espada ko saka ko itinutok sa handheldradio.
Ano yun? Pero boses ni Kera ang lumabas doon.
“Hayst Hiro. Ano ka ba naman. Ba’t mo binitawan ang radio. Baka masira.” Sambit niya at lumapit sa gawi ko para pulutin ang handheld radio. Pero isinunod ko pa rin ang pagtutok ko ng espada sa handheld radio. May kakaiba akong nararamdaman sa bagay na yon.
“Hiro. Ibaba mo na nga yan! Ipinakita ko sa inyo kung paano gamitin itong handheld radio.” Kunot noong saad niya sa akin. Ahh. Gano’n ba?
“Tsk. Okay.” Sambit ko nalang.
“So ano. Nicolo, Farell, alam na ba ninyo kung papaano gamitin ang handheld radio?” tanong nito sa dalawa.
“Oo, Kera nakuha namin. Madali lang pala siyang gamitin.” Saad ni Farell.
Hanggang sa nagplano na kami kung ano ang gagawin namin.

Sairus Pov
“Sairus.”
Ama?
Inamoy ko ang buong paligid para amoyin kung nasaan si ama. Narito ako ngayon sa isang maulap na lugar.
Tss. Paano naman ako napunta dito?
“Sairus.” Pagtawag ulit sa akin ni ama. Nagsimula akong maglakad ng maamoy ko kung nasaan na siya. Hanggang sa nakita ko na siya.
“Ama. Pat@y na kayo diba. Ano ba’t naririto kayo sa mundo ng mga buhay?
“Aking panganay na anak. Hindi na talaga uso sayo ang batiin ang iyong ama? Pero, ayos lang. Hindi rin naman yan ang dahilan kung bakit nagpakita ako sayo.” Saad niya. “Nagpakita ako sa’yo dahil gusto kong tulungan mo ang iyong kapatid para labanan ang mga uso.”
Deretshahan kong tinignan si ama. Tulungan ang kalahating-tao kong kapatid
“Tss. Hinding-hindi ko gagawin yan.” Malamig na saad ko.
“Alam kong may galit ka pa sa akin, Sairus. Lalo na at kay Hiro ko naibigigay ang makapangyarihang stormcleaver.” Saad niya.
“Bakit nga ba, ama? Bakit sa kalahating tao ko pang kapatid mo ibinigay ang stormcleaver? Ako ang panganay, pumalit sayo bilang dakilang puting lobo pero bakit kay Hiro mo pa ito ibinigay. Bagkus ibinigay mo pa sa akin ang all souls na espada na hindi naman kayang pumat@y kalaban.”
Natanong ko rin ang matagal ko ng tanong sa kanya.
“Yun ay dahil sa malaki ang tiwala ko sayo, Sairus. Hindi ko naman sinasabi na wala akong tiwala kay Hiro pero darating ang araw hindi na niya kayang makontrol ang kanyang dugong lobo na puwedeng sumawi sa napakaraming nilalang sa pamamagitan lang ng kanyang mga lakas na walang tulong ng stormcleaver. At kaya niya ring mawasak sa isang iglap lang ang kaharian sa ating tribo.”
Nagulat ako sa sinabi ni ama. Ang kaharian at ang tribo naming puting lobo ay ang pinakamalakas sa lahat ng mga kaharian at tribo sa mundong ito kaya kahit anong gawin ng iba pang mga taong-hayop ay hindi nila ito kayang mawasak kundi sila pa ang mga nasasawi. Maging ang mga uso ay hindi kayang wasakin ito. Kaya nga pinili nilang maging banta sa mga tao dahil alam nilang malaki ang pagpapahalaga ni ama sa mga tao.
“Para mapigilan ito, kinakailangan kong ipamana sa kapatid mo ang stormcleaver dahil ito lamang ang makaktulong para makontrol niya ang kanyang dugong lobo. At nais ko sanang ikaw ang magdesiplina at magsanay sa kanya sa paggamit ng stormcleaver.”
Ngayon ay naiintindihan ko na. Kaya pala.
“Pero bakit sa akin mo pa ipinamana ang all souls kung puwede namang ang isa mo nalang espada ang ipamana mo.” Tanong ko pa dito.
“Alam mo na ang sagot diyan, Sairus. Isa kang walang pakialam sa mga nabubuhay sa iyong paligid. Ibinibigay ko sayo ang responsibilidad na maipabalik uli ang kaluluwa ng mga namat@y na para magkaroon uli sila ng pagkakataon pang mabuhay sa mundo. At nagawa mo na rin naman ito sa batang babaeng mapapangasawa mo hindi ba?” nakangisi nitong saad.
Pairap akong umiwas ng tingin sa kanya. Tss.
“Saka ang isa kung espada. Hawak iyon ng mga uso. Nais ko sanang sirain mo iyon dahil ang espadang iyon ay banta din sa mundo. Kaya niyang kontrolin ang nilalang na may hawak sa kanya.” Sumeryosong saad nito. “Iyon nalang ang aking sasabihin, Sairus. Paalam.”
Unti-unting naglaho si ama hanggang sa tuluyan na nga itong nawala sa paningin ko.
.
.
.
Nagising ako mula sa pagkakatulog. Panaginip lang pala

Future Bride of a Great White WolfWo Geschichten leben. Entdecke jetzt