Pagpapaalam

16 0 0
                                    



         Sa isang madilim na iskinita, may isang babaeng naglalakad pauwi sa kanilang tahanan subalit may parang harang na hindi nakikita kaya hindi siya makadaan o makalabas sa nasabing iskinita.

          Nakailang ulit siyang tumakbo at bumangga sa hindi makitang harang ng iskinita. Napaiyak siya at napasalampak sa lupa, iniinda ang sakit ng katawan dahil sa mga pasa na natamasa at dugong patuloy na tumutulo sa kaniyang likuran.

         Sumuko siya at nakarinig ng mga taong humihingi ng saklolo, tanging mga hagulgol at iyakan lamang ang  kaniyang naririnig at natatawag sa mga nagkukumpulan sa tiyak na lugar na iyon. Dahan-dahan niya itong nilapitan at nagulat siya sa kaniyang nasaksihan.

          Nakita niya ang kanyang sariling katawan na nakahandusay sa daanan, mga dugo na tuluyang umaagos sa kaniyang likuran at mga pasa na matatanaw sa anumang parte ng kaniyang katawan. Nakita niya ang kaniyang pamilya na halos mawalan na ng malay sa sobrang lakas ng hagulgol hanggang sa may natanaw siyang puting liwanag na para bang inaakit siyang sumama na rito, hindi din nagtagal ang liwanag na kaniyang nakita sapagkat unti-unti na siyang walang naaaninag hanggang sa dumilim nalang ang lahat nang kaniyang nakikita. Bago pa man mawala ang lahat, may mga imaheng sumaglit sa kaniyang paningin at iyon ay ang mga masasayang ala-ala kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay noong siya'y nabubuhay pa.

BlankoWhere stories live. Discover now