EPISODE 3:Meet the stranger

319 6 0
                                    

Kinaumagahan dumaan ako s clinic para alamin ang kalagayan ng pasyenteng iniwan naming kagabi at para na rin malaman ang kalagayan niya..At napag-alaman ko na kaya pala nawalan siya ng malay kasi wla syang kinain mula pa lunch hanggang kinagabihan at may konting lagnat daw sabi ng nurse na nakausap ko.

"Haizt,mabuti naman kung ganun miss" wika ko..At nagpasalamat na rin...

"Nako 'wag kana magpasalamat kasi trabaho namin yon.Hintayin nalang namin results ng laboratory exams niya at kung wlang ibang komplikasyon pwde na siya mkauwi", tugon naman ng nurse n kausap ko...

Agad n along nagpaalam kasi may pasok pa ako sa school at kanina pa ako tinitext nila ni ly kasi nasa akin mga projects namin...Naiwan kasi nila sa kotse kagabi.

After 30 minutes nakarating naman ako ng s school campus..Nakita ko nman agad sina ly at Bea na nasa lobby at nagkukuwentuhan..

Tinanong nila ako kung ba't natagalan daw ako at sinabi kong dumaan ako saglit s clinic para alamin ang kalagayan ng tinulungan namin kagabi..

Makalipas ang ilang oras natapos din ang mga klase namin at napagkasunduan namin na dumalaw s clinic at para madalhan din ng mkakain yong pasyente..MAsaya kaming nagtungo sa kotse para mkaalis n..dumaan muna kami s drive tru at umorder ng snacks para s amin at para n rin s Kay Michelle.. Bumili na rin kami ng prutas s nadaanan naming fruit stand.

Pagdating s clinic kinausap naming yong nurse at humingi n rin ng permiso na dadalawin LNG naming saglit ang pasyente.Pinayagan n mn niya kami kaya nginitian naming sya at ngpasalamat n rin.

Pagdating namin s pintuan ng private room sya nmang paglabas ng doktor..
Ngumiti sya s amin at sinabing pwde na mkauwi ang pasyente mamaya kapag naubos n ang dextrose nya..Masaya namn kami sa ibinalita nya s amin..Sumilip kami s loob at nakita naming mejo malungkot yong aura ng pasyente..
Nagpaalam n ang doctor kaya kinatok pa namin ang pinto bago tuluyang pumasok...

S simula nag-atubili pa kami kasi pareho kaming nahihiyang lumapit.Buti nlang at malakas ang loob ni ly. Tumikhim muna sya saglit bago nagsalita..

"Hi,kamusta ka na"? wika ni ly..

Lumingon nman si Michelle at tipid na ngumiti s amin..
" Eto mejo mabuti na pakiramdam ko."saad nman ni Michelle..

Ilang segundo ang lumipas at tila wlang nkapagsalita dahil akalain mo b nman makaharap mo ang isang sikat na fashion model...

"Salamat pala at tinulungan nyu ako ha", pagbasag ni Michelle s katahimikan...
Siniko ko nman si Bea kasi nkaawang pa ang bibig nya sigueo nastarstruck ...Napabalik namn sya s katinuan kaya ntawa ako s inasal nya..

"Ahmm, syanga pala ako so Michelle, Mitch for short". Pagpapakilala nya s amin sabay lahad ng palad nya para mkipagshakehands s amin.Agad din nman naming tinanggap at nagpakilala na rin sa kanya..

till I met you(Nagkataon,nagkatagpo]Where stories live. Discover now