CHAPTER 37

155 4 0
                                    

Nicolo Pov
Nagulat kami ni Farell ng makitang nahigop ng enerhiya sina Kera at Sairus. Pero natigilan din kami ng mapatingin sa amin ang mabangis na si Hiro, at maladem¤nyong ngumisi sa amin.
Naku po. Kami pa ata ang pagbubuntungan nito.
Agad kaming naalerto ni Farell ng sumugod sa amin si Hiro.
Bago pa man siya makalapit sa amin ay ibinato ko na sa kanya ang sagradong papel na nakakapagpatigil ng paggalaw ng katawan, kaya hindi na siya tuluyang nakalapit sa amin.
“Hiro. Parang-awa mo na, bumalik ka na sa katinuan mo!!” pakiusap ni Farell sa kanya.
Pero mukhang hindi ito papapigil dahil sa mabangis nitong itsura.
“Hindi siya nagpapapigil.” Saad ko.
“Ano na ang gagawin natin? Hindi na natin alam kung anong enerhiya ang ang humigop kina Kera at Sairus.” alalang tanong ni Farell.
“Palaisipan pa rin sa akin kung ano ang gagawin pero kapag nawala na ang espiritwal na kapangyarihan ng papel paniguradong aatakihin niya ang bawat nilalang na makakasalubong niya.” Wika ko.
“Kung gano’n. Naiisip mo ba ang naiisip ko?”
Napatingin ako kay Farell. Para hindi makapinsala ng ibang nilalang si Hiro kinakailangan naming magsakripisyo.
“Handa akong magbuwis ng buhay para sa kaibigan ko.” Saad niya uli.
Isa talaga siyang totoong kaibigan. Yan ang isa sa nagustuhan ko sa kanya.
“Pangako. Mabubuhay tayo dito.” Wika ko.
Malapit na rin mawalan ang epekto ng papel na nakadikit kay Hiro.
“Pero bago yan.” Isang mabilisang halik sa pisngi ang ginawa ko sa kanya na ikina gulat niya. “Baka sakaling hindi tayo palaring mabuhay sa araw na ito at hindi ko na yan mauulit ka.” Saad ko.
“Tss.. Hindi ko ko sigurado kung mabubuhay pa tayo pero pagpapalarin naman. Pangako, sasagutin na kitang hay¤p ka.”
Halos magpigil ako sa ngiti dahil sa sinabi niya. Sa totoo kahapon lang ako nanligaw sa kanya.
“Sege. Aasahan ko yan.” Wika ko.
Nawalan na ng kapangyarihan ang sagradong papel na nakadikit kay Hiro kaya agad kaming naghanda ni Farell.
“Grrrrr...” mabangis na ungol ni Hiro saka mabilis kaming sinugod. Agad naman akong gumawa ng ritwal at kasunod nito ang pagkakaroon ng enerhiya na tatama kaya Hiro pero nagulat ako ng hinawi lang niya ito. Pasugod uli siya sa akin pero agad na humarang si Farell na ginawang kalasag ang kanyang sandata.
Napaatras si Farell sa lakas ng pag-atake ni Hiro kaya nasalo ko siya. Umatake ulit si Hiro pero sa puntong ito ay nagliwanag ang sandata ni Farell. Gulat kami pareho ng sa pag-atake ulit ni Hiro gamit ang mga kamay nitong may mahahabang kuko ay bigla na lamang siyang tumalsik.
“Farell, ayos ka lang?” tanong ko kay Farell.
“Oo, ayos lang ako.” Sagot niya.
Agad na nakabangon si Hiro mula sa pagkakatalsik. Sumugod ulit siya ng makita niya kami pero agad siyang napatigil at tila may naamoy.
Napalingon pa siya sa pa-kanluran at patalon-talon na nagtungo doon.
“Patungo siya sa kaharian ng mga puting lobo.”
(Yung naamoy ni Hiro ay dugo ni Sairus na tumulo mula sa sugat niya. Kaya ang halimaw na si Hiro sinundan ang amoy na iyong sa pag-aakalang makikita niya doon si Sairus.)

Sairus Pov
Agad kong nabalanse ang aking katawan mula sa pagkakahulog sa lagusan na nagbukas sa di kataasang puno. Napatingin ako sa paligid. Batis kong nasa ibang mundo na ako. Hindi ko rin nagugustuhan ang nakakasulas¤k na naaamoy kong usok mula sa malayo.
“WAAHH!---”
Napatingin ako sa nahulog na si Kera galing sa lagusan.
“Ouch!! Sakit ng balakang ko.” Masama itong napatingin sa akin. “Wala ka man lang bang ka-gente- gentleman sa katawan mo. Bakit di mo man lang ako sinalo.” Saad niya habag patuloy na iniinda ang sakit ng katawan niya.
Inirapan ko siya. Di ko naman siya responsibilidad. Tss.
“Teka, tirahan namin ito ah.” Rinig kong sabi niya. Kung gano’n nagkatotoo nga ang nakita niyang maging hinaharap.
Napatingin ulit ako sa lagusan kung saan kami galing. Unti-unti itong nawala hanggang sa nawala na ito.
Kinakailangan kong bumalik sa panahon ko. Wala pa sa katinuan at kontrol sa sarili si Hiro.
“Kung gano’n nangyari nga yung nakita ko sa palaso.”
“May daanan ka ba papunta sa panahon ko?” tanong ko dito.
“Meron. Halika. Ituturo ko sayo pero may sugat ka pa at malala ito. Makakaya mo pa rin bang kalabanin si Hiro sa ganyang lagay mo?” alalang tanong nito.
“Huwag mo na akong alalahanin. Kinakailangan kong pigilan si Hiro.”
Agad niya itinuro ang sinasabi niyang lagusan papunta sa panahon ko. Pero napasigaw siya sa gulat pagpunta namin sa sinasabi nitong lagusan.
“NASAAN NA YUNG BALON!!!” sigaw niya.
“Anong balon ang iyong pinagsasabi?” tanong ko.
“Yung balon ba madalas kong dinadaanan papunta sa panahon ninyo. W-wala na!”
Sumeryoso ang mukha ko sa sinabi niya.
Hindi maaari.


Future Bride of a Great White WolfHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin