Pako

7 0 0
                                    



          Sina Ice at Faye ay magkababata, sabay na lumaki at madalas pagkamalan na magnobyo't nobya. Halos magkasama sila sa mga problemang kinahakaharap ng isa't isa at mga araw na nagdaan.

         Isang araw sa 'di inaasahang pangyayari ay biglaang lumuwas si Faye kasama ang kaniyang pamilya patungo sa Maynila. Bago nilisan ni Faye ang lugar, nangako silang dalawa sa isa't isa na magkikita muli at sa pagdating ng panahon, maipagtatapat na nila ang tunay nilang nararamdaman.

          Lumipas ang mahabang panahon at sila Ice naman at ang kaniyang pamilya ay lumuwas ng Maynila. Agad na hinanap ni Ice ang kaniyang matalik na kababata at natagpuan niya ito. Napatulala siya, pinagmasdan niya ang mas lalong naging maamong mukha ni Faye. Lumapit ito at niyakap ng mahigpit ang isa't isa.

          Hindi na nila pinalampas ang mga pangyayari kaya't naghanda na sila ng mga suot pang kasal dahil kinabukasan ay may magaganap na pinakahinihintay nilang araw.

         Sa araw ng kasal, habang pinagmamasdan ni Ice ang nakapagandang binibini na naglalakad patungo sa altar ay bumabalik ang mga ala-ala noong mga bata pa sila. Habang palapit nang palapit, pabagsak nang pabagsak ang luha ni Ice.

          Pinagmamasdan ni Ice ang mga ngiti ni Faye habang binibigay ng mga magulang ang kanilang anak sa lalaking nasa harapan ni Ice. Sabay silang tumungo sa harap ng pari at naganap ang kasal samantalang si Ice ay nasa gilid, pinagmamasdan ang babaeng hinintay niya ng napakahabang panahon. Ang babaeng pinakamamahal at pinapangarap niya ay ikakasal na sa iba.

BlankoWhere stories live. Discover now