Ep54:Homecoming

267 10 0
                                    

Makalipas ang dalawang araw sa hospital nakauwi n rin kami sa bahay...

"Welcome home jema & twins" masayang bati ng parents ko..Si kuya jorenz kasi ang sumundo sa amin para daw makapaghanda ng pagkain si mommy...

"Thanks mom,dad" sabayang wika naming ni jema...

"Maupo kana muna dito baby wifey ha" wika ko sa kanya habang inalalayang mkaupo sa sofa..."Iakyat ko muna mga gamit natin sa kwarto at kukunin ko na rin ang crib ng twins pra di mangalay ang braso mo"dagdag wika ko bago hinalikan sa noo si jema at ang twins...

Pgkababa ko galing sa kwarto namin nadatnan kong masayang nag-uusap sina mom at jema habang karga-karga nila ang twins...Natutuwa rin si dad na nakisabay na rin sa kwentuhan dahil sabado ngayon at wala siyang pasok sa office... Kinuhanan ko muna  sila ng pictures bago ako tuluyang lumapit sa kanila....

Inayos ko n muna ang crib ng twins pra maihiga na sila at pra rin mkakain na kami...

Pagkatapos ay inayos namin ni jema ang twins na parehong tulog...Hinalikan muna namin sila bago kami sumunod kina mom na nasa dining area na..Nagluto si mom ng bulalo at buttered garlic chicken..Nilagyan ko muna ng pagkain ang pinggan ni jema at binigyan din siya ni mom ng isang mangkok ng bulalo para daw maraming gatas kasi nga dalawa ang dumedede sa kanya..

"Thanks po mom" wika niya kay mommy habang nakangiti...

"thank you din Dada sa pag-aalaga sa akin" sabi niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi...

Matapos kaming kumain tumungo kami sa living room pra makapagrelax saglit...

Makalipas ang ilang minuto nag-aya na siyang umakyat na sa kwarto para makatulog...Inihatid KO na muna siya sa kwarto namin bago ko binalikan ang twins namin....May crib na rin sila sa kwarto...

Pagkapasok KO sa room kasama ng twins nadatnan kong tahimik lang si jema habang nakahiga...

"Baby,musta na pakiramdam no may gusto ka bang kainin"untag KO sa kanya...

" Wala my love masaya lang ako kasi buo na ang pamilya natin at wala na akong mahihiling pa"saad naman niya...

Tumabi ako sa pagkahiga sa kanya at tamang-tama namang umiyak si xander...

"Mommy magmilk na ata si baby cancer" wika ko at kinuha sa crib si cancer at inihiga ko sa tabi niya...

Pinabreastfeed naman niya ito at ilang sandali pa nakatulog na ulit si cancer kaya ibinalik ko na siya sa crib...

Walang mapagsidlan ng saya ko sa mga oras na ito...

"Thank you Mommy love for being so brave and for bringing out our twins"wika ko sa kanya at hinagkan ko siya sa boo at niyakap ng mahigpit...

" Ako ang dapat magpasalamat sa'yo hubby Dada sa walang sawang pagmamahal na pinadama mo sa akin simula noong bago pa tayong nagkakilala hanggang sa ngayon at umaasa akong walang magbabago sa atin"madamdamin niyang tugon at hinalikan ako sa labi....

Makalipas ang ilang buwan lumalaki na rin amg twins at paminsan minsan makikita na naming nagrereact na ito kapag kinakausap...

Kung minsan sumasama na rin sila sa pagpasok ko sa office... May room din kasi doon na maari nilang tambayan mag-ina...

Lalong naging masaya ang pamilya namin at nagsusumikap pa akong maigi para sa ipapatayo Kong bahay namin...

till I met you(Nagkataon,nagkatagpo]Where stories live. Discover now