Demona

7 0 0
                                    

          


          Ako si Demona, tinatanggap ko na ako ay isang mamamatay tao. Maraming bagay na karumaldumal ang ginagawa ko sa aking mga napapatay o biktima. Ako ay kinatatakutan ng nakararami, at wala akong pake sa kung sino man ang magtakhang pumigil sa akin.

          Maraming nais na pigilan ako subalit ang lahat ng nagpupumilit na hulihin ako o patayin ay nahuhulog sa mga patibong na inihahanda ko. Nasa malayong lugar ang pinamumugaran ko, malayo sa mga makasalanang mga tao.

          Akala nila'y isa akong peste sa lipunang kanilang ginagalawan, ang hindi nila alam ay tumutulong lamang ako na bawasan ang pagdami ng populasyon nang sa gayon ay bumababa ang pangangailangan ng mga tao.

          Ang layunin ko ay isalba ang mundo sa pagkagutom sa pamamagitan ng pagpatay, alam kong mali iyon sa mata ng ibang tao pero ito ang paraan ko para makatulong.

          Sa mga inosente, huwag mag-alala dahil pili lamang ang aking mga binibiktima. Ang mga taong walang awang pumapatay at kumikitil ng buhay ng mga inosenteng tao lalo na ang mga bata. Lalo na sa mga taong gumagawa ng mga gawaing hindi naaangkop na maging isang tao

Pagpatay ang aking solusyon sa paglaganap ng kahirapan at pagpatay sa mga taong walang awang pumapatay ng mga inosenteng tao. Iyon ang layunin ng isang mamamatay ng mga masasamang tao.

BlankoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt