Episode 25

287 10 0
                                    

Habang masaya naming ngkakwentuhan mas lalo akong humanga sa family ni jema...Simple man lng ang pamumuhay nila pero napalaki ng maayos ng mga magulang nila silang magkakapatid...

Sinabihan din nila ako na dito nalang ako mgstay hanggang s susunod n araw kasi mas gusto pa nila akong makilala..

Habang nasa kalagitnaan n kami ng pagkukwentuhan kinuha ni tatay yong whiskey na pasalubong ko sa kanya kanina kasi raw mas masaya ang kuwentuhan kapag may iniinom..Ipinagluto nalang kami ni jema ng kropek para dw may pulutan...

Sumapit na ang hapunan at naging abala nman si mama at jema sa pagluluto,kaming dalawa nlang ni tatay jess ang naiwan sa likod-bahay...

"Nak,sana ipangako mo sa amin na kung maaari wag na wag mong saktan si Jessica" seryosong wika nya sa akin...

"Pangako ko po yon tay na kahit anuman ang mangyari mamahalin at mamahalin ko si jema hanggang sa huling yugto ng aking buhay" mariin kong sambit..

"Salamat anak at pinasaya mo ulit ang aming jemalyn kasi dati halos di namin sya mkausap at parang nawala sa sarili niya at lalo kaming nasasaktan kapag nakikita naming nasasaktan sya kasi wla kaming magawa pra matulungan sya" maluhaluhang turan ni tatay jess...

"Kaya nung time na ipinagpaalam sya s amin ni Mitch na magbabakasyon sa Palawan, pumayag kami kasi naisip naming makakatulong sa paghilom sa mga sugat sa puso niya.At hindi nga kami nagkamali kasi nang makauwi sya galing bakasyon,ibang awra na ang pinakita nya s amin..Bumalik ang dating masayahing jemalyn namin.Utang namin sa iyo ang kung anuman ang nagawa no Kay Jessica" mahabang paliwanag ni tatay...

Inakbayan nya ako sabay sabing"Wag na wag mo sanang pabayaan ang anak namin at sana di ka magbabago"...

Sa huling sinabi ni tatay agad kong tinaas ang kanang kamay ko bago bumitaw ng isang pangako,"Ipinapangako ko po yan sa inyu tay jess na kahit saan man ako dadalhin ng mga paa ko at sa kahit anumang pagsubok ang darating sa amin ni jema,hinding hindi ko po sya bibitawan at ipapangako ko rin sa inyu na ang pagmamahal ko sa kanya ay hanggang sa kabilang buhay ko yong tataglayin at hinding hindi po yon magbabago"...

Lingid sa kaalaman ko naroon n pala si jema at si mama fe para tawagin na kaming mgdinner..Narinig pla nila ang seryosong usapan namin ni tatay jess kaya niyakap ako ni jema habang napahikbi at nakiyakap na rin sa amin ang mga magulang niya....

Pumasok n kami sa loob ng bahay at may napansin akong isang babae na nkaupo n sa dinning table...

"Ate jov,si Ella po pla girlfriend ko"saad ni jema..

" Hello po ma'am magandang gabi sa iyo"wika ko nman...

Ngumiti naman ito "halika maupo ka na kakain na tayo" sabi nman niya..."Madalas ko n marinig yang name mo kasi naman palagi bukambibig nitong kapatid ko"dagdag nyang wika...

Inirapan nman ito ni jema na halatang nahiya kasi nabuko sya ng ate niya...

Pinisil ko ang hita nya at napapitlag nman sya..Buti nlang wlang nkapansin kay ngumiti lng ako sa kanya at ngsmile n rin sya habang nilalagyan ng foods ang plato ko...

Masarap ang naging hapunan namin sa ulam n sinigang na bangus at sinangag na hipon...

Pagkatapos naming kumain tinulongan ko si jema na magligpit sa mga pinagkainan namin...Nagpaalam n si ate jov na papasok n sa room niya kasi gagawa p sya ng lesson plan..Isa syang teacher dito sa Laguna... Si mafe naman sobrang tahimik lang,mahiyain daw kasi ito mana sa kanyang mama at pumasok s rin sa room niya...

Habang sina mama fe at tatay jess ngpunta s living room nanonood ng balita sa TV...

till I met you(Nagkataon,nagkatagpo]Where stories live. Discover now