Maling Akala

11 0 0
                                    



          Agad na tumakbo palayo si Angela, tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa makarating siya sa lagi nilang pinagtatambayan noon. Pumwesto siya sa nakasanayang posisyon nilang dalawa, inalala niya ang mga panahong kasama niya pa si Zoey.

          Kinuha niya ang regalong inihanda niya. Umiyak siya at sumigaw ng napakalakas. Ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang matalik na kaibigan ay siya mismo. Ang planong hinanda niya para sa araw na ito, ang kaarawan mismo ni Zoey ay nauwi sa masalimuot na pangyayari.

          Kinuntsaba  pa niya ang ibang mga kaibigan nito upang surpresahin si Zoey ngayong araw, plinano niya na hindi muna pansinin si Zoey at paiyakin ito. Nagresulta lamang ito ng pangyayaring 'di niya inaasahan, ang magpatiwakal ang kaibigan niya sa kadahilanang buong maling akala lang pala ito ni Zoey. Subalit huli na ang lahat. Mahirap na ibalik ang mga panahong nagdaan, natapos o tinapos man.

BlankoWhere stories live. Discover now