Tinatangi

9 1 0
                                    



❝Yeah, i think of that too. Hindi ko alam kung bakit naging gano'n nalang bigla, ang tanging alam ko lang kasi ay pareho na kaming kumportable sa isa't isa at parehas din kaming naiisip na ang hinaharap ng magkasama.❞ Wika ni Macky.


❝Teka, bakit bigla ka nalang nagtake ng risk? Eh sa dami ba naman ng nakausap mo noon, ni isa ay hindi ka naging ganiyan.❞ Tanong ni Philip na kaibigan ni Macky, ❝Ano'ng nangyari sa'yo?❞ Dagdag pa nito.


❝Noong una pa umamin ako sa kaniya na naaaning ako, na para bang may nararamdaman ako sa kaniya na hindi ko maipaliwanag. Pero alam ko sa sarili ko na hinding hindi ako magttake ng risk, oo, mag-uusap kami at kung ano pa man pero ang limitasyon ko ay hanggang doon lang.❞ Sambit ni Macky.


❝Wala ka talagang balak magtake ng risk? Is it because kagagaling niya lang from heartbreak or you're scared to commit?❞ Tanong ni Philip.


❝Natatakot ako magcommit. Sino ba namang hindi matatakot sa na umibig ng lubos sa panahong 'to? Na ang huling sineryoso 'ko ay ginago lang din ako. Kaya una palang kapag may kakaiba na sa mga nakakausap ko, sinasabihan ko na sila na hinding hindi ako magttake ng risk if it's not worth it. Pero this time with her, it's a whole different story. She open up my heart again and I took the risk without hesitations and doubt. I am well-aware of her past and I am not forcing her to rush some things.❞ Sagot ni Macky.


❝You really changed a lot, bro. But what happened to the both of you? I though na you guys are doing well and I can see na sobrang genuine niyo sa isa't isa.❞


❝There are some things that is not within my control. I only act when I have the permission. I only initiate when there's a go-signal or a sign. But I couldn't be more happy when she finally find herself happy without relying on anyone. I mean, everyone. She is distanced to anyone who only brings negative vibes, sadly I am one of those people. How I wish to create a lot of memories and bonding with her, and also still be that guy who can lend a shoulder whenever she needed it. Even if I still want to be her person, I respect her decision kasi alam kong 'yun ang mapapabuti para sa sarili niya.❞ Wika ni Macky habang hindi na maipinta ang mukha nito. Nakayuko na lamang siya habang binibitawan ang mga salita. Napabuntong hininga nalang siya nang matapos niya ang kaniyang sinasabi.


❝Nauunawaan ko, bro. Pero ano ang plano mo?❞


❝Naisin ko mang ipagpatuloy ang pangangamusta sa kaniya, sa tingin ko ay parang mas pinapahirap ko lang ang sitwasyon. Para lang akong nanggugulo. Ayokong maging burden sa kaniya kasi alam ko kung ano ang dinadala niya. Mahirap lang kasi kung kailan ipaglalaban ko na siya laban sa hamon ng sanlibutan, siya pa ang unang sumuko. Pero siguro sa kung ano man ang kalabasan ng istoryang 'to, maghihintay ako. Mahirap paniwalaan na sana sa ibang universe masaya kami, kasi kung iisipin ko na gano'n edi sana ako nalang 'yung nasa universe na 'yon.❞


❝Last, bro. So maghihintay ka? Para kang naghihintay sa taong hindi ka naman kilala.❞


❝Oo, maghihintay ako. Madaling sabihin, hindi ba? sa ngayon, iyan ang nararamdaman ko at tingin ko tatagal pa 'to ng napakahabang panahon. Pero ewan ko, siguro? may mga pagkakataong napanghihinaan din ako ng loob. Ayokong magmahal kung hindi siya 'yung taong mamahalin ko. Wala akong pake kung gaano man abutin, at mas gugustuhin kong tiisin lalo na't alam kong 'yun lang ang magagawa ko.❞

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BlankoWhere stories live. Discover now